Kabanata 10

125K 8K 4.3K
                                    

Kabanata 10

"May subject ba tayong Research in Daily Life?"

"Practical Research," I answered Melay's question. "It's almost the same. Iba lang 'yata ang tawag."

I dreaded for this day. Alam ko na panakot noon ang research sa mga incoming senior highschool. Nagkaroon naman kami ng baby thesis no'ng junior highschool, sana lang ay makatulong ito ngayong nasa senior high na kami.

Second semester na agad kami. Bumilis ang oras at hindi namin namalayan na tapos na agad ang unang semester. Sa senior highschool, nahahati kasi ang apat na grading. The first and second grading are considered to be the first semester while the third and fourth grading are in the second semester. Mas nakakabaliw na 'yata ang mga subject namin ngayon.

"Paulene," Zafirah called my name. Kagrupo ko kasi s'ya sa practical research. She's really responsible, pero madalas na sumasakit ang ulo n'ya dahil may mga hindi tumutulong.

"Na-double check mo ba lahat ng RRL? Please make sure that none of our RRLs are plagiarised."

Tumango naman ako. Malapit na kasi ang mock defense namin. Halos lahat ay kabado dahil medyo biglaan ito at hindi naman kami lahat ay may alam na sa pag-defend ng isang research. Baka umiyak na lang siguro ako kapag hindi ko na alam ang sinasabi ko.

I was thankful that we were busy for the following days. Mas gugustuhin ko pang tumapat sa aking laptop at mabulag sa kakahanap ng mga mali sa research paper namin kumpara sa palaging pagiging balisa dahil kay Giorgion San Pedro.

He would pester me relentlessly. Hindi ko talaga alam kung bakit ba ako ang hinaharot nito! Kapag ako humarot pabalik—! The heck?!

I nibbled on my lower lip as I closed my eyes and counted up to ten. Pinapakalma ang sarili dahil kahit wala siya sa aking paningin, all I can think about is him. Gano'n na lamang ang naging epekto sa akin ng isang Gio.

Maybe because I haven't seen Jeremy? Kaya naman namumunga na naman ang damdamin ko na pilit binabaon sa lupa? Naiinis ako dahil hindi ko ito kayang pigilan. I might just believe him and I might just get hurt because he's like the others too — kaya akong ipagpalit agad.

There's a part of me that knows not everyone will act the same. Pero sa tuwing naiisip ko na halos paulit-ulit lang naman akong pinagpapalit, hindi matanggal ang agam-agam sa aking puso na baka nga totoong walang pipili sa akin.

That I wasn't good enough for someone or for anyone.

"Pau, stop pigging out." saway ni Amber sa akin. I immediately stopped biting on my burger. Napatitig ako sa kan'ya dahil sa bahagyang pag-asiwa ng kan'yang mukha.

"I'm not," tugon ko.

"Alam mo bang nakakataba 'yan? Do you even know the calories you get? Ilang linggo ka na puro burger at fatty food ang kinakain. Are you not even conscious that you'll get fat?" Amber pointed out which made me look at the grease on my hand. It made my stomach churned somehow. Ang gutom ko kanina ay unti-unting umatras.

"Stress eating?" Brittany asked, lifting a brow. "That's a bad habit."

I know. Hindi ko mapigilan ang bumuntonghininga. Totoo naman ang sinabi n'ya. It is a bad habit but it's my way to cope with stress. Lalo na ngayon na halos tambak kami ng gawain dahil sabay-sabay na naman ang deadlines.

We were currently at the cafeteria. Kahit pilitin ko na iwasan sila ay hindi ko magawa. The other friends that I have already built their relationship. Natatakot akong bigla akong ma-outcast at sisihin pa nila ang sarili nila kung bakit hindi ako maka-relate. Titiisin ko na lang naman ang isang taon kay Brittany at Amber, I could always start anew next year.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon