Letter #39 - Mother's pride

551 48 19
                                    

Dear Big Daddy,

Grabe ang excitement ko nang makita ang caravan ng real estate company ninyong dumaan sa lugar namin, Dad. Biglang nag-palpitate ang puso ko nang makita ang larawan mo sa tarpaulin na nakadikit sa mga sasakyan ninyo. Kandahaba nga ang leeg ko sa pagbabakasakaling masilayan kita, subalit may nakapagsabi sa akin na mga tauhan mo lang ang sumama sa parada. Sayang. Gustong-gusto ko pa naman sanang masilayan kang muli.

From your photo on the tarpaulin, kung kuha iyon recently, masasabi kong you have aged gracefully, Big Daddy. How I wish I can say the same about me. Sa dami ng pinagdaanan kong problema, parang mas tumanda ako nang maaga. Sabi ng iba, may bakas pa rin naman ng kagandahang minsa'y napasaakin, ngunit marami na akong kulubot sa mukha, Dad. Mabuti na rin sigurong hindi tayo nagkita. Baka masasaktan lang ako kapag hindi mo na ako makilala.

My Rona has always reminded me everyday that I am the most beautiful mother in the whole wide world. H'wag daw akong mag-alala masyado sa hitsura ko. Pero ganoon naman ang bata, di ba, Dad? Laging pinakamaganda ang nanay nila sa lahat ng nanay sa balat ng lupa. Haha!

Sometimes, I wonder, Dad, kung naaalala mo pa ako---ang mga pinagsamahan natin noon sa peyups, lalung-lalo na sa klase ni Dr. Dominguez. Medyo matagal na rin kasi iyon, eh. Minsan kapag binabalikan ko nga sa aking isipan, it seemed like it was a lifetime ago na kung tutuusin mahigit dalawang dekada pa lang naman ang nakararaan.

Oo nga pala, Dad, gustung-gusto ng unica hija ko ang mga disenyo ng mga gusali ninyo. One time nga ay nahuli ko pa siyang gumugupit ang mga larawan ng hotels, resorts, at mga malls ng Santillan Group of Companies. Mayroon na siyang scrapbook niyan, Dad. Tapos nang sabihan kong personal kong kakilala ang mismong may-ari ng kompanya, natawa siya. H'wag ko raw siyang biruin nang ganoon. Ang corny daw. Napangiti na lang ako. Hindi ko siya masisisi. Sa tuwing binibistahan ko ang repleksiyon ko sa salamin, hindi ko na nakikita ang isang Isadora Maria Ramirez na minsa'y kinabaliwan ng isang Gregorio Ronaldhino Lizares Santillan. Ang tumititig sa akin mula sa salamin ay isang payat at sakiting matanda. I never thought my body would age this fast. Nakakalungkot. Nagpapasalamat na lang ako na binigyan pa ako ng pagkakataon ni Lord noon na mayakap nang mahigpit ang aking panganay. I think that was enough consolation.

How I wish you can see my daughter's sketches, Dad. May talent siya sa pagdidisenyo ng mga bahay at gusali. I am not saying that because I'm her mother. Tumanda man ako nang kaunti (haha!), I still have that eye for sheer talent when I see one. At nakikita ko iyan sa anak kong si Rona. My heart is overflowing with pride knowing that I gave birth to this talented and beautiful lady.

Sige na nga. I will end this letter now before I ramble about how talented my little girl is.

A little old now but still your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon