Letter #2 - Until forever and beyond

4.5K 108 3
                                    

Dear Big Daddy,

Tandang-tanda ko pa noon nang una mo akong ma-notice, Dad. Biruin mo, halos isang semestre na tayong magkaklase sa Econ 11 nang lapitan mo ako sa canteen at sabihing, "You look familiar." Lihim kaming nagtawanang magkakaibigan no'n. Kilala ka rin kasi nila dahil sa mga kuwento ko. Sa mga stories ko about you, lagi kong binibida na nahahalata kong gusto mo ako since day 1. Kasi naman sa tuwing klase natin sa Econ 11 ay lagi mong napipiling tumabi sa akin. Wala naman kasi tayong seating arrangement noon kay Dr. Dominguez. Maaari tayong maupo kahit saan natin gusto. Pero kahit sa harapan, likuran, o sa gitna ako uupo, darating ka at pipiliin pa rin laging maupo sa tabi ko. Tuloy ay naisip kong nagpapa-cute ka lang noon nang sinabi mo sa aking pamilyar ang hitsura ko sa iyo. Aminin mo, Big Daddy, hindi ba't pick up line mo lang iyon?

Alam mo, Dad, kahit na dumami noon ang may ayaw sa akin dahil sa binibigay mong atensyon, okay lang. Kiber. Sino ba naman sila? Tanggap ko na sa sarili kong maraming naiinis sa akin. Hindi na ako lalayo sa bahay namin para patunayan iyan sa iyo. Ang mama ko, kung hindi lang daw kasalanang kumitil ng buhay ng isang anghel, hindi na raw sana niya ako isinilang. Malas lang daw kasi ako sa buhay niya. Iyan ang nakalakhan kong bukambibig niya sa akin noon. Hindi ako planned baby. In short, unwanted. Ang tatay ko, ganoon din. Sagabal daw kasi ako sa political career niya. You see, Dad, nabuntis ang mama ko dahil kumapit siya sa patalim. At ang patalim na iyon ay ang hipokrito kong ama na akala mo huwarang mayor ng lungsod namin pero iyon pala kolehiyala killers! Pinipili niya iyong gipit na gipit kaya kahit chaka siya napagtitiyagaan.

Kahit galit ako sa nanay ko, naipagpasalamat ko rin kay Lord na sa kanya ako nagmula. Kung iba kasi ang nanay ko baka hindi mo ako napansin. Haha! May maganda rin palang naidulot sa buhay ko ang pagkakaroon ng inang katulad ni Mama. Because of her good genes, ang daming nakakapansin sa akin lalo na nang ako'y magdalaga na.

Aminin mo, Dad, ang kutis-porselana ko't gandang bukod-tangi ang napansin mo sa akin, right? Hus! H'wag nang mahiya, Big Daddy. Hindi ikaw ang kauna-unahang lalaking magsasabi niyan if ever. Fvck personality! Hipokrito ang mga lalaking nagsasabi niyan. Kapag ba ang panget ay may magandang personality liligawan nila't gawing girlfriend? Hindi naman, di ba? Gagawin lang nila kamong kaibigan. That's right, Dad. I was not born yesterday. Alam ko ang likaw ng bituka ng mga kalalakihan. And thanks to my mother.

So much for my bitterness about Mama. Ayaw kong isipin mo na ungrateful akong anak. Kahit gano'n lang ang nanay ko, mahal ko pa rin iyon. Siyempre, sa kabila ng pinagdaanan niya sa buhay nang mabuo ako, sinikap niya pa ring iluwal ako sa mundong ito. Diyan pa lang, bawing-bawi na si Ermat.

Naalala ko no'n, naisip kong kapag nagkaanak tayo balang-araw, Dad, I will be the best mom our child can ever have. Pinangako ko pa iyan sa sa sarili ko. Ibibigay ko sa kanya ang lahat ng hindi ko naranasan bilang bata. Hindi pa tayo mag-on nito, Dad, pero anak na kaagad ang nasa isipan ko. Pagpasensyahan mo na. Advance lang mag-isip ang baby mo!

I said then, I will always love you, my big Daddy. Magunaw man ang mundo, mawala man ang Pilipinas sa mapa...Oopps, h'wag pala iyan. Bad iyan. Haha! Pero iyon nga, Dad. I promised myself then, I will love you until forever and beyond.

Your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Where stories live. Discover now