PanimulaAng hirap...maging tao lang.
May mga pinanganak na ubod ng ganda, 'yung tipong hindi pwedeng hindi dumapo ang mga mata mo sa kanila kasi blessing kung i-turing ang halos perpektong paglapag ng features sa kanilang mga mukha. They have a free pass to certain things. At kahit ayaw natin aminin at mahirap lunukin, beautiful people often get more recognition and privilege than those who are not gifted with aesthetic appearance. Kahit wala lang talent o talino, basta maganda ka ay instant tanggap ka na ng mundo! May pa red carpet pa! Tapos ako...heto, tao lang.
May mga taong grabe sa talino. Hindi man lang namigay? Sabagay, madalas ay sila rin ang madamot pagdating sa mga examination at nagpapaalala sa assignment na halos siya lang ang sumagot dahil siya lang ang may alam. Baka Geop Byte pa nga 'yung memory ng kanilang mga utak. Mga anak ni Rizal, sana inampon niyo na lang ako. Kasi bakit ako? Tao lang.
And those who are gifted with talents. Sa dami ng talent sa mundo, lahat daw ng tao ay nabigyan nito. Hello? Tao rin ako? Pero bakit ganito? Tao lang talaga ako? Wala man lang special skills? So final na? Tao lang talaga?
Ang hirap maging tao lang. Lalo na kung ang tatlong bagay na ito ay binigay sa pinsan mo at walang tinira sa 'yo.
"Mila! Ang gandang bata!"
Puri ng aming Lola nang makita si Mila. "Ikaw talaga ang paborito kong apo."
Mila beamed at Lola, yumakap ito at hinalikan pa si Lola Tessa sa kan'yang nangungulubot na pisngi. May inabot na ampao sa kan'ya at ang matingkad na kulay asul na papel ang agad na tumambad kay Mila nang buksan niya ito.
My lips parted.
Nice Mila, easy isang libo! Ako naman ay kabado nang lumapit kay Lola. She looked at me and her brows knitted. Ang tagal niya akong tinitigan bago siya nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Pasensya na, nagiging ulyanin na ako." Lola Tessa sighed. "Sino ka nga ulit?"
"Paulene po," my voice came out, weakly. Lola Tessa squinted her eyes. Pauletta Jayne Angeles, Lola.
"Ano?"
"Paulene po..." bahagyang ulit ko at nagtanim pa ng ngiti sa aking labi.
"Ah, oo. Si Paulene..." Lola Tessa bobbed her head, kunyari'y kilala ako at naglabas ng ampao nang matapos ako magmano sa kanya.
Isang daan. Sobrang saya ko na!
Okay lang! Marami pa naman kaming pupuntahan ni Mila para mamasko. Si Lola Tessa nga lang ang pinakamalaki magbigay pero...
Okay lang talaga! Mas okay na ito kumpara sa wala. Masaya naming tinahak ni Mila ang mga pintuan ng mga kakilala namin. Kaliwa't kanan ang puri sa kan'ya. At palaging mas malaki ang nakukuha niya kumpara sa akin.
And I can't blame them. Mila was blessed with the beauty of aphrodite. Ang kan'yang kutis ay namumula kapag ito'y nasisinagan nang araw. Her beautiful hair bounces, parang 'yung mga nasa commercial na edited. Pero 'yung sa kan'ya ay walang halong edit! And her features were appointed in all the right places.
She was just too beautiful, even at her young age. Kami ay halos nangangarap lang na maging tulad ni barbie, pero siya? She was already barbie herself.
Bata pa kami no'n ni Mila nang mapansin ko na maraming may gusto sa kan'ya dahil maganda siya. And I cannot be as pretty as her. I tried following the way she dress, she walk and all — nagmukha lang akong tanga. Kaya tinigilan ko na. Okay na ako sa pagiging tao lang.
I was glued to her. I like how everyone notices me too because Mila is there. Hindi pupwedeng hindi mo mapansin si Mila kaya naman tuwing nakadikit ako sa kan'ya, kahit gaano ako ka-plain looking ay napapansin na rin ako. There's this satisfaction inside of me; that I'm close to a beautiful person. That I have someone who easily steals away the spotlight effortlessly.
BINABASA MO ANG
Embrace Your Assets | ✓
Teen Fiction[SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIBxWattpad] seniors series #4 A Senior Highschool series. complete [unedited] How can you love yourself when you're aware of how flawed you are? Pauletta Jayne Angeles is neglected by her family and friends due to her in...