Writer's Chapter Four

182 141 0
                                    

NANG dumating ang lunes ay pinayagan na 'kong umuwi ng tanghali. Nakaayos na lahat ng gamit namin, nakahanda na rin kaming umalis pero wala pa rin si Doc. Kagabi pa nung huli ko siyang makita.

"Ate.." tawag ko sa nurse na nag-aayos sa pinaghigaan ko.

Lumingon ito sa'kin at nginitian ako. "Bakit?"

"Nakita mo ba si Doc?"

"Nasa OR siya. Hindi niya ba nasabi sa'yo na may ooperahan siya?"

Ngumuso ako tapos umiling. Nakita ko naman ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya pero mabilis ding nawala at napalitan ng ngiti.

"Malapit na rin naman siyang matapos niyan. Hintayin mo na siya."

Umupo ako sa mahabang sofa na nasa likuran ko. Hihintayin ko na si Doc para makapagpaalam ako na uuwi na. Ayoko namang umalis ng hindi siya nakikita.

Bumukas ang pinto dahilan para mapatayo ako. Lalapit na sana ako sa pag-aakalang si Doc iyon pero nang makitang si Mama ay ngumiti na lang ako ng tipid. Tinaasan naman niya 'ko ng kilay.

"Hintayin na natin si Doc, Ma."

Tumango si Mama at nagpasalamat sa nurse bago ito lumabas.

Halos isang oras na ang lumipas, wala pa rin si Doc. Ako lang mag-isa sa kwarto dahil nagpaalam kanina si Mama na doon muna sa labas.

Nang mag-isang oras ay lumabas na 'ko. Sa office ni Doc ko na lang siya hihintayin.

Tinungo ko ang office niya at si Kuya Kyle ang nagbukas ng pinto nang kumatok ako. Nagulat pa siya nang makita ako.

"Thea!"

Nginitian ko siya.

Kahit busy si Kuya Kyle sa pag-aasikaso sa schedule at appointments ni Doc, ilang beses pa rin siyang pumunta sa room ko para kumustahin ako.

"Akala ko umuwi ka na," sabi niya pagkaupo ko sa swivel chair ni Doc na inilahad niya.

"Magpapaalam muna 'ko kay Doc. Hindi ko pa kasi siya nakita ngayong araw na 'to."

Tumango siya at nagpatuloy sa pagtatype ng kung ano sa laptop niya. Nasa mahabang sofa siya at seryoso siya sa ginagawa. Inalok niya 'ko kanina ng inumin kaso umiling ako. Hindi naman ako nauuhaw.

Dalawampung minuto pa 'kong naghintay bago dahan-dahang bumukas ang pinto. Mabilis akong tumayo at tinakbo ang distansya namin ng lalaking nakasuot ng scrubsuit. Sinalubong ko siya ng isang mahigpit na yakap. Doc held my waist at inilayo ako sa kanya. Nagtataka ko siyang tinignan. Ayaw niya ba sa yakap ko?

Pero nang makita ang dugo sa noo niya, napalitan ng pag-aalala ang pagtataka ko. Mabilis kong hinawakan ang mukha niya at tumingkayad para makita ng maayos ang sugat niya.

"Don't worry, I'm fine. Sa pasyente ko ang dugong 'yan."

Nginitian niya 'ko kaya kahit papano'y napanatag ako.

Tuluyan na siyang pumasok sa office niya habang nakahawak pa rin sa baywang ko ang dalawang kamay niya. Sinipa na nga lang niya ang pinto para sumara.

Kuya Kyle went near us at inabutan ng wet wipes si Doc. Bago ito tinanggap ni Doc ay naunahan ko na siya. Ako na rin ang nagpunas ng dugo sa noo niya habang nakatingkayad. Nakayuko naman siya kaya kitang-kita ko ang perpekto niyang mukha na kahit may dugo ay gwapo pa rin.

"Hindi ka naghugas?" tanong ni Kuya Kyle.

Tinignan ito ni Doc. "Nagmadali kasi ako nang malamang nandito." Ngumisi siya dito pagkatapos ay tumingin sa'kin.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now