Kabanata 18

120K 7.6K 4.9K
                                    

Kabanata 18

"Huwag n'yo akong kausapin," umismid si Gio habang inaayos ang kan'yang duffel bag.

Tawang-tawa kaming magkaklase dahil sa outfit n'ya. Kumpleto kasi siya kung tutuusin sa gamit. Maganda ang tela ng jersey, maganda ang rubber shoes na branded at may dala pa siyang mga equipment para sa basketball.

Hindi lang talaga siya maka-shoot.

"Akala namin na papalitan mo na 'yong referee, Gio. Wala ka kasing ginawa kung hindi tumayo sa gitna ng court." Hagalpak ang tawa ni Melay, pumalo pa siya sa kan'yang desk kaya naman lalong umalingangaw ang halakhakan sa aming kwarto.

Rumihistro ang irita sa mukha ni Gio, his face revealed an annoyed expression as he kept on arranging his things. The only good thing about his jersey is it revealed his good frame. Maganda ang katawan ni Gio, he isn't bulky but he isn't skinny too. Halata lang na nagw-work out kahit papaano o baka light exercise dahil hindi naman siya batak na batak.

"Anong walang ginawa at nakatayo lang sa court? Nasa may bench siya! Tagabilang kung ilang bola ang nas-shoot na." pahabol pa ni Primo. Gio shot him a quick glare before pursing his lips.

"Okay lang 'yan, Gio. Ang mahalaga hindi ka na namin pipiliin ulit next year."

Tinapik-tapik pa ni Mary si Gio sa kan'yang balikat. Gio softly removed it, humalukipkip siya na parang bata at bumusangot ang kan'yang mukha.

"Paano ako gaganahan maglaro? Puro sa kabilang strand ang sigaw n'yo?"

My classmates were caught red handed. Lumipad ang mga mata nila sa kung saan-saan. Someone was even touching the freaking floor, imitating a certain meme.

"Nagpanggap lang kami na tiga-ibang strand kami habang naglalaro ka, Gio. Huwag ka na masyadong magselos!" Melay nudged Gio who in respond only scowled at her.

Ako naman ay ngiting-ngiti dahil alam ko na ginawa naman n'ya kung ano ang makakaya n'ya. It's not like he signed up for it anyway, napilitan lang naman siya dahil sa height n'ya.

I'm enwrapped with the idea that flaws are seen as defects and the society expects us to be always perfect in our every day form — but perfection is not necessary to be called as beautiful. We can still be beautiful even if we have unrefined angles and scars found in the innermost obscure places in our bodies.

We can be beautiful without being perfect.

Gio taught me that.

Nakapatong ang aking mga kamay sa lamesa, nangangalay na sila dahil kanina pa ako nagwawagayway ng mga balloon rockets. Marami ang mga dinaluhan kong laro dahil required para sa attendance namin. This was our intramurals and I can't help but notice how everyone is enjoying it.

It makes me wonder how long it will last. My arms retreated, unti-unti akong nagpangalumbaba habang tinatanaw ang mga estudyanteng dumadaan sa aking paningin.

Sari-saring kulay ang pinapasadahan ng aking tingin. They were wearing their strand shirts proudly. May mga hawak rin silang lobo at mga ribbon na akma sa kulay ng kanilang strand. Jovial expressions were plastered on their faces.

Happiness is fleeting. Kung masaya ka sa mga kaibigan mo ngayon, mawawala ang kasiyahan mo kapag nagkahiwa-hiwalay na kayo. Kung masaya ka sa mga grades mo ngayon, mawawala ang saya mo kapag bumaba ang mga ito. Kung masaya ka ngayon dahil patuloy ang pagusbong mo, I wonder if you can still feel happy when you feel stuck in a certain loop?

Can you truly designate or rely your happiness to something or someone? Nakakatakot maging masaya dahil para bang agad itong binabawi kapag nalalaman ng mundo. As if the universe conspires against everyone who feels ardently in their lives.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon