Kabanata 30

132K 6.4K 12.3K
                                    

Kabanata 30

I entered in a secret relationship with Gio. Sakto naman na naging kami no'ng midterms na. We were both eagered to start over as lovers this time.

"Hindi ko maintindihan, Paulene. . ." Gio casted his gaze downwards. He was obviously disappointed with my decision.

Agad ko naman siyang hinimas sa kan'yang likuran.

"Unti-unti naman natin sasabihin. Sa ngayon, sana tayong dalawa na lang muna ang nakakaalam, kung okay lang?"

Gio retraced his gaze back at me.

"Kinakahiya mo ba ako, Paulene?" tanong ni Gio, naga-astang bata.

Marahan akong umiling. Paulit-ulit upang makita n'ya na seryoso akong hindi gano'n ang intensyon ko.

"Hindi! Gusto ko lang na walang masyadong may alam. Lowkey lang tayo gano'n." pagkakaila ko sa sinabi n'ya.

Ang totoo n'yan ay ayoko lang talagang makarinig ng kung anu-ano galing sa iba. Alam ko naman na sasabihan akong 'jackpot', 'maswerte' o kaya'y magpapaturo sa akin paano makabingwit ng tulad kay Gio. And honestly, if I try to think it through, all of it sounds like backhanded. Para bang hindi ko deserve at para bang tinamaan lang ako ng kidlat ng kaswertehan kaya ako nagustuhan ni Gio.

"Ma-iba tayo, ba't ako may larawan sa 'yo na galing sa isang simbahan?"

Hindi ko na mapigilan ang tanungin siya habang naglalakad kami at naglilibot upang tumingin sa iba't ibang stalls. Nasa isang mall kami ngayon, malayo sa mall kung saan kami nakatira. We travelled far from home so no one can see us. Gano'n ako ka-ingat na walang makakita sa amin. Hindi bale na gumastos kami ng pamasahe na sobrang mahal basta ba't malayo sa tsismis at mata ng iba.

"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ni Gio pabalik, tumulis ang nguso at halatang nagtatampo.

"Hindi e."

"Seryoso ba? Mula kasi no'ng nakita kita, hindi na kita nakalimutan. Tapos ako, hindi mo matandaan?"

"Ako lang ito, Gio. Hindi ka maalala." biro ko sa kan'ya kaya naman agad siyang pumalatak.

"Baka kapag pinaalala ko sa 'yo, malaman mo kung saan kahahantungan mo."

"Saan ba?"

"Sa simbahan, katabi ko, bilang isang San Pedro." He beamed, showing his infamous eye smile.

Agad na uminit ang pisngi ko sa sinabi n'ya. Marahan akong umiling dahil hindi ko talaga matandaan kung ano ang ibig n'yang sabihin. Pero hindi matanggal ang curiosity ko sa kung paano kami nagkakilala.

"Di mo talaga sasabihin?" pangungulit ko.

"Sasabihin ko naman kapag. . ."

He swallowed hard. "Kapag handa ka na sabihin sa iba na tayo na. Na boyfriend mo ako. Na mahal mo ako, Paulene."

Walang namutawing ingay mula sa akin. As much as I sympathized with him, ayoko talaga na ipagsabi ito sa iba. I prefer to be lowkey and it's not like my love for him will vanish if I kept everything a secret.

"Mahihintay mo ba ako?"

"Oo naman, kahit gaano katagal, basta alam kong balang araw ay maipagmamalaki mo rin na ako 'yong mahal mo, Paulene."

Gumuhit ang isang ngiti sa kan'yang labi. I felt his sincerity as those words slowly finds a way to be engraved in my heart. It was being written in invinsible ink, it might not be seen by others but I can feel it. I will believe in it.

He will wait for me.

"For how long?" Etienne shrugged off upon knowing that the two of us were dating. Agad akong bumuntonghininga.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon