Letter #4 - You rock my world

1.7K 67 7
                                    

Dear Big Daddy,

Naalala ko noong hindi ako pumasa sa Econ 11 dahil sa punyemas na Dr. Dominguez na iyan. You were so worried about me, you skipped your basketball practice para lang damayan ako. Inisip mo kasing baka sobra akong ma-depress. Alam mo, Dad, sobra akong na-touch no'ng gesture mo na iyon. Gusto kita agad yakapin at halikan sa mapupula mong mga labi. Kaso nga lang, hindi pa uso noon na babae ang nagpi-first move. Haha!

Noong malaman mo na hindi naman ako binagsak ni Dr. Dominguez, kinwatro lang, mas happy ka pa kaysa sa akin. Sumayaw-sayaw ka pa ala-John Travolta in his movie Saturday Night Fever. Haha! Pinagtinginan tayo ng mga tao sa Sunken Garden noon. Iyon din ang simula ng pagkahilig ko sa Bee Gees at napamahal pa sa akin ang kanta nilang iyon.

Nagalit noon nang husto ang mama ko nang malaman niyang nagka-kuwatro ako sa kauna-unahang pagkakataon. Paano na raw ako makakapag-aral kung matatanggal ang scholarship ko? Sobra akong dismayado rin no'n sa sarili ko. I wanted to slap my face. Kung bakit kasi inuna ko pa ang paglalandi kaysa pag-aaral. Pero gano'n siguro talaga. Sadyang tinamaan ako nang matindi sa iyo, eh.

Kahit mangiyak-ngiyak ako no'n dahil sinabihan ako ng taga-Office of the Students Personnel Services na baka matanggalan ako ng scholarship sa susunod na semestre, nagdiwang pa rin ang puso ko. Paano kasi nang araw ding iyon ay narinig ko sa isa nating kaklase sa Econ 11 na pinagsasabi mo na raw sa lahat na mahal na mahal mo ako. Nagsabi ka pa nga raw sa kanila na I made you grateful to God. Pinagpapasalamat mo raw talaga na natagpuan mo ako. Sabi mo pa raw noon, good decision daw na hindi ka tumuloy sa The Wharton School of the University of Pennsylvania.

Dahil doon naging inspirado akong mag-aral. Sinubsob ko ang ulo sa pagre-review para maipasa ko ang removal exam at nagbunga naman ang effort ko. I passed! With flying colors pa! Kaso kahit halos ay ma-perfect ko na ang exam, hanggang tres lang din ang grado ko. Removal exam na lang kasi.

Tandang-tanda ko pa noon ang naging reaksyon ni Dr. Dominguez nang binabalik niya sa akin ang test paper ko. She glanced at me, then did a double take! Haha! Tapos sabi pa niya, how come daw nakakuha lang ako ng kuwatro sa kanya? Nang sabihin kong I flunked the final exam, pinangunutan niya ako ng noo, tapos sabi pa niya, "Love can wait, hija. H'wag puro love."

Dr. Dominguez knew! Siguro ganoon ako ka-obvious. At siguro rin ay nahuhuli niyang nakatitig lang ako sa iyo palagi sa tuwing klase natin sa Econ 11. Kahit pahirap ang propesor na iyon, hindi ako nagalit sa kanya ever. Peks man! Naiinis minsan, oo. Pero sa tuwing binabalikan ko ang nakaraan natin na nagsimula sa klase niya, napapangiti ako kapag sumasagi siya sa isipan ko. Pramis!

If God gave me a chance to go back to my past to redo my life, iyong pag-register ko sa Econ 11 ang hinding-hindi ko babaguhin. Kasi doon kita nakilala. At sa iyo ko naranasan ang sinasabi noon ng kababata kong si Cherry na kapag nakilala ko na raw si The One, malalaman ko ang ibig sabihin ng sinasabi nilang 'deliriously happy'. Kaya nang dumating ka sa buhay ko, I knew you were the one because you rocked my world, Dad.

You still rock my world, Big Daddy.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon