Writer's Chapter Twenty Nine

96 63 0
                                    

I WAS preparing dinner for Doc. Ininit ko na lang ang tokwa't baboy at ang kanin. Nagtimpla na din ako ng kape. Ito 'yung isang bagay na talagang proud ako. Ang pagtitimpla ng kape. Sabi kasi ni Doc ay masarap akong magtimpla ng kape kaya lagi ko siyang pinagtitimpla kapag nandito siya.

Kasalukuyang nasa kwarto si Doc ngayon. Naliligo na naman kahit kaliligo niya lang kanina sa bahay niya sa San Fernando.

Napangiti ako nang may yumakap sa'kin mula sa likod. Kasalukuyan kasi akong nagluluto ng fries. Sa taas daw kasi kakain si Doc kaya nagluluto na 'ko ng snacks. Magmumovie marathon kami.

"You didn't pause the movie," bulong niya sa mismong tainga ko kaya bahagya akong kinilabutan. Naamoy ko rin ang mabango niyang hininga. Ang sarap sigurong maging facemask ni Doc. Para kasing hindi man lang bumabaho ang hininga niya tapos libreng halik na din.

Nawala sa isip ko ang movieng pinlay ko kanina dahil sa kanya. Napakagwapo niya kasi eh.

"Anong movie ba 'yon?"

"Transporter."

Nanlaki ang mga mata ko at umikot paharap sa kanya. Hinigpitan naman niya ang pagkakayakap sa'kin kaya tuluyan na 'kong nadikit sa kanya.

"'Yung una?"

Tumango siya.

"Talaga?! Grabe! Gusto ko 'yon. Crush na crush ko kasi si Jason Statham kahit may asawa na siya."

Ngumuso si Doc kaya napangiti ako. Ang gwapo niya talaga. Kahit anong gawin niya sa mukha niya, gwapo pa rin. Kahit yata tapunan 'to ng putik sa mukha, gwapo pa rin siya.

"Pero ikaw naman ay love na love ko at hindi kita ipagpapalit kahit kaninong hollywood actor."

Doc smiled and planted a kiss on my lips na nakapagpanguso sa'kin. Ang bilis kasi. Hindi ko man lang naenjoy. Parang wala man lang isang segundo.

"Gusto kong halik katulad ng kina Massimo at Laura."

Umatras si Doc tsaka ako binitawan. Ayaw ng doktor. Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa niluluto ko.

Nasa bar counter siya, nakaupo sa isang stool medyo malayo sa'kin. Iniinom na din niya ang kapeng tinimpla ko pero hindi pa rin mawala ang inis ko. Panay buntong hininga ako at pinaparinig ko talaga sa kanya. Tapos kapag tumitingin siya sa'kin na saktong nakatingin ako sa kanya, iniirapan ko siya.

Pagkaluto ng unang batch ng fries ay nagsalang uli ako. Nilagay ko na lahat ng natira sa plastic. Isang kilo ang lulutuin ko pero parang hindi pa enough for me kaya nilapitan ko si Doc.

Ang tangkad na nga ni Doc tapos napakataas pa ng stool. Ngumuso ako at hindi na sinubukang umupo sa katabing stool niya.

Lumingon sa'kin si Doc pero hindi siya humawak sa'kin kaya lalo akong nainis. Dati kasi kapag lumalapit ako, agad siyang hahawak sa baywang ko at hihilahin ako padikit sa kanya. Pero parang wala siyang balak ngayon.

"Pagod ka?" mataray kong tanong.

He sipped on to his cup of coffee bago siya muling tumingin sa'kin.

"No," tipid niyang sagot.

"Luto kang pagkain."

Tumango siya at ibinalik ang tingin sa kape. Tinignan ko rin ito at inimagine na hinahampas ko ito sa pader hanggang sa magkapira-piraso at hindi ko titigilan hanggang sa maging powder. Nakakainis naman kasi ang kapeng 'yan. Mukhang nasarapan talaga si Doc kaya nawalan na ng pake sa'kin.

"What do you want me to cook?"

Tinalikuran ko siya at lumapit sa mesa kung nasa'n ang isang bowl ng tokwa't baboy. Iaakyat ko na 'to.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now