Kabanata 38

127K 6.9K 11.3K
                                    

Kabanata 38

I weeped all night, feeling heartsick. Saksi ang buwan at mga bituin kung paano ko hinigitan ang lungkot ng gabi. Sinubukan ko naman tanggapin pero nangungulila pa rin talaga ako. I couldn't help but blame myself for what happened.

Sinayang ko 'yong pagkakataon namin. What did I expect, anyway? Ako ang umalis. Ako ang nangiwan. At ako rin naman ang dahilan bakit siya lumayo.

It all boils down on me. It all points in my direction. It is all my fault. And I have to embrace my tomorrows without him.

Nawala man si Gio sa buhay ko noon. I didn't forget him. As I built myself, he was the foundation of the home I created during the time I was giving more time to myself. When I think of him, I felt comforted. Kaya naman ngayon na sinasampal na ako ng katotohanan na wala na kami, unti-unting gumuho ang binubuo kong tahanan. The home that I found in Gio is already slowly being demolished to bits.

"Namsan Tower daw tayo bukas, kaya mo pa ba?" Etienne asked, out of concern.

Naka-itim siyang turtleneck habang pinapanood akong umiyak sa kwarto ko. Binalot ko ang sarili ko sa comforter dahil nangangatal na ako sa sobrang bigat ng damdamin ko. Nanghihina na ako sa sarili kong emosyon.

"Huli na ba 'yon?" namamalat kong tanong. He gradually nodded which made me relieved.

Isang araw na lang naman. Huling araw na siguro 'yon para umasa pa ako. Siguro, dapat ko na talagang tanggapin. Wala na kami. Hindi na pwede. Sila na ni Xien.

Hiniling ko na tumagal ang buwan ngunit sa isang dilat ko pa lang ay kumakaway na ang sinag ng araw. Etienne opened my blinds to wake me up. Mukhang binantayan n'ya ako buong magdamag.

"Natulog ka ba?" I asked, languidly.

"Sanay ako na walang tulog. Mag-ayos ka na. Gising na siguro sila."

Taimtim kong hiniling na sana ay hindi nila mapansin ang namamaga kong mata. I even put layers of concealer but my eyes remained puffy. Halata na buong gabi akong humagulgol.

"Uh, ano'ng nangyari sa 'yo?" bati ni Xien sa akin nang makasalubong ako papunta sa elevator. We both went in and she pressed the button to the ground floor. She was wearing a pastel yellow furry coat, mas maliit siya sa akin. Naka-beanie siyang kulay grey at mukhang blooming siya dahil namumula ang kan'yang pisngi.

Walang namutawing salita mula sa akin. Tumikhim si Etienne sa likod ko at agad akong sinalo.

"Pinagod ko kagabi. Hindi ko pinatulog." Etienne smiled which made Xien blushed. Kahit ako ay naging kamatis sa sobrang pula.

"Namsan Tower tayo ngayon! Bumili tayo ng padlock dahil may mga lovelocks doon!" Xien excitedly shared the information.

"S-saan?"

"Mayroon na roon mismo! Mga vending machine rin na nagbebenta ng mga padlocks," ani Xien at agad na tumakbo kay Gio na walang emosyon sa mukha.

I frayed away my sight and walked hastily towards the car. Buong biyahe ay hindi ko tiningnan si Gio. I didn't have the will to look at him. Not even a drop of strength was given to me.

It's like remembering a treasure that you can never find again. Alam kong mahalaga siya pero hindi ko na mahanap ang paraan para maging kami muli.

I took a deep breath and inhaled the air before we bought our tickets to ride the cable car. Papaakyat na kami papunta sa Namsan Tower. In the ride, I was able to see the vast cityscape of South Korea. Ang nagtataasan at mga matatayog na building ay binigyan ako ng ilang segundong kapayapaan. It made my thoughts drift from Gio for a while. Bumalik lang ito nang makarating na kami sa pupuntahan namin.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon