Letter #31 - Cockroaches

512 46 8
                                    

Dear Big Daddy

I know I shouldn't say this anymore, Dad, but I just couldn't help myself---I missed you more than ever on this very day...

Sa dami ng nagdaang pighati sa buhay ko, ang araw na iyon na marahil ang pinakamalungkot. Pinangako kasi sa amin ni Damian na uuwi siya sa araw na iyon dahil kaarawan ng aming unica hija. Sabi pa nga niya dadalhin niya kaming mag-ina sa isang beach resort sa Batangas at doon namin ise-celebrate ang ikawalong birthday ni Rona. Iyon daw ang regalo niya sa anak namin. Pero alam mo ba kung ano ang nangyari sa araw na ito, Dad? Nakita ko na lang siya sa TV na ikinakasal sa isang anak ng politiko! Isipin mo iyon, Dad! Sa mismong birthday ng kanyang anak ay nagpakasal siya! Anong klase siyang ama? Ni hindi man lang siya nagbabala sa aming dalawa ni Rona. Nagulat ako dahil all along I thought we were already married. Kahit sabihin pang civil wedding lang ang nangyari noon sa amin, kasal pa ring maituturing iyon dahil naipasa at nagawa namin ang lahat ng kaukulang papeles. Alam mo Dad, I have never felt so betrayed. At ang mas masakit doon, walang kamuwang-muwang ang baby ko na hindi na pala babalik sa amin ang kanyang papa.

On a good note, Dad, wala akong naramdamang selos o ano man nang mga oras na iyon. Matagal na kasing alam ng puso ko na hindi na ako ang kanyang mundo. Ang naramdaman kong sakit nang mga oras na iyon ay para lamang sa aking anak. How dare he to do this to my daughter!

Ang duwag ni Damian, Dad. Sobra! Ni hindi niya ako pinrangka na mayroon na siyang iba. Matagal akong naghintay. May pagkakataon pang kinompronta ko siya noon, pero todo deny ang walang hiya. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya, ah. Ang akin lang sana ay hindi niya ako ginawang tanga. Bakit siya gano'n?

Naikuwento ko sa iyo how the two of us met in my previous letter. Grabe ang pakiramdam ko noon, Dad. He was my hero then. Inisip ko pang siya na ang hinihintay kong blessing---ang rainbow ng buhay ko. Iyon pala, unos ang dala niya. Sabi noon ni Mama, ang swerte ko't nakatagpo ako ng isang kagaya ni Damian. If only Mama lived up to this day...Palagay ko'y kamumuhian niya ang tarantadong iyon magpawalang-hanggan.

Ang iniisip ko na lang, at least kahit papaano ay binigyan niya ako ng biyaya. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya, hindi ko pa rin nakakalimutang siya ang ama ng aking anghelita. Dahil lang doon kung kaya hindi ko siya lubusang kinamumuhian. Nakikita ko kasi sa baby ko na sa kabila ng ginawa sa amin ng papa niya'y mahal na mahal pa rin niya ito. Parang ako noon kay Papa. Hindi man niya ako kinilalang anak, pero sa tuwing nakikita ko siyang nangangampanya noon sa entablado, napupuno pa rin ng pagmamahal ang aking puso para sa kanya. At hindi ko pa rin siya lubusang kinamuhian. Ganoon siguro talaga ang anak sa kanyang magulang.

Ang mga katanungan pala sa isipan ko tungkol sa biglaang pagpapakasal ni Damian ay nagkaroon ng kasagutan nang bumisita sa bahay si Cherry isang araw. Nagtanong-tanong pala siya sa Laguna through her cousin who used to work at the mayor's office. Anak ng mayor ng Cabuyao ang babae, Dad! Nabuntis daw ng hinayupak kong asawa! Hayun, pinursige talaga ng alkalde na makasal sila. At alam mo kung ano pa ang ginawa? Ginapang ang annulment ng kasal namin nang wala akong kaalam-alam! Grabe, Dad. Bakit ganito? Naapi na ako noon ng isang mayor ng Maynila nang hindi niya ako kinilala bilang anak. Hanggang ngayon ba naman ay isang mayor pa rin ang wawasak sa aking damdamin? I hate mayors, Dad!

You know, Dad, when I think about cockroaches, I think of Damian. He's nothing but a dirty cockroach! Kung may makita kang ipis sa mansion mo, although I am pretty sure wala kayo no'n, pakitiris sila para sa amin ng baby ko, please?

Ang memories nating dalawa na lang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Iyong mga iyon at ang baby ko. Kayo lamang ang yaman ko sa buhay.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now