Letter #27 - Queen Isadora Maria

591 49 11
                                    

Dear Big Daddy,

Akala ko ay hindi na manumbalik ang matamis na pagtitinginan namin ni Damian matapos naming isiwalat ang mga kamaliang nagawa namin sa isa't isa, Dad. Hindi pala. Makalipas ang kung ilang buwan ay naging magiliw na naman siya sa akin. At ako'y ganoon din.

Sa totoo lang, Dad, hindi man kasing tindi ng pagmamahal ko sa iyo ang naramdaman ko kay Damian noon, I have to admit siya lang ang lalaking binigyan ko ng ganoong pribilehiyong makalapit sa puso ko. Okay naman siya kung tutuusin. Looks-wise, may hitsura siya. Matangkad din. Saka may mataas na pinag-aralan. Ang hindi lang okay siguro ay ang pagbibigay niya ng labis na importansiya sa pagkabirhen ng isang babae.

Naalala ko noon, nang malaman niyang mayroon nang nakauna sa kanya sa akin, napansin ko agad ang kanyang pananamlay. Tapos para bagang nagawan ko siya ng matinding kasalanan. Eh nasabi ko naman ang tungkol sa iyo bago pa man kami nagsama. Siguro'y inisip niya lang na walang namagitan sa atin kung kaya sabi niya noon ay okay lang na nagkaroon ako ng unang nobyo. Ewan ko ba. Bakit kayo ganyang mga kalalakihan? Bakit sobrang big deal sa inyo ang virginity ng isang babae?

Sa puntong ito ng buhay ko, may kung ilang matatabil ang dilang kapitbahay na nagsabi sa akin na bantayan ko raw nang maigi ang asawa ko dahil baka malaman ko na lang na may inuuwian na palang iba. Natawa ako sa kanila. Sinabi ko pa na hindi lahat ng engineer ay babaero.

Well, that was what I felt then. Nakuha ni Damian nang buong-buo ang tiwala ko kahit na minsan na niya akong niloko. Umamin kasi. Bihira ang lalaking mayroong ganoong guts na magtapat agad tungkol sa nagawang kamalian kaya napahanga niya ako. Iyon din marahil ang dahilan kung kaya pumayag akong bumuo na kami ng pamilya although I never thought of bringing other men's children into this world, other than yours.

Eksaktong tatlong buwan matapos akong magpa-raspa ay nabuo ang aking unica hija. Labis-labis ang katuwaan ko noon. Magiging buo na kasi ang pamilya namin ni Damian. Tandang-tanda ko pa kung gaano ako ka-excited nang dumating sa bahay isang hapon. Kagagaling ko lang noon sa isang klinika na malapit sa pinagtatrabahuhan ko. They confirmed my suspicion. Buntis nga ako!

Nang iabot ko kay Damian no'n ang pregnancy test result na binigay sa akin ng clinic, pinangunutan niya ito ng tingin. Then, he looked at me confused---and hurt! Nalito rin ako no'n. Ang expectations ko kasi'y magtatatalon siya sa tuwa tulad ng karamihang first-time dads. Sa halip, umalis siya sa harapan ko at nagtungo sa banyo. Pagbalik niya sa sala, nakita kong medyo namumula ang kanyang pisngi. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya. Sinagot ba naman ako ng, "Nagkikita pa rin pala kayo."

It was not delivered in anger. His voice was calm. But sure. Napanganga ako, Dad. Hindi ko sukat-akalain na hindi pa rin siya naka-moved on sa pinagtapat ko sa kanya about us noon. Kung tutuusin ay wala sana siyang karapatang mag-inarte ng ganoon dahil mas nauna at mas matagal niya akong niloko bago nangyari iyong one time nating pagtataksil. Gayunman, hindi niya iyon nakalimutan.

Pinaliwanag ko sa kanya na siya ang ama ng dinadala ko, subalit hindi siya naniwala. Later, ko na lang napag-alaman kung bakit labis-labis ang pagdududa niya sa akin. Ang kababata ko pang si Cherry ang naging tulay kung bakit hindi pa rin naniniwala si Damian na wala na tayong ugnayan.

Dinala ako ng kababata ko sa isang bagong tayong resort sa Cabuyao, Laguna noon. Pagkakita ko roon, napanganga ako. Parang hindi ako makapaniwala na mayroong ganoon ka ganadang resort sa bansa natin. At ang pinakanagpagulat sa aming magkaibigan ay ang pangalan na nakaukit sa entrance nito: QUEEN ISADORA MARIA RESORT.

Dahil birthday ko noon, sabi ni Cherry, ite-treat niya raw ako sa kapangalan kong resort ng kahit one night lang. Pumasok kami sa loob agad. Nang makita ng receptionist ang pangalan ko sa guest information card, napa-double take siya sa akin at nagtanong kung kanu-ano ko si Miss Isadora Maria Ramirez. Pagkasabi kong ako iyon, ngumiti siya sa akin nang ubod tamis. Tapos sinabihan niya akong hindi ko na kailangang magbayad pa at may lifetime subscription daw ako sa resort nila!

To say I was shocked was an understatement, Dad! Grabe ka talaga magparamdam ng pagmamahal mo sa akin. Bagyo! Ang inisip lang namin ni Cherry noon coincidence lang na katokaya ko ang may-ari. Hindi pala! Sa akin mo pala talaga pinangalan ang resort mo! No wonder pinagdudahan tayo ni Damian kahit na wala na tayong contact sa isa't isa simula nang hindi ako sumipot sa meeting place natin nang gabing iyon.

Sa kabila ng pait na dinanas ko nang piliin kitang mahalin, Dad, I have to say wala akong pinagsisihan ni isang minuto no'n. Ilang beses mo kasing pinatunayan sa akin na ako pa rin ang mahal mo.

Sobra akong flattered na sa akin mo pinangalan ang chain of beautiful resorts mo, Dad. I will forever cherish them in my memory.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Onde histórias criam vida. Descubra agora