Letter #37 --- Warm Embrace

472 47 4
                                    

Dear Big Daddy,

Madalas, hindi ko alam noon kung papaano iraraos ang buong maghapon. Nagsimula ang ganoon kong pakiramdam nang masilayan kong muli ang ating panganay. Oo, dapat naging masaya ako noon, pero hindi. Totoo nga pala ang sabi nila na walang kasing pait iyong parang malapit na parang hindi ang taong mahal na mahal mo. Yes, Dad. I was so frustrated with the fact that Baby Tanglaw was so near and yet so far. Nakikita ko siyang nakikipaghabulan sa mga kaklase niya tuwing recess, pero hindi siya pinapayagang lumapit sa gate. Pinagbabawal ng yaya niyang nakikipag-usap siya sa mga tindera ng street food sa labas ng kanilang eskwelahan. Kasama na ako roon.

One time tumingin siya sa direksiyon namin. I swear, our eyes locked for a few seconds. Tapos nakita ko siyang ngumiti. Naisip ko minsan, naramdaman din kaya niya ang lukso ng dugo? Naalala kaya niya ang mga titig ko sa kanya noong baby pa siya?

Bago ko kasi pakawalan noon ang ating panganay, tinitigan ko siyang mabuti. Nagkatitigan kami ng kung ilang minuto. Tapos niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. I'd like to believe he remembered how I stared at him then. Nang mga sandaling iyon, ginusto ko ring mayakap siya kahit sandali lang para maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal. Pero ang laking balakid ng yaya niya. Nakakainis!

Ganoon halos ang buong maghapon ko noon, Dad. Titingnan ko siya mula sa malayo at papangarapin na siya'y lumapit. Inisip ko, forever nang ganoon ang drama naming mag-ina magpahanggang kailan. But then one day, inatake ng alta presyon niya ang kanyang yaya. Dinala siya sa clinic ng school. And you know what happened next? Our baby came running towards me. Lumabas pa siya ng gate! Habang pinagmamasdan ko siyang tumatakbo palapit sa akin, parang ikaw ang nakita ko. Matangkad din kasi siya, Dad. Fourteen pa lang siya no'n pero parang ganap nang binata.

Hindi ko makakalimutan ang una niyang sinabi sa akin pagkalapit niya. "Sorry po noong nakaraan, Ale. Pero gaya ng pangako ko sa inyo, bibili rin ako ng banana cue n'yo." At pinakyaw na nga niya ang paninda ko, Dad! Dalawang stick ang naubos niya habang nakikipagkuwentuhan sa akin tapos ang mahigit singkwentang piraso ay pinamigay niya sa mga street children at homeless people sa paligid. You would be proud of him, too, Dad. Naiyak nga ako sa nakita kong pagmamalasakit niya sa mga katulad kong dukha. Sa labis na katuwaan, nayakap ko siya nang mahigpit na mahigpit gaya ng pinangarap ko. Ang bango-bango niya. Parang ikaw din noon. Nang ma-realize ko na yumayakap ako sa isang binatilyong napakalinis at napakabango, kaagad akong bumitaw. He then stared at me like he just saw me. At that moment, I swear, I felt he was trying to recall where he felt that embrace before. Ramdam kong naalala niya ang mahigpit kong yakap sa kanya noong sanggol pa lamang siya. Ilang beses akong humingi ng dispensa sa pagyakap sa kanya noon. Natakot pa ako nang hindi siya sumagot. Kaya nagulat ako nang tahimik siyang yumakap muli sa akin bago pumasok sa loob ng kanilang eskwelahan. I have never been happier. Naiyak ako nang sobra. Bago pala siya bumalik sa loob ng school nila, pinahiran muna niya ng kanyang hinlalaki ang mga luha ko saka masuyo niya akong hinagkan sa noo. Then he said, "I like you."

Nasundan pa ang insidenteng iyon, Dad. Palagi, kapag hindi nakatingin ang yaya niya'y pumupunta siya sa akin. Pinapakyaw niya ang paninda ko. One time, nagsabi pa siyang ang gaan-gaan daw ng pakiramdam niya sa akin. I was tempted to tell him who I was, but then his wicked yaya came to the scene and grabbed him away from me. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagtapat sa kanya. Nang sumunod na linggo napag-alaman ko na lamang na nilipat siya ng parents niya ng ibang eskwelahan. But I was still thankful for the countless embrace that we shared, Dad. At least naipadama ko sa kanya ang aking pagmamahal. Sayang nga lang at naduwag akong magtapat. Ang dami kong pagkakataon para sabihin sa kanyang ako ang kanyang tunay na ina, pero lagi akong nauunahan ng takot at pangamba. Bukod kasi sa inaalala ko ang magiging reaksyon ng kinagisnan niyang magulang, natatakot din ako sa maaari niyang maramdaman para sa akin. Baka magalit siya at isumpa niya ako. Kapag nagkataon, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili.

Hanapin mo siya for me someday, Dad, please? And tell him his mother love him so much! I love you both so much!

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now