Letter #30 - My rainbow, my heart

519 45 13
                                    

Dear Big Daddy,

Hindi ko malilimutan ang unang araw na pinasyal ko sa Luneta ang aking unica hija, Dad. Bakit ba kamo? Ginulat ako ng nakita kong advertisement sa tarpaulin na nakakabit sa isang bus na nakaparada sa harapan ng parke! Grabe lang, Big Daddy. Para akong itinulos sa kinatatayuan nang mabasa kong muli ang pangalan ko na nakaukit sa isang gusali. Tinupad mo pala ang pangako noon sa akin na pagagawan mo ako ng hotel. At hindi lang iisa, ha?

Hindi ko sukat-akalain na mayroon na palang Queen Isadora Hotel sa Makati, Quezon City, Cebu, Palawan, Baguio, Dumaguete, at Cagayan De Oro nang mga panahong iyon. Naisip ko, paano iyon nangyari nang hindi ko man lang nabalitaan? Ganoon na ba ako ka out of touch sa realidad? Kung sa bagay, naging madalas kong kakampi nang mga panahong iyon ang bote ng gin at lambanog. Ni hindi na rin ako nagbabasa ng mga balita no'n. Marahil iyon ang dahilan kung bakit nakaligtas iyon sa aking kamalayan.

Nagulat na naman ang anghelita ko nang bigla na lang akong mapahagulgol sa harapan niya. Napaluhod ako para magka-level ang mga mata namin and right there and then I told her what real love is. I said, "You know you're with the right person when he can make your world a better place." Napa-ha ang baby ko at napakamot-kamot ng ulo. Saka nakita ko ang pagsilay ng kiming ngiti sa kanyang mga labi. Bigla akong kinabahan, Dad. Kasi'y pamilyar na pamilyar ang mga ngiting iyon sa akin. Ganoon ako ngumiti nang makilala kita.

Na-shock na naman ang anak ko nang bigla ko na lang siyang hilahin at yakapin na naman nang mahigpit na mahigpit. I let her promise me right there and then na huwag na huwag siyang magmahal sa maling tao. Sinabi ko pang mas gugustuhin ko pa siyang tumandang dalaga na lang kaysa magmahal siya ng hindi naman karapat-dapat para sa kanya.

I remember what my baby told me then. "Ang weird ninyo, Mama." Pero nakita ko siyang ngumiti uli. Sa totoo lang, Dad, I was never as scared in my life as I was at that very moment. Natukso akong usisain siya kung sino ang nagpapangiti sa kanya nang ganoon, pero natakot naman ako sa isasagot niya. Inisip ko na lang na baka masyado ko lang binigyang-kulay ang isang inosenteng ngiti.

Hindi kami nagtagal sa parke nang araw na iyon dahil maya't maya'y naging emotional ako. Sa tuwing napapahagulgol ako nang walang halatang kadahilanan, pinagtitinginan nila ako---kaming mag-ina. Nahiya ang baby ko. Niyaya niya akong umuwi agad.

Sa bahay ko na lubusang natindihan ang kahulugan ng matatamis niyang ngiti. Tama nga ang sapantaha ko. Lalaki ang dahilan, Dad! Isang batang lalaking tinatawag naming Caloy. Anak ng kapitbahay naming si Aling Loleng si Caloy. Mukha siyang mabait na bata, pero ayaw kong mahumaling si Rona sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko sa kanya.

Nakita kong natakot sa akin ang batang lalaki nang bistahan kong mabuti. Si Rona nama'y tila nahiya. Tinulak pa ako papasok ng bahay namin. Mauna na raw ako at kakausapin pa niya ang kalaro.

Sa totoo lang, Dad, I was tempted to snatch her away from him. Paano kasi'y hinawakan siya agad sa kamay ni Caloy kahit kaharap pa nila ako at takot pa ang batang ito nang lagay na iyon, ha? Paano na lang kung hindi ako nakatingin? Ano kaya ang pinaggagawa nila?

Pinagalitan ko rin ang sarili sa kung anu-anong mga naisip ko. Nakalimutan kong noong mga panahong iyon ay naglalaro pa lang sa pito hanggang walang taong gulang ang aking unica hija. At ganoon din si Caloy. Malamang, wala pa silang kamalay-malay sa kung anong naglalaro sa isipan ko. Masyado lang akong advance mag-isip.

Alam mo Dad, sa tuwing nakikita ko ang sweetness nila Caloy at Rona, naaalala ko ang masasaya nating sandali sa Sunken Garden. Parang ikaw din kasi si Caloy, Dad. Maalaga. Maaruga. Malambing. Katunayan, sa tuwing nadadapa ang anak ko sa laro nilang habulan at taguan, lagi itong nakaagapay agad. Hinihipan niya ang duguang tuhod ni Rona at niyayakap niya ito hanggang sa tumahan na sa kaiiyak. Ang sweet lang, di ba?

Though it made me happy that my baby had experienced early that blissful feeling I also felt when I was with you in college, it also made me so scared. Paano na lang kung matulad sila sa atin? Hindi ko yata kayang makitang umiiyak ang bunso ko nang dahil sa isang lalaki. Gayunman, sinikap kong h'wag maging negatibo. Hinayaan kong lumigaya ang aking anghelita.

Habang lumalaki ang aking si Rona, dumadalang naman ang pagpapakita sa amin ng tatay niya. May mga panahong mangangako ito sa bata na dadalaw at hindi naman sisipot. Noong una'y pinagsisintir iyon ng bata. Pero bandang huli'y nakasanayan na rin niya. Or so I thought...

Nagising na lang ako isang gabi nang parang may umiiyak sa hindi kalayuan sa akin. Nang buksan ko ang ilaw sa aming silid, nakita ko ang aking munting anghel. Nakapamaluktot sa isang sulok habang impit na umiiyak. Parang piniga ang puso ko nang mga sandaling iyon. Napapiksi siya nang maramdaman niya ang dantay ng aking mga kamay. Nang usisain ko kung bakit, magkakaila pa sana. Pero napaamin ko rin. Na-miss niya ang hudas niyang ama!

Isa lang ang hiniling ko sa Diyos sa buong buhay ko, Dad. I guess you know that already. Iyon ay ang pagkaroon ng ama ng aking anak. Ginawa ko naman ang lahat, Big Daddy. Naging ama't ina ako para sa aking anghelita, pero ganoon talaga siguro iyon. Magkakaroon pa rin ng espasyo sa puso ng bata na tanging ama nito ang makakapuno.

Sa puntong ito ng buhay ko, Dad, I felt so lost...And I thought about you as always. How I wish I can turn back the clock and be with you one more time. Naisip ko pang kaya kong ibigay ang kahit ano mayroon ako makapiling ka lamang nang kahit isang araw lang. Subalit, nang mapagtanto kong kapag binago ko ang isa sa mga naging desisyon ko about us in the past, wala sanang Ronaldhina Gregoria Ramirez. Maaaring mayroon tayo ng version natin ng ating little Rona, but not my RONA. Just the thought of not having her in my life make me so weak. Hindi ko rin pala kaya. She is my everything now... My rainbow. My heart.

Still your baby though,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now