Kabanata 9

123K 7.9K 8.8K
                                    

Kabanata 9

Napapaligiran ako ng magaganda at gwapo. No'ng una ay akala ko blessing ito pero kalaunan ay napagtanto na para sa isang tulad ko na mababa ang kompiyansa sa sarili — isa itong sumpa. Isang karumal-dumal na sumpa na hindi ko kayang alisin sa sarili ko.

I hate being myself. I'm not comfortable with my own skin.

I hate being not as talented as them. I hate not being as pretty as them. I hate not being as smart as them.

Hindi rin naman ako jacks of all trade. Kumbaga, mas mababa pa nga ako sa average — sa sakto lang.

Napabuntonghininga ako habang inaayos ang gamit ko sa school. I'm still a teenager anyway, maaaring gumanda pa ako o kaya'y bigla sigurong magkakahimala na bigla na lamang ako tatamaan ng kidlat ng kagandahan, ng katalinuhan at ng talento.

I shook my head dismissively and slightly chuckled at that thought. Not gonna happen.

"Roleplay ba gagawin natin?" tanong ni Bea na naging kagrupo ko sa contemporary arts.

We'll be having a musical. Pinagsama-sama kasi ang iba't ibang uri ng sining dito. Music, set design, acting and more. Kaya naman napili naming musical na lang ang gawin para sa huling yugto ng subject namin na contemporary arts. Ito na ang magiging huling requirement namin para makapasa dahil ito na rin ang huling grading para sa contemporary arts.

"Sabi ko na nga ba dapat naging artista na lang ako e," reklamo ni Gio na kunot ang noo habang may hawak na script.

Naiintindihan ko siya, bukod kasi sa contemporary arts ay meron din kaming roleplay na movie para naman sa MIL. Daig pa namin ang maga-acting workshop sa dami ng mga roleplays na nagawa na namin! Albeit, this was only the first semester! Sabagay, puro mga core subject naman halos ang nagpapagawa ng mga roleplays.

"Si Gio 'yong tatay," Chaile, our director, appointed. Agad namang umangal si Gio dahil sa role n'ya.

"Alam n'yo? Pwede n'yo naman sabihin sa akin kung gusto n'yo ako asawahin? Bakit palaging tatay role ko sa mga roleplay?" bahagyang ngumiwi si Gio.

Hindi namin mapigilan ang halakhak namin. Totoo naman na palagi siyang ama o kaya'y nagiging ama sa mga roleplay sa aming classroom. Nasanay na 'yata kami kaya naman paulit-ulit na lang din ang nagiging role n'ya.

"Si Melay ang nanay naman," Chaile nodded as if she didn't hear Gio. She's too preoccupied with setting her characters. Hindi ko maiwasan ang humanga sa kan'ya.

Kailan ko kaya magagamit ang talent ko sa school o sa kahit ano? Did I even have a talent in the first place? Or I merely just exist? I didn't want to ponder on that too much.

"Wala pa 'yong lola!" Chaile gasped upon seeing that there's still an available slot for a character. Halos halughugin ng kan'yang paningin ang buong classroom para maghanap ng isang tao na pupunan ang role ng isang lola.

"Si Paulene na lang!" Brittany suggested. "Wala naman siyang gagawin."

"Nasa propsmen na ako," I protested against the idea. Although the lola part is only a minor role, ayoko sana maging parte ng mga cast.

"Paulene, payag ka na!" Amber urged. I feel pressured because everyone was staring at me.

"S-sige na nga," pagsuko ko sa kanila. Chaile beamed because her cast is finally complete.

Halos dalawang linggo lang ang preparation namin para rito. Hindi pa nakatulong na sumasabay ito sa mga exams namin. Para bang nagusap-usap ang mga teacher namin na dapat sabay-sabay sila sa pagbigay ng mga gawain.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon