Writer's Chapter Twenty-Five

96 63 0
                                    

"DO you know what's the occasion today?" wala sa sarili kong tanong sa kanya nang makabalik kami sa kwarto niya.

Nakahiga kami sa kama pero nasa magkabilang dulo at may mga unan sa pagitan namin. Ako ang naglagay ng mga iyon dahil ayoko siyang makatabi. Naiinis pa rin ako.

"Baby, I'm sorry."

Tumalikod ako at tinakpan ang bibig dahil sa nagbabadyang paghikbi. Ang mga luha ko ay tuloy-tuloy ang pag-agos.
 
Nagsorry siya. Ibig sabihin alam niya. Pero aalis pa rin sana siya. Aalis pa rin siya kahit na 3rd year anniversary namin ngayong March 23. Iiwan niya pa rin ako. Ipagpapalit niya pa rin ako sa mga pasyente niya. Mas pipiliin pa rin niyang sumabak sa giyera kung saan hindi nakikita ang kalaban. Mas gugustuhin pa rin niyang mapahamak kaysa manatili sa tabi ko.

"Don't talk to me." Pigil ang paghikbi ko para hindi ako pumiyok. Ayoko kasing ipaalam sa kanya na umiiyak ako dahil sigurado akong lalapit siya sa'kin. Siguradong pupunasan niya ang mga luha ko at yayakapin ako. Ayoko no'n kasi baka 'yon na ang maging huli.

"Baby, please..."

Pumikit ako ng mariin at sinubukang matulog uli. Baka sakaling paggising ko ay wala ng coronavirus at hindi na niya kailangang umalis. Pero hindi ko magawa. Nahihirapan akong makatulog dahil sa dami ng iniisip ko.

Huminga ako ng malalim.

"Bakit hindi mo tinanggap ang offer sa'yo sa America?"

Hindi siya nagsalita kaya humarap ako sa direksyon niya. Nakatagilid siya at nakaharap sa'kin kaya nagtama ang mga mata namin.

"Bakit?"

"How did yo--"

"I saw the papers in your condo and Ate Cheska told me."

"I won't leave you here."

Umupo ako at hinampas ang unan sa gilid ko.

"Dapat matagal mo ng tinanggap! Hindi sana ako nahihirapan ngayon sa pagpigil sa'yong bumalik sa Manila!"

Umupo din siya pero ang mga unan sa pagitan naming dalawa ay inalis niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I won't choose that job over you, James."

"You chose me. Bakit?"

Kumunot ang noo niya. "Why?"

Tinignan ko siya sa mga mata. "Hindi ko maintindihan, Doc."

"Ano ang hindi mo maintindihan?"

Gusto kong ngumiti dahil sa pagtatagalog niya pero hindi ko kaya.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Hindi ko maintidihan! Hindi ko maintindihan kung bakit mas pinili mong manatili dito kaysa sumama sa parents mo kung saan naghihintay sa'yo ang isang malaking oportunidad."

Binitawan niya ang isang kamay ko at ginamit ang kamay niyang bumitaw sa paghawak sa baba ko. Iniharap niya 'ko sa kanya tsaka siya ngumiti.

"I don't care about their offer, James. Hindi kita iiwan dito."

Binawi ko ang isang kamay kong hawak niya pa at bumaba sa kama. Lumabas ako sa balcony. Sumunod naman siya.

"Malaki ang offer nila sa'yo, Jonathan! Bibigyan ka nila ng mataas na pwesto sa hospital pero bakit hindi mo pa rin tinanggap? Hindi gano'n kadaling makakuha ng ganung oportunidad. At walang mag-ooffer sa'yo ng ganun dito sa Pilipinas! Kaya bakit? Bakit mas pinili mong maging isang doktor lang dito sa Pilipinas than to have a higher position in that hospital in America?"

"Be--"

"Kapag sinabi mong dahil sa'kin , mas hindi ko 'yin maiintindihan."

"Baby.." He tried to reach for my hand pero inilayo ko ito.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon