Letter #46 - Little Triumphs

538 43 14
                                    

Dear Big Daddy,

Hindi ko yata nabanggit ito sa previous letters ko, Dad. Alam mo bang patuloy kong hinanap ang panganay natin kahit na pilit na nilalayo sa akin ng kanyang mga kinagisnang magulang? At alam mo ang natuklasan ko, Dad? Basketball player din siyang kagaya mo! At varsity player pa! Natunton ko rin sa bandang wakas kung saan exactly siya nag-aaral. Haha!

Bittersweet ang pagkikita naming muli, Dad. Hindi niya ako nakilala agad. Kung sa bagay ang laki kasi ng pinagkaiba ng hitsura ko mula noong huli naming pagkikita when he was just thirteen or fourteen years old yata. Sa mahigit limang taon na hindi ako nasilayan ninuman, tingin ko ay ganoon din ang kanilang magging reaksiyon. Ang laki kasi ng pinagbago ng hitsura ko. Sobra na akong payat ngayon at mukhang mas tumanda lalo.

Alam mo, gusto ko siyang yakapin nang makita kong muli. He really reminded me of you when you were young. Mas guwapo lang siya dahil may nakuha nang kagandahan ko. Haha! I couldn't wait to see your reaction when you finally see him. I am pretty sure you wouldn't miss him in a crowd. Ganoon siya ka striking. Katulad na katulad mo. Mahirap hindi mapansin ang presence.

Napag-alaman kong, hanggang ngayong halos ay patapos na sa kurso niyang engineering ang bata ay hindi pa rin nasasabi ng kanyang mga kinagisnang magulang na siya'y ampon lamang. But then the kid, I heard, was wondering why he looked differently. Sino namang bata ang hindi magwa-wonder? Ang nakagisnan niyang mga magulang, hindi sa nanglalait, Dad, ay parehong pango ang ilong. Bukod doon, ni hindi sila lumagpas ng five-three o five-four, pati ang 'ama'. On top of that, maiitim din sila. In short, hindi kagandahan o kaguwapuhan. I am being kind here. Haha! Ayaw kong banggitin kasi ang p-word because I do respect them for caring for our beloved son. Ang baby natin pala ay around six-two or six-three kagaya mo saka mestisuhin pa. Like you and me talaga. Guwapo. Artistahin! My heart is beaming with pride just seeing him in a crowd. Nagsta-stand out talaga siya, Dad!

Nag-usap pa kami ng bata noong palabas na siya ng gate ng school nila one time. Binantayan ko roon kasi. Kunwari, may hinahanap akong lugar at nataon na nakatayo ako sa harapan ng eskwelahan nila. I thought he would snob me because he was with his teammates who looked like sons of rich people in our country. Pero siya pa ang naunang bumati sa akin. Na-sense ko ang kagalakan sa boses niya nang isinigaw niya ang pangalan ko. Kaso nga lang isang malutong na "Aling Ising!" I know, Dad. Ano ba ang mae-expect ko? Tingin ko wala ako sa posisyon para sabihin sa kanya na tawagin niya akong 'mama'. Actually, the more I get to know him, the more I feel I should refrain from telling him the truth. Ayaw kong mawindang siya. Mukhang sheltered na sheltered siya ng mga nakagisnan niyang magulang. Naisip kong baka ikasama ng kanyang loob kung malaman niya ang katotohanang 'pinamigay' siya ng totoo niyang ina. Naiiyak ako sa puntong ito, Dad. Hindi ko alam kung paano ko kasi mapapaintindi sa kanya ang pangyayari noon. Problema ko rin ang reaksiyon ni Rona. Nag-resent siya sa Papa niya nang matuklasan niya ang tungkol sa mga kapatid niya rito. Sa dami ng pasakit namin sa batang iyon simula ng kanyang kamusmusan, ayaw ko nang dagdagan pa. Baka kasi magrebelde siya at lumayo nang tuluyan sa akin. I cannot bear to lose her. She's all I got. She's my world, my universe now---my only reason for existing.

Hindi ko malimutan, Dad, ang araw na niyaya ako ng baby natin for a date. Haha! Nang mabungaran niya akong muli sa gate ng eskwelahan nila one time, ang sabi, "Hi, Aling Ising! You want to join me for lunch?" Tunog Amerikano pa rin siya kung magsalita, Big Daddy. Sa bagay, doon na halos siya tinubuan ng kamalayan, eh. High school na kasi nang magbalik-bayan silang mag-anak. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa noon, Dad. 'Yes' agad ang sagot ko. Narinig kong may bumulong sa kanyang teammate at nagtanong kung sino ako. He proudly said, "A good friend of mine."

Hindi na ako nagreklamo sa loob-loob ko this time kung paano niya ako tinawag. At least, hindi niya ako kinahiya, di ba? Iyon lang ay sapat na. Sinulit ko talaga ang pagkakataong iyon. Nang inakbayan niya ako at naglakad kami patungo sa McDo grabe ang tibok ng puso ko. Parang binalik ako sa nakaraan. Noong tayo ang lumalabas para kumain sa isawan sa labas ng peyups. Haha! Iyon ang pinaka-naapreciate ko sa iyo noon, Dad. You could opt to dine in a fancy restaurant, but you were always willing to go with me to Mang Larry's. Alam mo kasing trip kong kumain doon. Isa iyon sa iniingatan kong memories natin together, Dad. I hope na ikaw ay ganoon din.

Habang kumakain kami ng panganay natin sa McDo, ang dami naming napagkuwentuhan. At nasigurado ko right there and then, his adoptive parents did so well in raising him. Ang bait niyang bata. Saka napaka-gentleman pa niya kumilos. Every inch of him speaks well-bred. Nang mga oras na iyon, unti-unti kong kinalimutan ang pagnanais na mag-compete sa mga magulang niya for his attention. Ewan ko, Dad. Bigla rin akong natakot---bahag na naman ang buntot ko.

Nang bigla na lang siyang nagsabi ng, "I like you so much, Aling Ising. I do not know why. But you seemed so special to me...Sana po you will awalys be here for me," hindi ko napigilan ang mapahagulgol, Dad. Nagulat siya. Nataranta pa nga. He didn't know how to pacify me. Tapos lumipat siya sa tabi ko at niyakap ako nang mahigpit na mahigpit.

Sabi ko sa kanya, "What if I tell you, you are my son?" He stared at me for a few minutes. Parang nagulat na hindi maintindihan. Tapos nang mag-sink in na siguro ang mga sinabi ko, he smiled at me then said, "You are not a comedian, Aling Ising. No offense meant, but you do not know how to deliver a line. Pero salamat po at pinagaan n'yo ang aking pakiramdam. For a while, I was worried."

Hindi niya sinagot ang tanong ko, Dad. He thought I was just joking. Tingin ko naman, he was not simply pretending that he thought I was not being serious. Pakiramdam ko, iyon talaga ang feeling niya. Siguro naiisip niya, parang imposibleng maging anak ko siya dahil parang kung tingnan kami'y mukha na kaming maglola. Nalungkot ako rito, Big Daddy. Pero ano pa ba ang magagawa ko? I think it is kind of too late to let him know now. I had my chance when he was in high school. Di ba, Dad? Kung ikaw sa posisyon ko, would you still tell him despite your fear of losing him in the process? I feel that my time in this world is coming to an end---soon. I do not want to risk not seeing him for my remaining few days here on earth. I want to be with him whenever I could.

Missing you so much! Wish you were here to share this little triumphs I have in finding our panganay. May the two of you meet someday. Sana ikaw na ang pumuno sa mga pagkukulang ko sa kanya. I love you both.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now