Letter #12 - Paalam, Big Daddy

766 46 2
                                    

Dear Big Daddy,

Grabe ang naramdaman ko nang araw na iyon, Dad. Nakita kasi kita no'n sa Palma Hall habang parang hilong-talilong sa paghahanap sa akin. Gusto sana kitang lapitan para magpaliwanag man lang ngunit natakot ako. Ilang araw pa lang kasi ang nakalipas no'n nang may lumapit sa aking dalawang balbas-saradong mama. May hawak silang baril. And they warned me not to go near you or else... Tinutukan ako ng isa sa sentido habang mariin akong binabalaan. I was so scared then, Dad!

My heart bled then everytime I see you in campus looking seemingly lost and desperate. A part of me wanted to just throw caution to the wind and run to your arms. Miss na miss na kasi kita no'n. Ilang buwan nang hindi kita nayayakap at nahahalikan. Naisip ko nga, sana pala ay sinulit ko ang pagyakap at paghalik sa iyo noon sa Sunken Garden when we talked about the 'good news' that you did not get me pregnant. Sana...Maraming sana.

Naisip ko rin, what if nabuntis mo ako before I knew about her? Would I have the courage to fight for us? Kaya ko kayang harapin ang bagsik ng mga magulang mo alang-alang sa future ng baby natin?

Minsan, nagagalit ako sa parents mo. Ang damot-damot nila! Ang sama-sama ng tingin nila sa aming taga-squatters. Porke taga-Forbes sila---kayo, grabe na sila kung makapanghusga sa aming taga-Tondo. Pero naisip ko rin na in a way ay may katwiran sila. Hindi amin ang lupang kinatitirikan ng barung-barong namin ngunit pinagpipilitan namin ang aming mga sarili roon. Ilang beses na kaming pinaalis ng may-ari, pero hindi kami nagpapatinag. But that doesn't mean we are just being shamelessly stubborn, Dad. Alam naming mali rin kami, pero kumakapit lang kami sa patalim. Wala kaming choice, eh. Wala kaming mapupuntahan, samantalang ang may-ari ng lupa ay may iba pang pag-aaring magagamit for whatever purpose they plan for the land. Ang hirap ipaliwanag, Dad. Hindi ko alam kung kaya mo akong intindihin.

Pasensya na rin kung ilang beses kong tinanggihan ang tulong pinansiyal mo. Gaya nga ng sabi ko sa iyo lagi noon, ayaw kong matulad sa nanay kong buong buhay niyang inasa ultimo pagkain sa pang-araw-araw sa isang lalaki. I desperately wanted then to be financially independent---to earn my keep. Sana naintindihan mo ako, Dad. Naiintindihan mo ako, right?

Please, Dad. Help us both. Do not make me feel guilty for voluntarily walking out of our relationship. Alam mong mahal na mahal kita. Magbabago man ang direksiyon ng pagsikat ng araw sa umaga, pero ang pag-ibig ko sa iyo'y mananatiling gano'n pa rin. Please understand that I am not doing this only for myself but for you as well. Ayaw kong mapahamak ka.

I still love you, Big Daddy ko. Paalam...

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now