Letter #40 - I Miss You

504 44 10
                                    

Dear Big Daddy,

May nakapagsabi sa aking kapitbahay na may pumunta raw sa bahay naming isang guwapo, mabango, at mukhang mayamang lalaki noon. Hinanap daw ako no'n. Naisip kaagad kita, Big Daddy. Ikaw lang kasi ang kilala kong lalaki na pasok sa ganyang pagkakakilanlan. Ikaw nga ba iyon, Dad?

Alam mo nang sinabi sa akin ni Aling Loleng iyon, nag-palpitate ako, Dad. Maisip ko pa lang kasi ang posibilidad na makita kitang muli ay natuturete na ako. Ganyan pa rin ang epekto mo sa akin. Sad to say hindi ako nakausad mula sa paghihiwalay natin. How I wish I can say I have moved on with my life. Palagay ko, ikaw ay nasa mabuting estado na. Nababalitaan ko minsan ang tungkol sa pamilya mo. Nakita ko pa nga ang larawan ninyong mag-anak. Mukhang nagkaigihan din kayo ng Norwegian woman na iyon, ha. Buti ka pa.

Kung tumagal-tagal ka sana nang kahit ilang minuto pa sa barangay namin, Dad, malamang nagpang-abot tayo noon. Kasi kaaalis mo lang daw no'n nang dumating naman kaming mag-ina. Oo, kasama kong nagtinda sa Quiapo noon ang aking unica hija. Hindi ko siya pinilit. Nagkusang-loob siyang sumama. In fact, she was the one who volunteered to help me out. Medyo nahihirapan na rin kasi ako no'n sa pagkarga ng mga paninda ko lalo pa kung nakikipaghabulan pa sa mga pulis. Maswerte rin ang pagsama ng baby ko nang araw na iyon dahil naubos agad ang aming paninda. Mayroong pumakyaw na binata. Haha! Naalala ko tuloy ang aking kabataan. Sa tuwing sumasama ako kay Mama sa pagtitinda-tinda niya noon sa Baclaran, ubos agad ang paninda namin. Ni hindi kami nabababad sa initan sa paglalako dahil makalipas lamang ang kung ilang minuto ay mayroon nang pumapakyaw. Lahat ng mga iyon ay kalalakihan. Nagmana nga sa akin ang Rona ko. Modesty aside, ma-appeal din siya, Dad. Haha! Proud na proud ako sa kanya. Beauty and brains ang bunso ko. Nagmana sa mama. Wink, wink!

Nang gabing iyon, Dad, hindi ako nakatulog sa kauubo. Siguro dala na rin ng pagod sa buong maghapong pagtatrabaho. Idagdag pa roon ang labis kong panghihinayang na hindi tayo nagpang-abot. Sana kasi'y umuwi kaming mag-ina agad. Paano, gusto pang bumili ng damit ni Rona no'ng time na iyon. Iyon ang panahon na napansin kong labis-labis ang pagsusumikap niyang maging kaakit-akit para sa kanyang nobyong si Caloy. Tama ang nabasa mo rito, Dad. Naging sila rin. Ang tagal pa bago nila inamin sa akin. Sila na pala noong first year high school pa nila tapos nasa kolehiyo na nang umamin. Ang inisip kong puppy love lang noon ay naging seryosohang pag-iibigan din. Dapat naging masaya na ako para sa aking bunso, di ba? Pero ewan ko, Dad. Hindi ko iyon naramdaman noon. I felt something was amiss. Kung tutuusin ay maganda pa ang pakita ni Caloy noong time na iyon kay Rona. Siguro'y mother's gut-feeling.

To be honest, Dad, tumahimik lang ako no'n pero hindi ko nagustuhan ang inasal ng anak ko. Ayaw ko kasi na sobra siyang mahumaling sa nobyo niya. Siguro nasa subsconscious ko na no'n na ayaw ko siyang matulad sa akin. Sobrang na in love sa isang lalaki, sa iyo, kung kaya hindi na umusad ang love life nang mahiwalay sa tinatanging lalaki. Haha! Baka iniisip mo sa puntong ito na sobra na akong corny. Sige na nga, titigil na ako sa mga kung anu-ano kong kakornihan.

Oo nga pala, Dad, noong isang linggo ay napasugod kami sa ospital. May dugo na sa plemang lumabas sa akin. To be honest, hindi na ako natatakot sa kung ano ang mangyayari sa akin. Tanggap ko na ang kapalaran ko. Ang hiling ko na lang sana ay maabutan ko pa ang graduation ng bunso ko sa kolehiyo. Ayaw ko siyang ewan na wala siyang pananggalan para sa kanyang kinabukasan. Konting tiis pa. Sana ay kayanin pa ng aking katawan.

I hope and pray na bumalik ka pa sa amin, Big Daddy. Masilayan man lang sana kita sa malapitan kahit isang beses man lang bago ako mamaalam...

By the way, Dad, narinig ko kanina sa radyo ang kanta ng Klymaxx, ang I miss you. Hindi mo sila kilala for sure. Haha! Noong 1984 pa raw nila ni-release ang kantang ito, pero ngayon ko lang siya talaga narinig. Pagkadinig ko, naiyak ako Big Daddy. As corny as it may sound, katulad ng sa kanta I miss you like crazy. Kuhang-kuha talaga nito ang nararamdaman ko para sa iyo. Pakiramdam ko nga parang sinulat talaga nila ito para sa ating dalawa.

Napapangiti rin ako habang binubuo ko itong sulat ko para sa iyo kasi tingin ko hindi mo pa nga naririnig ang kantang binabanggit ko rito. Siguro'y pinangungunutan ka na ng noo ngayon kung binabasa mo nga itong sulat ko. Haha! Sige na nga, corny na kung corny. Basta iyan ang nararamdaman ko. Bahala ka diyan!

O siya. Ingat palagi, ha?

Ang corny mong baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now