Letter #47 - Greatest Gift

632 51 16
                                    

Dear Big Daddy,

Grabe, Dad. Nag-uumapaw ang kaligayahan ko. Sinabi kasi sa akin ng bunso ko na kabilang siya sa ga-graduate ngayong taon! Biruin mo iyon? Ilang hakbang na lang may anak na akong architect! Parang kailan lang ay pinapalitan ko pa ang kanyang lampin dahil umihi na naman. Tapos ngayon ay magtatapos na siya sa kolehiyo! Sobra akong proud. No words can ever describe how I feel at this very moment.

Habang nagmumuni-muni ako sa naging buhay ko, hindi ko naiwasan ang maging sentimental. Ang daming hindi magandang nangyari sa akin, but I have to admit na lucky pa rin ako. At least, mayroon akong anak na kagaya ni Rona. Tingin ko, siya ang tutupad sa lahat ng mga naudlot kong pangarap. Nangako ako noon kay Mama na ipagpatayo ko siya ng magandang bahay at bibigyan ko pa ng maalwang buhay. Bigo akong maialay iyon sa kanya. Ngunit sa isang banda, naibsan din kahit papaano ang aking guilt feelings dahil ni minsan ay hindi ko siya iniwan gayong nagkaroon ako ng ilang beses na pagkakataon. Minsan naisip ko na kung sumama kaya ako noon sa iyo ay naibigay ko kaya sa kanya ang pinangako ko? Pero naisip ko rin na baka hindi niya rin inabot iyon. Noong mga panahon kasing ilang beses mo akong kinukulit na sumama na sa iyo, iyon din ang time na palubha ang sakit niyang TB. Kung makaubo siya no'n aakalain mong hindi na matapos-tapos at parang animo'y matitigok na. Kaya medyo natanggap ko rin ang naging desisyon ko sa buhay. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ganoon ang mga naging diskarte ko noon.

You know what? I feel I am reaping the rewards of my sacrifices now. Isipin mo, ang bunso ko'y ga-graduate na bilang isang architect at ang panganay ko naman ay isa nang ganap na inhinyero! Yes, Dad! Nakita ko sa dyaryo kamakailan na nasama siya sa list of successful examinees sa larangan ng civil engineering. Naiyak ako, Dad, habang binabasa ang pangalan niya. Nagulat nga si Rona. Pero mabuti't hindi naman masyadong nagtanong. Sabi ko lang, happy ako sa binigay niyang karangalan sa akin. Siya lang kasi ang kauna-unahang nagtapos ng kolehiyo sa barangay namin. Lahat nga ng taga-rito ay gustong maki-celebrate sa amin. Kinaiinggitan ako ng mga nanay. Haha!

Ang usapan naming mag-ina, itatayo niya ako ng isang magarang bahay. Hindi ako nag-demand, Dad, ha? Kahit ano pa kasing bahay ang titirhan ko basta kapiling ko ang mahal kong anak, okay na okay sa akin. Sa totoo lang, I do not care now if ever hindi ko aabutin pa ang sinasabi niyang dream house na itatayo for me. Sapat nang naigapang ko ang kanyang pag-aaral. Ito na marahil ang pinakamalaki kong achievement sa buhay. Biruin mo, ang isang street vendor ay nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo? Sobrang kaka-proud, di ba? Di bale nang hindi ako naging matagumpay sa career ko. Naging successful mother naman ako. Di ba, Dad? Haha! Hayaan mo na akong magyabang. Minsan lang kasi ito. I just couldn't help it. My little Rona will be known someday as the best architect in the Philippines! Baka in the whole wide world pa! Mark my words, Big Daddy. Baka nga magpagawa ka pa ng building sa bunso ko? Haha!

Sana Dad, someday the four of us---me, you, my Rona and her Kuya Tanglaw will have a chance to be together in a room kahit na panandalian lang. It would be the greatest gift of all for me. Kayong tatlo kasi ang ligaya ko sa buhay. Higit sa lahat, excited talaga ako sa reaction mo kapag nakita mo na in person ang living replica mo! Haha! He has my eyes though. Kapag tumatawa siya, nakikita ko rin ang sarili ko noong kabataan ko. He even looked like me more than Rona does. Pero overall, ikaw talaga ang makikita sa kanya ninuman kapag they happen to know you when you were young.

Oo nga pala, Dad. Napanood ko na naman sa TV kamakailan ang balitang may tinatag ka na namang negosyo abroad. Papalawak na talaga ang sakop ng family business n'yo, ha? Siguro, saan man naroroon ngayon ang iyong mga magulang, sobra silang satisfied with how they manipualted you into marrying that woman. Mukhang nakadulot talaga ng maganda sa family business n'yo ang marriage ninyong dalawa. Dinig ko nga, napabilang sa top 1000 around na world ang inyong negosyo. That's one hell of an achievement, Big Daddy. Sino ang mag-aakala na maaabot iyan ng Santillan Group of Companies sa pamumuno mo? Ibang-iba ka na nga ngayon. Malayo sa easy-go-lucky college heartthrob na nakilala ko noon.

By the way, binilang ko ang mga sulat ko sa iyo, Dad. Naka-forty-six na pala ako. Isipin mo iyon! Pang-forty-seventh letter ko na pala itong binubuo ko. Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko ito mapapadala sa iyo kasi palagi kayong wala sa Pilipinas. Ayaw ko namang basta na lang itong ipa-koreo nang hindi ko siguradong mapapasakamay mo nga. Pinaghirapan ko rin ang mga ito, ano. Saka I poured my heart and soul into the letters. I want to be sure na ikaw nga ang makakatanggap nito. Excited ako sa magiging reaksiyon mo. Kaso nga lang, baka hindi ko na abutin pa...

I miss you, as always.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon