Letter #16 - Windfall

545 43 1
                                    

Dear Big Daddy,

Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa binalita ng mama ko isang gabing nauwi ako sa amin after a very stressful thesis defense. May pumunta raw sa aming lawyer no'n at sinabihan siya na may pamana raw ang mga lolo't lola sa kanyang maliit na residential lot sa kalapit na barangay. May nakatirik na rin daw doong bahay. Hindi man kalakihan, pero di hamak na mas maganda at mas habitable daw kaysa barung-barong namin.

To be honest, Dad, ikaw agad ang naisip ko nang marinig ang balitang iyon. Baka padala mo lang kasi ang lawyer na iyon at talagang mula sa iyo ang naturang bahay at lupa. Ang pagkakaalam namin kasi ni Mama, sugarol noon ang papa niya. Wala iyong naipamana sa kanya kundi ang ganda ng lahi lamang. Hehe!

Hindi ko pala naikuwento sa iyo. Iyong Ramirez na apelyido ko ay mula kay Mama na nakuha naman niya sa kanyang ama na purong Español. Yes, Dad. Habla Español si Lolo. Kaso lang sa lahat ng mga naiwang Kastila sa Pilipinas, siya na yata ang pinaka-pobre. Mama and I resented him. Ayon kasi sa lola ko na tubong Zamboanga, naubos ni Lolo ang lahat ng ari-arian ng pamilya niya pati ang namana ng lola ko sa mga magulang niya sa sabong.

Alam mo ba kung bakit sila napadpad sa Maynila noon? Para tumakas! Mayroon kasing pinagkautangang tao si Lolo sa Zamboanga na gusto siyang patayin na lang dahil hindi nakabayad ng utang. Kaya nang sabihin ng lawyer kay Mama na may iniwan daw ang mga itong pamana para sa kanya, naisip agad naming may gusto lang mang-prank sa amin. Paano raw nakapagpundar ang sugarol nitong ama? Ultimo nga sapatos nitong suot-suot noon ay isinanla pa, how much more ang bahay at lupa kung mayroon pa itong natira noong nabubuhay pa siya?

But then the following day, the lawyer came again. This time gusto niya kaming dalhin ni Mama doon sa bahay na iyon. Sabi ko sa ermat ko, puntahan na lang namin. Wala rin kasing mawawala sa amin kung maniniwala kami. And lo and behold! Nandoon nga at mayroon talagang bahay doon na para sa nanay ko!

We asked the neighbors about the house and they told us na doon nga nakatira noon ang lolo't lola ko. Pero bigla na lang daw silang nawala roon at walang nakapagsabi kung saan sila nagpunta. Hindi na namin sinabi ni Ermat na doon lang sila sa kabilang barangay nalipat noon at doon na rin siya---kami nagkaisip.

Sa nasagap naming balita sa mga kapitbahay, may something na hindi tugma sa sinasabi ng abogado. Ganunpaman, tinanggap namin ang paliwanag niya. Baka nga na kinailangan na namang tumakas ni Lolo noon sa pinagkakautangan sa lugar na iyon kung kaya ora-orada silang nag-alsa-balutan. Pero sobrang nakakapagtaka dahil bakit kay Mama lang pinamana ang bahay at lupa? Apat silang magkakapatid, eh. Si Ermat ang bunso. Saka, bakit pumayag ang mga tiyahin at tiyuhin kong ubod ng swapang sa pera na hindi sila bahaginan ng mana? May pirma sila sa papeles, eh. Nakakapagtaka lang.

Gayunman, Mama and I were so happy. Naalala ko pa, dali-dali kaming naghakot ng mga gamit at lumipat doon. Nang maka-settle na kami sa bago naming tahanan, dumating na naman ang abogado at may inabot na sobre kay Mama. Sinabi niyang iyon daw ang cash na iniwan ng mga magulang niya sa kanya. Ang kapal ng sobreng iyon, Dad! First time naming makahawak ng ganoon ka laking pera! Grabe. Hinimatay nga ang nanay ko pagkakita sa datung. Haha!

I remember quite well that my mother refused to accept the money when she regained her consciousness. Mukhang pera ang nanay ko, pero malaki rin ang takot niya sa kanyang mga ate at kuya. Alam kasi naming sugapa ang mga iyon pagdating sa salapi. At makikipagpatayan ang mga iyon para lamang sa kakarampot na halaga kaya sure kami ni Ermat na guguluhin nila kami if ever tinanggap namin ang cash. Dahil sa agam-agam namin, the lawyer showed us papers na pumapayag daw ang mga tiyahin at tiyuhin ko. Kabilin-bilinan daw kasi ng mga magulang nilang ibigay iyon kay Mama dahil siya lang ang hindi napagtapos sa apat silang magkakapatid.

For the first time in years, nakita kong lumuhod at nagpasalamat sa Diyos si Mama, Dad. Saka sa kauna-unahang pagkakataon din ay nayakap niya ako at nahalikan sa pisngi. Then, she told me, she loved me so much and that if the time comes na siya naman ang mawawala sa mundo, sana'y pahalagahan ko ang tahanang iyon alang-alang sa alaala ni Lola.

While I was hugging her, I thought about you again, Dad. Inisip ko lang, hindi kaya---pero wala akong nabanggit tungkol kina lolo't lola noon sa iyo, eh. Paano mo malalaman ang lumang bahay ng mga grandparents ko?

Pero sa isang banda, naisip ko ring posible. Sa yaman at impluwensya ng pamilya n'yo malamang ay napahanap mo iyon. Kung sana ay may katibayan ako, for sure, hindi namin iyon tatanggapin. Kaso, wala. Saka habang nakikita ko ang pagbabago kay Mama---she stopped her vices and she became her old self---bubbly and hopeful, the more that I was convinced not to know where our windfall came from. Nagpasalamat na lang ako kay Papa Lord.

Kung sa iyo nga galing iyon, Dad, please accept my heartfelt gratitude. I will always be thankful that I have come to know you. You will always have my heart.

Your baby forever and beyond,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon