Kabanata 1

161K 7.6K 13K
                                    

Kabanata 1

I wonder who invented the word 'beautiful' and how it should be conveyed. Nang ginawa niya kaya ang salita na ito, meron siyang iniisip na tao? A certain type of face? A certain type of body? A certain type of skin color?

Kahit ilang beses ko titigan ang sarili ko sa salamin, hindi ko magawang mabigkas ang salitang maganda. I didn't have the perfect almond eyes that most people admire. Medyo singkit ang mga mata ko at hindi pa ito singkit na parang haponesa, parang ja-fake lang gano'n. Most people prefer fair skin pero halos morena naman ako. I wasn't slender too. There were extra skin on every part of my body.

Ngumuso ako at kumuha ng isang barette para ayusin ang bangs ko. Agad akong natigilan nang makita ang maliliit na pimples na tumutubo sa noo ko. Lalo lamang kumuyumos ang mukha ko dahil dito. Hindi bagay ang bangs sa akin hindi tulad kay Mila.

Bumaba na ako para kumain ng umagahan sa hapagkainan. Si Mama ay nandoon at nilalagyan ng sinangag ang plato ni Mila. Babati sana ako kay Mama nang bigla niyang pinilig ang ulo n'ya sa direksyon ko.

"Ano ba 'yan, Paulene! Anong oras ka na naman bumaba! Hindi mo gawing ugali ang maagang gumising! Kaya ka tinitigyawat e!" asik ni Mama at nagawa pang umirap. "Mahiya ka naman kay Mila!"

"Uh, wala naman sa akin 'yon. Okay lang naman po, Tita." Mila looked at me, full of remorse. Kinuha n'ya ang mga kubyertos at unti-unting hinati ang longganisa sa kan'yang plato.

"Hindi kasi gumaya sa 'yo, ewan ko ba sa batang 'yan. Sana kasi tinuturuan mo rin, Mila. Para kahit papaano naman ay matutong mag-alaga ng sarili n'ya."

Umiling-iling si Mama at bumalik siya sa kusina upang kumuha ng orange juice.

Tahimik na lamang akong umupo sa harap ni Mila. Agad siyang bumuntong hininga at tumingin sa akin.

"Sorry, Pau."

"Uy, hala. Wala 'yon! Baka pangit lang ang gising ni Mama. Sanay naman na ako sa kan'ya..." I dismissed her apology and she immediately smiled. Pero ramdam ko ang pagkurot sa aking puso.

Ang hirap kapag araw-araw pinapaalala sa 'yo na pangit ka. Para bang kasalanan mo na hindi ka naging maganda. At hindi mo naman sila masisi dahil alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawa para maging maganda sa paningin nila. Kung meron man, palaging parang kulang.

"Paulene, mag-commute ka na lang. May deliveries sa likod, hindi ka na kasya." suhestiyon ni Mama nang matapos ko ilagay ang mga box ng glutathione sa likod ng sasakyan.

The car was a sedan but an old model. It's a four seater car, pero ang dalawang parte sa likod ay okupado na ng mga binibenta ni Mama na glutathione.

"Kasya pa naman 'yan, Ma. Kaunting usog lang sa mga box —"

"Edi malulukot pa 'yung mga box! Baka hindi bilhin dahil pangit na ang packaging! Mag-commute ka na nga lang, dadagdagan ko na lang ng bente ang baon mo para sa pamasahe..." angal niya sa akin.

"Si Mila po ba 'yung nasa shotgun seat?" tanong ko nang mapansin na nakaupo na 'yata si Mila roon. She was texting on her phone, a latest model from her favorite brand.

"Oo, mas maganda kasi na maaga siya makapasok dahil alam mo naman na unti-unti na siyang nakikilala at baka pagkaguluhan kung sasabay sa mga ibang tao."

Napalunok ako. Pinilit na kinubli ang nararamdaman gamit ng isang ngiti.

"Sige p-po! Salamat sa bente, Ma!"

Walang isyu sa akin ang mag-commute kahit pa sa totoo lang ay medyo masakit sa paa dahil bago ang mga sapatos ko. Malayo ang nilalakad namin para sa sakayan ng mga jeep sa lugar kung sana kami nakatira. Pakiramdam ko ay magkaka-paltos ako dahil sa biglaang lakad na ginawa ko.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon