Kabanata 39

128K 7.4K 12.1K
                                    

Kabanata 39

"Mila," I called her.

I always imagined Mila to be beautiful even if she was already old. Isa siguro siya sa mga itatago pa ang larawan dahil walang kupas ang ganda n'ya. And she indeed remained beautiful even if she already has a kid. Ni hindi nga masyadong nagbago ang itsura n'ya.

"Paulene," Mila responded hesitantly. Yakap-yakap n'ya ang kan'yang anak, kinarga n'ya ito at tumikhim.

"Uh, kamusta ka?" Mila asked.

"I'm doing great! Sana ikaw rin," I smiled at her, stiffly.

"Mi, nakita na ba si Mave?" tarantang tanong ng isang lalaki mula sa malayo.

Napalingon ako sa lumapit sa direksyon namin ni Mila. Isang matangkad at matipunong lalaki ang lumitaw sa harapan ko. He was panting, probably because he had run towards us. He glanced at me before returning his gaze on Mila.

"Uh, pwede mo ba kunin si Mave? Love?" Mila smiled at the guy who immediately carried his child. Yumakap si Mave sa kan'yang ama nang mahigpit.

"Mauna na muna kami," the guy smiled at me before departing from us. Mave even waved her hand to bid goodbye. Agad ko itong binigyan nang mabilis na tugon. She's cute. Maganda ang lahi nila.

"Can we talk?" tanong ni Mila nang wala na ang mag-ama n'ya. Muli ay ngumiti naman ako.

"Sure, tungkol saan?"

"A-about what happened before. . ."

"Alin doon? Marami kasing nangyari noon. . ." mapait kong saad. Pain and regret crossed her eyes. Pero hindi ako natinag dahil ang totoo ay kulang pa 'yon.

I understand how Gio felt now. Ganito pala ang pakiramdam nang hindi ka bigyan ng sapat na rason para sirain ang buhay mo. Yes, I'm at fault too. Pero maayos na sana kami kung hinayaan n'ya ako kausapin siya no'ng lugmok na lugmok ako sa mga binabato sa akin na masasakit na salita ng mga sumusuporta sa kan'ya.

Did I deserve all of those harmful threats? No. I wanted to sue them for it. Subalit magaling lang naman sila dahil nakatago sila sa mga screens nila. Bahag naman ang kanilang mga buntot kapag sa totoong buhay na. Kaya naman kahit ilang beses kong iniyakan ang mga binabato nila sa akin, natuto naman akong tumanggap ng mga puri.

I use to dislike being complimented because I thought it was shear dishonesty. It was only to alleviate my feelings. To make me feel good somehow. Ang totoo pala ay katotohanan 'yon. That I may look lovable and good in someone else's perspective. In their eyes, I was worthy. And no one can take change the way they view things but themselves.

"I think we should talk in a dinner table. Pwede ka ba sumama sa amin? Sa bahay?" yakag ni Mila sa akin.

Pilit kong kinukubli ang nararamdaman na iritasyon.

"Sige."

"Nandoon si Mama. . ." Mila momentarily winced. "Mo."

"Ah, sure. Pwede bang sabihin mo na lang ang address? Ako na lang mismo ang pupunta dahil ilalagay ko pa itong pinamili ko sa condo ko."

My gripped on the paperbag tightened. Hindi ito nakita ni Mila dahil nagawa n'ya akong nginitian. She probably can't read the room, o baka sadyang gusto n'ya lang makita na hindi ako mapakali.

Ang ganda-ganda ng buhay n'ya. She's successful. She has her own family. She even calls my mother as her Mom. Na para bang siya talaga ang niluwal nito sa mundo. I wasn't even given the chance to experience her love for me. Kung naranasan ko man, sa napakaikling panahon lang 'yon.

I suffered for years because of her. Subalit hindi naman ito bumalik sa kan'ya. Hindi ko naman hinihiling na bumalik ito sa kan'ya pero parang hindi siya tinatamaan ng karma. While I was on the lowest of the low, she continuously grew to be on top. She was showered eith blessings as I plummet down to the lowest.

Embrace Your Assets | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon