Writer's Chapter Seventeen

108 67 1
                                    

"MINURA mo 'ko, T?"

With my eyes wide open, nilingon ko ang nagsalita.

May dalawang lalaki sa may pintuan. Ang isa ay mangiyak-ngiyak habang ang isa ay natatawa. Tall and lean. Gwapo at makinis. Pero lamang pa rin ng ilang paligo si Doc.

"Damn, Ground! Your face was epic!" malakas na sabi ng isa bago humagalpak ng tawa.

Sino 'tong mga 'to? Bakit ang gagwapo? Este ang popogi. I mean handsome.

Napapikit ako mula sa pagkakatulala sa dalawa nang harangan ng isang kamay ang paningin ko.

"You can't look at them like that. Dapat sa'kin ka lang matulala."

Pinilig ko ang ulo ko at lumayo sa imaginary Doc na nasa harap ko na. Naglakad ako ng mabilis palabas pero hinarangan ako ng dalawang bagong likha ng malawak kong kaisipan.

"Where are you going, young lady?"

"Umalis nga kayong mga imahinasyon kayo!" sigaw ko at pinagtutulak sila pero hindi man lang sila nabuwal sa pagkakatayo. "Kapag ako hindi nakaabot sa last subject namin, sasampalin ko din kayo."

"She slapped you?"

"And that explains your busted lips."

Tumabi sila sa gilid kaya maayos akong nakalabas. Nilingon ko pa sila bago naglakad palayo. Grabeng imahinasyon, napakagwapo at parang totoo talaga.

"Stop her! Damn it!" narinig kong sigaw nang makalayo ako.

Isang metro na lang ang layo ko mula sa nakasaradong pinto ng kusina sa bahay namin. Pero bago ako makahakbang uli, isang braso ang yumakap sa tiyan ko at binitbit ako na parang wala akong timbang. Ang likod ko ay nakadikit sa tagiliran niya. Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang pangahas na 'to.

"Bitawan mo 'ko! Bitawan mo 'ko! You're not real! Baka mahulog ako kapag naglaho ka!" Nagpapadyak ako pero sa isang matalim na tingin lang mula sa kanya ay natahimik ako.

I bit my lower lip at pumikit. Kahit nang ibaba niya 'ko ay nakapikit pa rin ako.

"Does she really think that we're not real?"

"It's because you're too ugly that it feels like a nightmare."

"And that came from a man who look like a furuncle?"

"Fathead! Ikaw ang mukhang pigsa!"

"Stop talking, noodles!"

Nalaglag ang panga ko sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nakakabobo kasi ang mga salita nila. Furuncle? Ngayon ko lang narinig 'yan. At anong fathead? Matabang ulo ba? At may noodles pa talaga. Nagutom tuloy ako.

I laughed with my thoughts. Pero mabilis ding tumahimik nang may tumikhim. Ngumuso ako at binuksan na ang mga mata. The first thing I saw was a pair of beautiful eyes. Seryosong nakatingin ang mga 'to sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko. Itinaas ko ang kamay at sinundot ang pisngi niya gamit ang hintuturo ko. Nahawakan ko siya! Hindi tumagos ang kamay ko! Oh my! Does it mean that everything's real? Ang mga gwapong 'to ay nandito talaga?

"Wala talaga 'kong pasok?!"

"Finally!" sabay na sigaw ng dalawang nasa kitchen na ng bahay ni Doc. Nasa mesa sila at kumakain ng ham.

Nanlaki ang mga mata ko at sinugod sila. Nararamdaman ko na rin ang paglabas ng usok sa butas ng ilong ko. Inagaw ko ang tig-isang tinidor na hawak nila.

"Stop eating my ham!"

Tinutok ko sa kanila ang dalawang tinidor. Napataas naman ng kamay ang dalawa.

"Bro, your fiancèe is scary," sabi nung kulay brown ang mata.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now