Kabanata 26

113K 6.7K 7.2K
                                    

Kabanata 26

Sa sinabi nya ay mas tumindi ang nararamdaman kong paninibugho sa katauhan ni Mila.

It opened the wounds that I tried so hard to conceal.

Tuwing may reunion o kaya'y kapag pupunta kami sa dalampasigan para lumangoy bilang isang pamilya, parati kong piniliping hindi sumama kapag nandoon si Mila sa kinukuhang larawan.

She can flaunt her body with two piece suits while I always prefer to use oversized shirts to hide my figure. Kahit ang ibang mga kamag-anak ko ay gandang-ganda kay Camila. Everything about her screams beauty and perfection.

Hindi ko talaga hinahayaan na nasa iisang larawan kami ni Camila. I don't care if I'm being branded as standoffish by others, mas okay na 'yon kumpara sa parati kong makikita ang kaibahan namin ni Mila.

It's because she stands out. My eyes are easily fixated on her. Everyone has all their eyes on her. Nagmumukha akong alikabok kapag nandiyan siya. I learned it the hard way when my relatives would praise her for almost doing nothing. Basta ba maganda siya, hindi na n'ya kailangan patunayan ang sarili n'ya sa mga kamag-anak namin. Samantalang ako, palagi akong pinapaalahanan na mag-aral nang mabuti para raw may marating ako sa buhay.

Maybe because that's where I'm good at. No, I'm sure I'm not even good at academics. Hindi pa nga ako sobrang angat pagdating sa mga grado ko sa eskwelahan. I was above average but definitely not a topnotcher.

Hinatid ko si Mama sa kwarto dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa kalasingan. Hiniga ko siya sa kan'yang kama at dahan-dahang sinara ang pinto.

Dumiretso ako sa banyo at doon umiyak nang umiyak na para bang wala ng ibang araw para sa mga luha ko. Nakaupo ako sa palikuran habang pinapalis ang mga luhang gumugulong sa aking pisngi.

I bit my palm to suppressed my screams. I wanted to cry out loud but I didn't want to worry them. Lalo na si Camila, ayoko malaman n'ya na ganito ang nararamdaman ko sa kan'ya. I don't want her to feel like she did something wrong.

Napapikit ako nang mariin.

Nga naman, kung si Camila ang anak n'ya, she will be proud of her. So damn proud of her.

Maganda. Matalino. Mabait. May talent. Gusto ng lahat.

Tang ina talaga.

Ang sakit-sakit na ni isa sa mga 'yon ay walang mas nakaka-angat ako. Her personality fits for more people, I wasn't that friendly. She can dance, sing and even act. Ang mga 'yon ay hindi rin ako kagalingan. Mas mataas ang mga grado n'ya sa akin. Even way before, she was always on top compare to me.

Kahit sino naman sa sitwasyon na ito, si Camila ang pipiliin. It was a no brainer, she's the perfect fit for everything.

Natulog ako nang dahil sa bigat ng talukap ng mga mata. It wasn't even because I was somnolent but it was because my eyes are just too tired. Napagod ito sa pag-iyak at paglabas ng mga luha.

Dumating ang umaga na parang walang sinabi si Mama sa akin. Pinapalabas ko na ito sa tenga ko pero dumiretso ito sa aking puso. Her words, that statement, it caused severe pain to me. An affliction I couldn't heal from. Para itong sirang plaka na paulit-ulit.

"Paulene, may ice bag ako na maliit na nasa fridge. Gamitin mo." bilin ni Mila habang nagsusuot ng hikaw. She was getting ready for school.

"B-bakit?" namamaos kong tanong. I can't open my eyes widely. Naniningkit ito dahil sa pamamaga.

"Your eyes. . ." mahinang saad n'ya. Itinuro pa ang mga mata.

"Use it, para maibsan ang pamamaga n'yan. You can always talk to me, Pau. Kung mayroon kang problema." aniya.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon