Kabanata 11

120K 6.8K 4.5K
                                    

Kabanata 11

I wasn't good at confrontations and being guileless. Lumaki ako sa isang pamamahay kung saan mas tinitingala ang maganda, matalino at may talento. Hinanap ko ang puwang ko sa tatlong aspektong 'yon ngunit wala ako sa nabanggit. Kumbaga sa multiple choice, ako ang D. None of the above. The last resort and the only option when you're not sure why you even existed.

Iniisip ko kung may mawawala ba kung sakaling wala ako sa mundo? Mawawala ba ang balanse nito o kaya'y may maapektuhan kaya kung sakali na hindi naman ako nage-exist?

It makes me wonder how will I serve my purpose in this world when I don't even know if I have a purpose in the first place?

Napatingala ako habang unti-unting pumapatak ang mga butil ng ulan sa aking pisngi. Inangat ko ang aking palad para maramdaman din ito sa aking kamay. It was lukewarm, siguro dahil wala namang madidilim na ulap at kung tutuusin ay maaliwalas ang kalangitan.

"May kinakasal na tikbalang," bulong ko sa kawalan. I sighed and went to a shaded area.

Kinasal na nga lang sila ay hindi pa nagawang mang-imbita o kaya'y sabihan man lang ang mga news reporters! Edi sana ay may payong ako ngayon. Lalong lumalim ang inis ko nang lumakas ang buhos ng ulan. Ano? Honeymoon na ba nila?

I scoffed at myself. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil uwing-uwi na ako. Marami pa akong kailangan tapusin pero wala akong payong.

Ang bigat kasi nitong bag ko at marami pa akong revisions na dala. Nasa akin kasi ang kopya ng black and white draft ng research paper namin. Uulitin ko ang pag-print nito dahil inaayos ni Zafirah at ibang mga natirang miyembro ang nilalaman. Ayaw kasi pumayag ni Zafirah na sa ibang miyembro ibigay ang pag-print. Gusto n'ya ay ang mga tumulong din talaga sa laman nito para kami lang talaga ang may grade.

May naramdaman akong presensya sa aking likuran. Unti-unti ako nitong nilagyan ng payong para hindi ako mabasa, ito ang nagsilbing silong ko sa malakas na ulan. Umangat ang tingin ko rito at nadatnan ang nakangiting si Jeremy.

"Paulene," he smiled. "Hatid kita sa sakayan?"

Hindi ko alam kung dahil ba sa sadyang takot ako sa komprontasyon kaya naman mas minamabuti ko na lamang umiwas, magtago at hindi na lang ulit siya kausapin. I didn't feel like he needed a reason for my sudden distance.

"Thank you," I hesitantly agreed.

Matangkad si Jeremy kaya naman mas mabilis s'yang maglakad kumpara sa akin. His legs were longer so it makes sense. Pero dinadahan-dahan n'ya ang bawat hakbang n'ya kaya naman hindi s'ya nauuna maglakad sa akin. I appreciate that, he's very thoughtful.

"Kamusta ka?"

"Okay lang, tinadtad lang kami ng requirements." sagot ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako.

Totoo naman na marami kaming gagawin ngayon pero palagi akong may oras sa landi, nagkataon lang na ayoko sana isipin na pinagpalit n'ya ako kay Mila. It wasn't my intention to do that — ang bigla na lamang s'yang iwasan.

"Ah, kami rin." Jeremy gulped and scratched his nape. "Pau, sorry pala no'ng nakaraan. Hindi tayo nag-sabay kumain."

"Hala, okay lang!" Umiling-iling ako at winagayway ang aking mga kamay para ipakita na walang kaso 'yon sa akin.

Akala ko hanggang sakayan n'ya lang ako ihahatid pero laking gulat ko dahil umabot kami hanggang sa bahay. Hindi ko alam kung bakit ngiting-ngiti ako habang bitbit n'ya ang file folder bag ko. Hindi rin siya naubusan ng mga ikukwento sa akin.

Huminto kami sa gate ng aming bahay. Unti-unting nawala naman ang ulan habang nilalakbay namin ang patungo rito kaya naman hindi ko na kailangan ng payong.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon