Kabanata 32

131K 7.8K 6.7K
                                    


TW: Violence.

Kabanata 32

I wailed that night, all I could feel was anguished and hate. Mabuti na lang at nasa bakasyon ang mga kasama ko no'n sa dorm dahil nahihiya rin ako sa pag-iyak ko.

I was willing to compromise, to lower down my pride and to even admit my faults. I know it's the bare minimum, pero sana ay hinayaan n'ya man lang na magkausap kami. Hinayaan na lang sana n'yang isipin ko na kahit papaano ay kaya pang ma-isalba ang relasyon naming dalawa. We were close. We were cousins. Magkatabi pa nga kami matulog noon.

In times like this, I prefer to see the virtues that the person possessed and shared with me.

I would remember all of her efforts. She would buy me skincare products. She would dress me up. She would always ask me if I was okay. She would get the boys that I want. She would have all the attention and love. She is Mama's favorite.

Napapikit ako nang mapagtanto na iba na naman ang pumapasok sa isip ko. Kahit ano'ng pilit na tabunan ang nararamdaman na paninibugho ay hindi kaya nitong matumbasan ang nararamdaman. It just won't fade and leave me alone.

Mama:

Paulene. Umuwi ka sa Linggo. Maguusap tayo.

I suppressed my hiccups as I read her message. Bahagya akong natawa dahil iba siya mag-type sa phone at captions sa mga post para kay Mila. It was obvious that she wanted the attention too. Agad akong sumagot ng oo sa kan'ya. Maybe, Mama will help the both of us. Siguro naman ay hindi rin n'ya kakayanin na malaman ang nangyayari sa amin ngayon.

I was hopeful. Kaya naman hindi ako lumabas buong linggo. I waited for Sunday to arrive and I even wore a conservative and almost incognito outfit. Kabado ako dahil kilala rin si Mila. Hindi pa rin humuhupa ang issue sa aming dalawa.

Pumunta muna ako sa isang mall. I bought some food to bring home. Para naman hindi sobrang awkward mamaya. Habang nasa pila ako ay narinig ko na nagu-usap ang mga nauna sa akin.

"Mila deleted the vlog already. Ang bait talaga ano? Kung ako 'yon, hahayaan kong karmahin 'yong ahas na 'yon."

"Akala ko pa naman ay sila talaga no'ng lalaki. Ilang beses 'yon lumabas sa vlog n'ya tapos parang gusto rin siya. Ang bait sa kan'ya e o baka sadyang paasa lang?"

The whispering made me feel uncomfortable that I even shifted my weight. Yumuko ako para hindi makita ang mukha ko.

"Sa totoo lang, kung ako si G ay baka hiniwalayan ko na 'yong Paulene. Hindi naman maganda 'te. Para talagang ginayuma lang s'ya."

"Baka naman maganda ugali?"

"Huh? Maganda ba ang ugali na agawin mo 'yong gusto ng pinsan mo? Tapos sinirekto mo pa? Halatang gusto n'yang siraan si Mila. Baka nga ipapalabas n'ya na si Mila pa ang nangagaw. Kung sino pa talaga ang pangit, sila pa talaga ang makakapal ang mukha."

Napalunok ako dahil sa mga narinig. Sanay na ako makabasa ng mga hate comments pero parati ko na lang iniisip na hindi naman lahat ng nababasa ko sa internet ay totoo. Pero iba pala kapag narinig mo na sa totoong buhay. Kapag sinasampal na sa 'yo na wala kang kakampi.

I dialled Philomena's number. I need someone to talk to. Pero si Iscalade ang sumagot nito dahil abala si Philo sa kan'yang OJT. Nahiya naman ako kaya hindi na ako nagsabi pa at binaba ang tawag. I contacted Gio but his phone was off. Napabuntonghininga ako, I know that he's also busy. Bukod sa kailangan n'yang maghanap ng review center para sa CPALE, graduating siya ng Accountancy. Hindi rin biro ang kurso n'ya.

Tita Glory calling. . .

Napangiti naman ako nang tumawag sa akin si Tita Glory. Finally. Someone to talk to! Tita is full of wisdom and she never makes me feel less. Kailangan ko lang talaga ng kausap ngayon.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon