Wakas (part one)

167K 7.5K 10.5K
                                    

Wakas
(part one)

"Umitim ka," sabi ni Jericho habang inaayos ang hawak n'ya, it was for the incensing. He was incharge for the thurible during this mass.

Napabusangot naman ako. Malamang? Lumangoy ako? Hindi naman ako nilabhan para pumuti? At babad ako no'n sa araw kaya naman nasunog ang balat ko.

Sunburn lang naman ito, kahit hindi ako sigurado kung babalik pa ba ako sa dating kutis ko. At saka, ano naman kung umitim ako?

I was young back then, I didn't understand the concept of fitting into the standards of the society when it comes to beauty. Na dapat pala ay ganito ka o gan'yan ka, para matawag kang maganda o gwapo.

Kasi alam ko naman na gwapo ako. Anak kaya ako ni Glory! Saka, parati kaya ako'ng nagiging crush ng crush ko. Gano'n ako ka-gwapo.

Yet, the teasing and constant mocking didn't stop there. It escalated further and further. No'ng una ay biruan lamang na kaya ko pang sakyan at sabayan hanggang sa naging insulto na ang bawat lapag nila ng mga salita at bumabaon na ito sa aking balat. It makes me extremely uncomfortable.

"Nakikita n'yo ba si Gio?" ani Jericho habang bumubungisngis. Katabi lang n'ya ako kaya naman agad na nagkaroon ng mga yupi ang noo ko.

Tapos na ang mga misa kaya naman naga-ayos na kami. Didiretso ako kina Gabrijel dahil masarap magluto si Tita tuwing meryenda. Nililigpit ko na ang mga gamit ko nang bumanat si Jericho.

"Hindi e," halakhak no'ng katabi n'ya. "Hala, may katabi kang anino!"

Ako lang naman 'yong katabi ni Jericho. I felt a pang in my chest. Hindi ako umimik at nanatiling tuod sa aking pwesto.

Bumunghalit ang tawanan. Kahit na halatang iritado na ako. Madalas ay marunong ako makisama at hindi naman ako mabilis ma-offend o magalit sa mga asaran. Subalit itong mga binabato nila sa akin ay masyado nang nakakababa ng pagkatao. It's as if the color of my skin makes me more inferior than them.

Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga asaran na minsan ay nauuwi pa sa pag-iwan nila sa akin sa ere.

"May lumulutang na damit!" Jericho slapped his thighs as he begun to laugh. Sinundan ito ng mga kapwa naming sakristan.

My mouth materialized a quick grimace. At kahit ang ilan sa mga kasama namin sa simbahan ay napailing na. It's not funny anymore. Jokes are supposed to make you laugh, it's not made to belittle someone and make them feel like they're less of a whole.

Napabuntonghininga ako sa aking mga narinig.

Bakit katatapos lang ng misa pero parang dapat ay magsimba ulit sila?

"Hindi na ako natutuwa," I confessed to Jericho once we're outside the church. "'Tol, hindi na kasi siya nakakatuwa. Naiinsulto na ako."

"Ang killjoy mo naman p're, biro lang naman 'yon. Huwag mo masyadong gawing seryoso," Jericho snickered and place a hand on my shoulder. Even tapping me in a mocking way.

Umawang ang labi ko nang lampasan n'ya ako dahil umalingawngaw na ang tunog ng kampana. And as much as I want to deny his claims, I can't. Gano'n din kasi ang tingin ko. I can't tell people that their jokes are already hurting me. I'm a people person, giving satisfaction to others has always been my innate talent.

Kaya hinayaan ko na lang. Kahit ang totoo ay paunti-unti na nitong kinakain ang kompiyansa ko sa sarili. I begun to question my own self worth. Pakiramdam ko kailangan kong magpa-puti para lang tumigil sila. Para lang hindi na nila ako kutyain.

I know it's almost trivial and unnecessary for most, but if you're always reminded of a flaw that you can't change in an instant — it becomes detrimental to your entire being. Your confidence will de​teriorate and you'll slowly become how they paint you to be. Kinakain ka na ng mga opinyon nila.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon