Letter #22 - Unconditional love

552 43 8
                                    

Dear Big Daddy,

Naalala mo iyong diskusyon natin noon sa isang Humanities class tungkol sa unconditional love? Nag-debate pa nga ang klase natin no'n. Kayong mga lalaki ay nasa affirmative side na in favor of giving up children for adoption tapos kami namang mga babae ay nasa negative side. Hanggang sa canteen ay patuloy nating pinagtaluhan ang bagay na iyon. Sabi mo pa sa akin no'n, "Unconditional love means giving up somebody for his benefit. If you know it in your heart that letting him go would be best for him, then give him up."

Napaiyak ako no'n. Sabi ko pa, hinding-hindi ko magagawa iyan sa magiging anak ko. I will fight for him until my last breath. Pero nang nandoon na ako sa sitwasyon, Dad, parang piniga ang puso ko. I wanted to hold on to him, but I also knew that he may not survive if I do so. You see, Dad, malala na ang TB ni Mama at this time. Nang malaman nga ng doktor na I was living with a TB patient at buntis pa ako no'n, natakot siya for me and our child. Mabuti na lang, Dad, naging mabait si Lord. Liban sa kaunting deperensya sa baga ni Baby Tanglaw, he was doing well.

The day I had to decide for Tanglaw's future was the saddest day of my life. I cried uncontrollably. Parang hindi ko makakayang mawala siya sa piling ko. Hindi ako nakatulog nang kung ilang gabi. But then, I had to do my job as a mother this time. Iyong mga palpak kong desisyon noon, Dad, iyong mga pagkakataong pinalampas ko na pinagsisihan ko rin sa bandang huli---they helped me decide with conviction this time. Ipinikit ko na lang ang mga mata nang mag-sign sa papeles na ipinapa-adopt ko si Baby. Bagay na mahigpit kong tinutulan noong college. Na-realize ko nang mga panahong iyon ang katotohanan sa sinabi mo: "Ang tunay na ina ay handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng kanyang anak."

Pasensya na, Big Daddy. Gusto kong ako mismo ang mag-alaga sa munti nating anghel pero mahirap nang mahawa siya kay Mama. Hindi rin pupwedeng si Ermat ang ipamigay ko. Sa kalagayan niya nang mga panahong iyon, tanging kadugo lamang ang may tatag ng loob na alagaan siya. Ang katatagan ng kalooban ko ay nagmula sa labis na pagmamahal ko sa kanya.

Sana balang-araw ay maintindihan mo kung bakit ko ginawa iyon sa ating anghel noon. Sana rin, kung palarin na mauna mong matagpuan si Baby, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit siya nagawang ipamigay ng mama niya. I love him with all my heart. Kahit buhay ko'y kaya kong isakripisyo sa kanya. Heto nga't sinusulat ko lamang ang pangyayaring iyon noon, hindi ko napigilan ang pagtangis. Mahal na mahal ko siya. Kayong dalawa. Kayo ang buhay ko.

Hindi na siguro magbabago pa ang damdamin ko para sa iyo kahit na malabo nang magkabalikan pa tayo. But just the same, I wanted you to know that I will always be your baby.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now