Kabanata 2

139K 7.4K 13.7K
                                    

Kabanata 2

I told myself that I wasn't ugly. Ilang beses ko na itong ginawa sa harap ng salamin. Inuuto ko pa nga ang sarili ko na sa past life ko ay naging syota ako ni Jin, Chanyeol, Harry Styles, at ninety nine others. Gumagana naman ito pero kadalasan ay nawawalan din talaga ako ng kumpiyansa sa sarili dahil sa mga sinasabi sa akin ng mga nasa paligid ko.

"Sa susunod kasi ay huwag mo na pilitin ang mataas ang takong. May sugat ka sa paa? Edi ano na naman 'yan? Peklat na naman? Puro na nga piso 'yang binti mo e!" Mama huffed, ang mga mata'y nakatuon sa naghihilom na paltos sa aking paa. I immediately sighed. Ang aga naman nito.

Nawawalan ako ng gana sa pagkain dahil sa pagiging armalite ni Mama. Mila decided to butt in because Mama can't stop her mouth, siguro'y naaasiwa na rin sa mga salita n'ya.

"Tita, meron naman pong sebo de macho. Hindi rin naman po masyadong halata 'yung mga peklat..." Mila halted her mouth from spilling more words. She looked at me with remorse. Ngumiti lang ako sa kan'ya.

I couldn't hate Mila. Alam kong masama ito dahil wala naman siyang ginagawa. It's not her fault that she's beautiful. I'd admit that I'm full of insecurities but I didn't want to be labelled as insecure in a dark light. Hindi ko gagamitin ang insecurities ko para manira ng tao. That's just wrong and there's no justification in ruining someone just because you're insecure.

Pero tangina naman, Mila. Share your blessings. Kahit 'yung skincare mo lang. Hindi ko alam kung bakit gano'n, nanonood din naman ako ng vlogs niya pero hindi ko makuha 'yung ganda n'ya.

Selective rin ba ang mga skincare? Jusko.

Pumasok na ako sa classroom nang maaga, this time I didn't wait for them anymore. Nagpaalam na agad ako na mauuna ako dahil sumakit ang mga binti ko sa paghihintay kahapon.

Friendshizt

Brittany:

Hala, Pau. Okay ka lang ba? 😔

Amber:

Sorry, hinintay mo pa kami. 😆

*😫 omg maling emoticon. Sorry ulit, Pau.

Paulene:

Okay lang sa akin pero una na ako ngayon ha. Sakit kasi ng mga binti ko e.

Mila:

May paltos si Pau. Sana tinulungan niyo man lang umuwi, girls. 😕

Amber:

Sorry, Mila! May lakad kasi kami ni Brit no'n e. 😭

Brittany:

Sorry talaga, Mila. Libre ka na lang namin ng frappe sa fave coffee shop mo. Or let's shopping! Sorry, Mils. Love you! 🥺

I could feel a dull pain inside my chest. They also apologized to me but why does it sound sincere when it comes to Camila? Or maybe I was just putting thoughts into their words.

Walang buhay akong sumalampak sa aking upuan. Halos katabi ko lang si Bea at katabi naman n'ya 'yung magandang mataray. In just a day, close na agad silang dalawa. Samantalang ako ay natatakot pa rin sa kan'ya. She seems to be stern and she might not like me.

We anticipated Miss Lourdes. Binati namin s'ya nang tuluyan na s'yang makapasok sa classroom.

"Since this is our official first day, would you like to introduce yourself to the class?" Ngiti ni Miss Lourdes.

We all groaned. Akala pa naman namin ay ligtas na kami sa ganitong pakulo tuwing first day. We're already in senior high! Pero mukhang hanggang ngayon ay nagpapanggap silang interesado sa bawat estudyante sa loob ng klase na ito.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon