Letter #8 - Dream Come True

673 43 3
                                    

Dear Big Daddy,

Pasensya na kung hindi ako nakarating sa Sunken Garden nang gabing iyon, Dad. Hindi kasi ako nakaalis ng bahay noon dahil isinugod ko ng ospital si Mama. Nagsuka na naman kasi ng dugo. Mahina na dati pa ang baga niya, pero lalo iyong humina nang nakatanggap ng telegrama mula sa stepfather ko na hindi na raw ito babalik sa amin sa Tondo. Nagkabalikan na raw kasi sila ng dati niyang asawa nang mga panahong iyon.

I know you were so looking forward to our meeting that night. Ang tagal na rin natin kasing hindi nagkita no'n. Saka sa dami ng nangyari between us, we felt we had a lot of explaining to do to one another. Saka na-miss natin nang sobra ang isa't isa. Kung pwede ko nga lang liparin ang papuntang peyups noon ay nagawa ko na. Kaso, hindi talaga pwede.

Naalala kong sobra kang nag-alala sa aming mag-ina nang malaman mo kung ano ang nangyari sa ermat ko. I had to assure you that the doctor told us it was okay to go home the following day kung kaya naiuwi ko rin naman agad ang mama ko. Sinabi ko pa na huwag na huwag kang magbigay ng tulong. Hinding-hindi ko matatanggap iyan. Hindi naman kasi kami gumastos sa hospitalization ni Mama noon. May isang good Samaritan sa ospital na nagpaabot ng tulong. Binayaran niya lahat ng bayarin naming mag-ina. Naisip nga kita noon, eh. Pero wala ka namang kaalam-alam sa mga nangyari sa aming mag-ina nang gabing iyon dahil kararating mo lang buhat Norway, di ba?

Don't get me wrong, Dad. My not accepting your help then didn't mean I did not love you anymore. Ayaw ko lang ma-misinterpret mo pagdating ng panahon ang damdamin ko para sa iyo. I did not want you to think that I only stayed with you because of what you did for me and my mother. Kaya nga hangga't maaari ay gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa no'n.

Alam mo naman na ayaw kong tumulad sa mama ko, di ba? Ayaw kong umasa sa isang lalaki. Pero minahal kita. At mahal na mahal pa rin! Kailanman ay hindi na iyan magbabago pa. I will always love you, Dad. You are still my dream come true.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now