Kabanata 8

118K 7.9K 4.2K
                                    

Kabanata 8

Sometimes the pain we feel is the manifestation of our own thoughts. It becomes more apparent that our thoughts control us. At alam ko naman na talo ang nagpapaalipin sa kan'yang emosyon. In a world where people would still choose to be insensitive despite knowing the weight of their words, talunan ang mga taong nilalamon ng kanilang mga puso at isipan. Those who cannot think harshly are deemed to be worthless and weak.

Ang hirap maging mabait sa mundong mas pipiliin kang tapaktapakan kapag nakita nilang hindi mo kayang magalit sa mundo. It's hard to see the flowers when you only feel the thorns.

"Baka gusto n'yo ng shanghai. . ." I asked Bea and Melay who looked surprise. Lugmok akong bumalik sa classroom at pumunta sa kanilang tabi. Both of them gave me some space.

"Ang bilis mo naman bumalik?" tanong ni Melay. Lalo lamang nalukot ang aking mukha. Bea noticed my mood and immediately rescued me from the incoming embarrassment.

"Melay," saway ni Bea. "Sige, Paulene. Pahingi kami ng dalawa."

I smiled at her; I appreciate her small act of kindness. Alam n'ya siguro ang kinahinatnan ng balak ko sanang pagsabay kay Jeremy ngayong lunchbreak. Napabuntonghininga ako. Hindi ko magawang magalit kay Jeremy dahil hindi naman n'ya obligasyon na sumipot. Pakiramdam ko nga ay baka napilitan lang siya dahil nakulitan sa akin.

"Ano 'yan? Bakit hindi naubos?" Amber asked. Nakita n'ya kasi ang hawak ko na tupperware.

"Hindi ka sinipot?" tanong ni Brittany, may panunuya sa tono.

"Busy lang daw," I diverted my sight. Tumawa nang mahina si Amber.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo e. Na-turn off na 'yon sa 'yo."

"Hindi kasi tinatanong opinyon n'yo," singit ni Melay sa gitna namin ni Amber. "Pakialam ba ni Paulene kung anong tingin n'yo?"

Amber only shot her a quick glare. Napakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil sa takot na baka mag-away sila. Bea sighed and immediately went outside, probably to seek peace. Sumunod si Melay sa kan'ya, susunod na sana ako nang hawakan ako ni Brittany sa pulso.

I shivered in fright.

"Bakit?"

"Hindi mo ba nakikita, Pau? You looked desperate. Obvious naman na kahit sino ay mas pipiliin ang iba kumpara sa 'yo." Brittany muttered aggressively. "Tingnan mo? They even left you. Tapos susundan mo pa?"

Napayuko ako sa sinabi ni Brittany. Am I that annoying? Natigatig ako sa kan'yang pahayag. Pakiramdam ko ay tama s'ya. . .

Lahat ng tao ay ayaw sa akin. Hindi mananatili. Hindi ako magugustuhan. Just because I'm more flawed than others.

Totoo naman na lahat tayo ay hindi perpekto. Pero totoo rin na minsan, kahit imperpekto tayong lahat — may mga umaangat pa rin. May mas mapapansin at mas magaling pa rin. Mas may mga pipiliin pa rin kumpara sa 'yo. It made my remaining confidence evaporate into thin air.

"Britt, tama na 'yan. Paulene kasi, tigil na okay? Kung gusto ka no'n, siya mismo gagawa ng paraan."

I gradually nodded. Para lang tumigil na rin sila sa litanya nila sa akin. I accepted their opinions like they were presented as facts. Mabigat ang dibdib kong pumunta mag-isa sa isang sulok. I ate alone in the corner, nagbabadya ang mga luha. Pinipisil ang puso sa sakit dahil wala na naman akong kakampi.

"Paulene."

Tumaas ang tingin ko sa tumawag sa akin. Ang bungad ay si Gio na mukhang nagaalala habang nakadungaw sa akin. He bended his knees to match our level, kasalukuyan kasi akong nakaupo.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon