Letter #14 - Dinner date

677 39 6
                                    

Dear Big Daddy,

Kabado ako nang araw na iyon, Dad. You just didn't know how nervous I felt. Hindi ko kasi alam kung paano pakikiharapan ang mga magulang mo. Hindi ko rin alam kung ano ang isusuot ko sa dinner date natin with them. Ano ba dapat sinusuot ng bisita ninyo? Sa amin kasi sa Tondo okay lang magsuot ng daster. Haha. Corny ba? Pinapakalma ko lang ang sarili ko kasi no'n. Gulung-gulo kasi ang isipan ko kung saan ako kukuha ng formal dress for the occasion. Ang sabi kasi ng mga kaibigan ko dapat I should wear my best Sunday dress pero wala ako no'n. Pantalong kupasin lang lagi ang suot-suot ko sa tuwing papasok ng peyups, di ba? Dadalawa lang iyon, saka a few T-shirts. Wala rin akong sapatos. Kaya nga lagi akong naka-tsinelas. Hindi iyon fashion statement. Gipit lang kami talaga. Maswerte lang ako dahil kahit na taga-iskwater ay pang-mayaman naman ang mga paa.

Kaya rin ako kinakabahan noon dahil hindi ko gets kung bakit biglang nagbago ng pakikitungo sa akin ng mga magulang mo. Sabi nga ni Mama h'wag na raw akong pumunta. Baka raw kasing isahog n'yo lang ako sa paella. Haha! Joke lang iyon, ha?

Kidding aside, bakit nga ba ako inimbitahan ng mama't papa mo to have dinner with them noon? Ano ba'ng okasyon noon sa inyo? Ito ang hindi mo masyadong naipaliwanag sa akin noon. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin ang posibleng dahilan.

Alam mo bang muntik na akong mag-bail out at the last minute noon? Kaso, baka lalo silang mainis sa akin. Baka isipin nilang nagpapa-hard to get ako sa kanila at imbes na dahan-dahang lalambot ang puso nila sa akin ay lalaong titigas pa.

Naisip ko nga noon, what if manungkit na lang ako ng damit ng kapitbahay namin dahil wala akong maisuot? Maraming magagandang dresses si Cherry, eh. Haha! Joke!

Hindi ako magnanakaw, Dad. Alam mo iyan. Kahit siguro wala na akong maisusuot ay hindi ko pa rin maaatim manungkit ng damit nang may damit. Oops. Stop with the naughty thoughts, Big Daddy! I know what you are thinking right now!

Hindi ko makalimutan ang gabing iyon nang sinundo mo ako sa amin. You looked at me like I was the most beautiful woman in the universe. You looked so proud while I was holding your arm. The same way you were not embarassed to hold my hand in public kahit na naka-tsinelas lang ako at ikaw ay naka-bespoke shoes made by the finest shoemaker in Italy. Naisip ko pa noon, kapag naging famous couple tayo someday and TV reporters asked me why I was drawn to you, siguro ang una kong masasabi sa kanila ay, "You never tried to change the way I dress. You just let me be me."

Tandang-tanda ko pa kung paano ako na-excite noon. It could still bring joy to my heart everytime I remember that day. Hindi kasi ako makapaghintay noon na masilayan ang mansion n'yo! Ang dinig ko kasi ang lalaki ng mga bahay sa Forbes Park. Biniro pa nga kita na baka maligaw ako't hindi na ako makalabas sa kaiikot sa loob. Tumawa ka lang sa akin.

Oh, that laugh. I would give anything to hear that sexy laughter again.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant