Kabanata 22

116K 7.2K 7.4K
                                    

Answer: Love Myself — BTS

Kabanata 22

I was an only child.

That being said, to be compared to someone else who's not even their daughter is diabolical and it almost felt like a crime committed against me.

Mas masakit pala kapag sa ibang tao ka pa ikukumpara ng mga magulang mo. Mas malalim pala ang sugat kapag sa kanila mismo nanggaling na hindi ka naman kawalan. Mas nakakapanghina na mas gugustuhin nilang puriin ang iba kesa sa 'yo.

I was indeed replaceable. Not worth it. Easily trampled on.

"Paulita naman, anak mo pa 'rin 'yon e. Hindi mo man lang naisip 'yong mararamdaman ni Paulene." Papa scolded Mama while we were having our breakfast. Ngayon na lang ulit ito nakasabay sa amin dahil sa parati siyang overtime sa kan'yang trabaho.

Patuloy lang ako sa paglagay ng sinangag sa aking bibig. Hindi ko na nga malasahan ang ulam ko na itlog at tapa dahil sa nararamdaman ko. Mugto ang mga mata at halos kinakapos sa paghinga dahil sa walang sawang paghikbi kagabi.

"Parang 'yon lang? Iiyakan na n'ya? Ni hindi man lang n'ya naisip na si Mila nga estudyante na nga tapos nagtatrabaho pa pero hindi nagrereklamo. Ni isang beses ay hindi ko naman nakitang umiyak 'yon!" ani Mama at nagsalin ng tubig galing sa pitsel. Nilagok n'ya ito para matanggal ang kan'yang init ng ulo.

"Bakit mo naman kasi kailangan ipahiya ang anak mo?"

"E nakakahiya naman kasi talaga? Ni hindi marunong magayos ng sarili! Dalaga na nga siya pero kahit 'yata magsuklay nang maayos ay hindi magawa. Ang gaganda ng mga anak ng mga kaibigan ko tapos ihaharap ko lang si Paulene?" sabat ni Mama.

Muntik ko na mabitawan ang tinidor ko. Patuloy lang ako sa pagkuha ng sinangag at tapa pero hindi na kumakalam ang sikmura ko. I don't feel like eating anymore. I lost my appetite.

"Kahit naman mag-ayos ako, hindi pa rin naman ako maganda. . ." bulong ko.

Hindi ko mapigilan na magsalita laban sa kan'ya. Mama furiously shoved the table, making the tablewares moved in a harsh way. I almost yelp but decided to suppress it. Kahit ako ay natigilan dahil sa ginawa n'ya. I trembled in fear because of it.

"Sige! Sumagot ka pa! Bastos kang bata ka! Wala ka na ngang silbi rito sa bahay tapos kung makaasta ka akala mo naman ay ang laki ng ambag mo rito!" she roared, dinuduro n'ya pa ako.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luhang unti-unting tumulo dahil sa hapdi ng mga salita n'ya.

Ano bang ginawa ko sa kan'ya?

Why is she so harsh towards me?

Nanatili ang mga mata ko sa kan'ya. I want her to feel remorse for her words even for a bit. Pero nanatili rin na masama ang tingin n'ya sa akin.

"Paulita," umangal si Papa at hinawakan si Mama sa kan'yang mga braso upang pigilan ito na mapagbuhatan ako ng kamay.

Agad na winaksi ni Mama ang hawak ni Papa. Umirap pa siya bago pumunta sa kusina upang magpalamig ng ulo.

"Paulene, umakyat ka na muna." ani Papa at nagpakawala ng isang malalim na hininga.

I didn't hesitate to follow his order. Mabigat ang bawat yapak ko patungo sa aking kwarto. Hindi ko mapigilan ang umiyak na naman. Paulit-ulit na lang kasi, hindi ko naman alam kung ano ang ginawa ko.

Is it really because I'm ugly? Kasalanan ko ba na hindi ko namana ang pagiging maganda n'ya? I may not be a bread winner for now, pero ginagawa ko naman ang makakaya ko upang di maging pabigat sa kanila.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon