Letter #44 - Broken

647 42 20
                                    

Dear Big Daddy,

Nang malaman ko kay Elena ang nangyari, believe me, Dad, gusto kong maghuramentado. Iyon ang araw na sinumpa ko talaga. Hinding-hindi ko iyon nakalimutan. Siguro nga kung nasa harapan ko ang Caloy na iyon noon ay baka may ginawa ako sa kanya. Oo, patpatin na ako no'n at halos buto't balat na lang, pero kaya ko pa ring ipagtanggol ang baby ko.

Napaupo na lang ako sa kawayan naming upuan sa bahay na parang nauupos na kandila pagkarinig sa isiniwalat ni Elena no'n. Noong mga oras na iyon ay naghahanda na sana akong pumunta sa hotel para silipin ang pagpapaganda ng anak ko. Nauna na kasi siya roon kasama ang kung ilang kaibigan at iyong professional make-up artist na kinuha nila para mag-ayos sa kanya. Grabe ang paninikip ng dibdib ko no'n, Dad. Dahil na rin siguro sa stress, umubo ako nang umubo pa no'n. Nagsuka ako ng dugo. Kaunti lang naman, pero siyempre ninerbiyos din ako. Subalit ang kaba ko para sa sarili ay natabunan ng pag-aalala ko kay Rona. Alam ko kasi kung gaano siya ka excited para sa pag-iisang dibdib nila ni Caloy.

Sa mga nangyari sa buhay ko, hindi ko minsan maiwasang magtanong kay Lord. Madasalin naman ako. When I was young, I was an obedient and loving child. Kahit na hindi ako kinilala ng papa ko, minahal ko siya nang lihim. Oo't may pagkakataong minumura ko siya sa isipan, pero mas madalas ay pinagdasal ko ang kanyang kaligtasan. Kapag pinapanood ko siya sa entablado sa tuwing nangangampanya siya ni wala akong naramdamang iba kundi pagmamahal lamang. Galit ako minsan, pero mas nanaig ang aking pagmamahal sa kanya. Naging makalinga rin akong anak kay Mama. Katunayan, ilang beses akong nasaktan dahil isinaalang-alang ko ang kapakanan niya kaysa sa sarili kong kaligayahan. I was a selfless daughter and a good person. That I'm pretty sure. Pero bakit ganito ang nangyayari sa akin, Dad?

Kaya ko ang mga pasakit. That you also know, right? Saksi ka rin kung gaano ako ka matiisin. Ang dami kong tiniis para sa baby ko. I sheltered Rona from a lot of pain. Noon, kahit gustung-gusto kong murahin ang papa niya, nagpigil ako dahil alam ko kung gaano ka-espesyal ang kanyang ama sa kanyang paningin. Kahit dati ay ayaw ko kay Caloy, sinikmura ko ang disgusto ko sa lalaking iyon kahit na tingin ko ay hindi ko siya kayang pakisamahan dahil sa nakikita kong maaaring kalagyan ng anak ko sa piling niya. But despite all that, nasaktan pa rin si Rona. Iningatan ko siya, iniwas sana sa pasakit, pero doon din pala ang kinabagsakan niya.

You know what really broke my spirit, Dad? When I saw my beloved daughter trying to hide the pain from me. Nang katukin ko siya sa hotel room niya nakita ko siyang parang tulala. Umaagos lang ang luha sa pisngi pero parang wala siya sa sarili. When she realized she was no longer alone, she tried to pretend that everything was all right. Pero kilala ko siya, eh. Alam ko kung gaano siya namatay sa kapiranggot na text message ng walang hiya niyang nobyo. Buti na lang at sa bandang huli'y nailabas din niya ang sama ng loob. Nagyakapan na lang kaming dalawa at nag-iyakan sa balikat ng isa't isa.

You know what was funny? I spent almost all my savings in renting a bridal car that was supposed to take my little girl to the church for her dream wedding. Sabi ko pa sa isipan nang pinapakawalan ang hard-earned savings na iyon, "Sige, okay lang. Total naman ay maging daan ito para maihatid sa simbahan ang pinakamamahal kong prinsesa at malasap man lang niya ang pinagkait sa akin ng tadhana. Ang magmartsa sa church's aisles."

Hinatid kami ng bridal car na iyon hindi sa simbahan kundi sa aming barung-barong. Nagmatigas sana si Rona na huwag nang gamitin ang kotse, pero sabi ko bakit naman hindi? Bayad na iyon, eh. Wala nang refund iyon. Kaysa mauwi sa wala, mas mabuti nang kahit kapiranggot ay napakinabangan. Pinatanggal ko na lang ang dekorasyong bulaklak.

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi nang matiwasay ni Rona nang araw na iyon. Grabe. Pinangtinginan kami ng mga kapitbahay. Ang mga malalapit talaga sa amin ay nag-abot ng pakikipag-simpatya. Hindi makatingin sa akin si Aling Loleng. Umiyak siya at humingi pa ng tawad. Hindi ko siya pinansin. I was too angry to care about anything. Alam kong wala siyang kasalanan, pero wala na rin akong pakialam. Kinamuhian ko ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Bakit hindi nila kami winarningan? For sure, may ideya ang isa sa kanila kung ano ang nangyayari sa bwisit nilang kapamilya. Sigurado akong alam nila kung saan hahantong ang lahat, pero tumahimik lamang sila.

To say that I was broken was an understatement, Dad. Mas masahol pa ang naramdaman kong sakit nang mga oras na iyon kaysa noong naghiwalay tayo. At least kasi sa atin, biktima lang tayo ng pagkakataon. But we both love one another. Dito sa baby ko, parang siya lang ang nagmamahal. Ang pinakamasakit pa ni walang reaksiyon ang hudas niyang ama! Tahimik lang ang 'tangina!

Pardon me for my language, Big Daddy. Just remembering that day made me feel broken again. I am thankful that I have our memories to keep me stronger...Miss you a lot!

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now