kabanata 14

116K 7.7K 6.9K
                                    

Kabanata 14

"Maganda ka naman kapag nag-ayos ka, Paulene." puri ni Mila habang sinusuklay ang buhok ko. Halos mabali nga ang suklay dahil sa tigas ng iilang tikas ng aking buhok. "Huwag mo nga hawakan 'yang pimple mo, kakalat 'yan."

May kinuha siya sa kan'yang pouch. Napansin ko kung gaano siya nagbibigay ng puwang sa mga gamit para sa sarili. May mga storage compartment siya na may mga laman ng kung anu-ano. Hindi rin siya madalas nagpapagamit ng gamit n'ya. She scolded me that it was basic human hygiene. Pero para sa iba ay malamang matatawag siyang maarte.

Mila and I weren't always like this. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ganito ang tingin ko sa kan'ya noon. Sure, she was pretty and she's talented plus she's also kind. No'ng bata pa ako ay laking pasasalamat ko na naging pinsan ko siya.

Hindi naman ganito noon. Hindi ako nakakaramdam ng inggit sa kan'ya. I was never colored in green whenever I see her. Pero naglaon ang panahon ay ginising ako sa katotohanan na hindi pwedeng hindi ako makaramdam ng inggit sa kan'ya. Minulat ng lipunan ang aking mga mata - ang tanging pinupuri ay ang mga tulad n'ya samantalang patuloy na binababa ang mga tulad ko.

I never knew I was ugly until the society became my mirror.

It reflected my insecurities. It pointed out my flaws. It opened my eyes that no matter what I do - I was never the better option. I was just there to exist not to stand out.

Wala naman talagang pangit. Pero sa mata ng lipunan? Marami.

I watched her as she peeled some pimple patch and gently lay it over on my face particularly on the pimples that I have. Hindi naman ito marami at nagkaroon lamang ako dahil malapit na ang dalaw ko. Tinitigyawat kasi ako tuwing malapit na ang aking dalaw.

"Wash your face every night. Hindi ka pa rin ba nakakahanap ng skin care na hiyang ka?" tanong n'ya habang hinahawakan ang baba ko. She was examining my face.

Umiling ako.

"Hindi pa."

She sighed and went over to the side table to get her phone. Transparent ang kan'yang phone case pero sa loob nito ay may mga Instax na nakaipit. Her pretty face still outshined the other people on the photo. Partida ay mga artista ang kasama n'ya sa picture na 'yon.

"Bumili ako ng isang skin care pack! Try mo ito kasi baka sa skin type mo kaya may mga di gumagana," aniya sa determinadong boses. I laughed because clearly this was her passion. Mahilig talaga siya mag-ayos ng iba at ng kan'yang sarili.

There's nothing wrong with trying to improve your looks but in my case, I simply gave up. It was ironic, pwedeng-pwede naman ako mag-ayos kung gugustuhin ko pero napagtantuan ko na kahit naman mag-ayos ako - I wasn't pretty enough. It would look like I was trying too hard.

The days went on, our sembreak is almost fast approaching. Kaya kumakayod kami ngayon sa mga requirements bago kami makalasap ng pahinga. I sighed as I massaged my back. Sumasakit na ito dahil sa hindi na ako tumatayo sa aking pwesto. I only have a few hours before the deadline. Kulang pa ako sa ilang subjects! This is why I hate procrastinating but I can't also stop myself from doing it.

"Bakit ka kasi nagpa-bangs? Kung alam mong di pala babagay sa 'yo?" tanong ni Gio habang hinahawi ang bangs ko. Humahaba na kasi ito. Tinabig ko ang kan'yang kamay dahil nahihiya ako sa mga binabatong tingin sa aming dalawa.

Gio is also friendly with other girls. Hindi na ito bago sa mata ng lahat pero pakiramdam ko ay isang kasalanan kapag naging crush ka ni Gio. I feel like he belongs to everyone and I shouldn't feel special.

Nandito kami ngayon sa bonanza area. Tahimik ang paligid pero naririnig ko ang ilang kuliglig galing sa mga inaalagaang halaman sa university namin. The unaltered air was better compare to the air conditioned rooms of the library. Kaya naman mas pinili ko rito tapusin ang mga requirements namin.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon