Kabanata 3

134K 8.8K 11.2K
                                    

Kabanata 3

Hiyang-hiya ako dahil sa nagawa kong pag-like sa picture n'ya. I know I'm probably not the only person that did that. Ang iba pa nga ay talagang sinasadya na balikan ang mga throwback posts ng mga crush nila para mapansin pero hindi ko naman 'yon gawain. I do not have the face and the guts to do that.

"Good morning class..." bati ni Sir Junio, professor namin sa Oral Communication.

We had already started our classes for the past few weeks. So far, si Amber at Brittany talaga ang palagi kong kasama sa pangaraw-araw na klase. I cannot leave them behind, simply because they tend to sulk when I'm not with them. Ang sama rin kasi ng tingin nila sa akin at pakiramdam ko ay pinagbubulungan nila ako tuwing sinasabayan ako ni Bea.

"Sure ka bang di ka sasama sa amin?" tanong ni Bea. Agad akong tumango nang walang pagaalinlangan.

Hinihintay ako nina Amber at Brittany sa may pintuan.

"May kasama naman ako, Bea. Thank you sa offer." I beamed at her, trying to let her realized that I can handle myself. She smiled back before departing with Melanie.

I didn't want to disappoint anyone hence it leads to me being the one who's disappointed.

"Tapos?" Brittany chuckled while stirring her iced latte. May kinukwento kasi si Amber sa kan'ya tungkol sa isang kaklase namin na mukhang kalandian n'ya habang binabagtas namin ang daan pabalik sa classroom.

We just had our break. Kaunti lang ang kinain ko dahil no'ng huling araw na marami akong binili, sinita ako ni Amber. Kesyo, masyado raw oily ang mga kinakain ko. It will make my face more oily too. She advised me not to eat too much fatty food.

Kaya naman pakiramdam ko wala akong kinain. Pinilit ko na lang ang makinig sa kwentuhan nilang dalawa.

I couldn't relate. Hindi ko naman kasi alam ang simula ng storya. I was just there, listening, but it felt like attending a movie in the middle of the climax - hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Ayoko no'n! I mean, okay naman sana kaso hindi gano'n ang gwapo. Hindi bagay sa akin," halakhak ni Amber. Brit only laughed in response.

What's funny?

Hindi na naman ako maka-relate. What's funny with how someone looks like?

"Pau, may nangligaw na ba sa 'yo?" tanong ni Brit sa akin. Napatda ako sa aking kinatatayuan.

Meron, pero madalas ay napupunta kay Mila. I gulped and decided to shook my head. I didn't want to rub it to their faces that Mila can do that. Kahit pa wala naman s'yang ginagawa kundi maging maganda. It's not her fault that she's pretty and she shouldn't be blame for it.

"Mag-ayos ka kasi ng sarili mo," Amber shrugged her shoulders off and heaved a deep breath. "Ang ganda-ganda ni Mila e. Dapat pantayan mo."

Sa mga oras na 'yon, ginusto ko na lamang takpan ang aking mga tenga. Alam ko saan na ito patungo at lalo lamang lalalim ang inggit ko sa mga bagay na hindi naman dapat kainggitan.

Pero hindi ko magawa. Kaya nakinig ako sa sarili kong ikasisira.

"Honestly, ayoko pa maniwala noon na ikaw 'yung pinsan n'ya. I was expecting, you know? Someone with the same caliber..." dugtong ni Brit at uminom sa kan'yang iced latte.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pangit ka. Maglolokohan pa ba tayo rito, Pau?" Amber said, her tone sounded like she was joking.

Pero bakit ang sakit? Natigalgal ako sa kan'yang sagot. Jokes aren't supposed to squeezed someone's heart this much.

Napansin ni Amber ang mapait na timpla ng aking mukha. She immediately laughed hysterically as if there's something funny.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon