Writer's Chapter Thirty-Seven

85 52 0
                                    

NGAYON ang huling araw ng ikalawang linggo ko sa Batangas. These past few days ay kung anu-anong pakulo ang ginawa namin ni Kuya Gi sa tuwing nagpupunta kami sa St. Luke's. Naubusan na nga kami ngayon e. Si Doc naman ay mukhang wala pa rin namang nahahalata dahil hindi pa siya nagtatanong. Siguro sobrang dami niyang ginagawa at iniisip kaya hindi na niya napapansin ang ilang bagay. But I'm very thankful na hindi niya 'ko nakakalimutan. Araw-araw at gabi-gabi siyang tumatawag pero mas matagal ko siyang nakakausap tuwing gabi.

Ang pag-aalalang nararamdaman ko kay Doc ay nabawasan kahit papaano dahil napupuntahan ko siya at nakikita. Unlike before nung nasa Pampanga ako. Alalang-alala ako pero wala akong magawa. Pero mukhang kabaligtaran ang nararamdaman ni Kuya Gi dahil mukhang lalo siyang nag-alala at na-stress dahil nandito ako.

Every time na lalabas kami ay panay paalala siya sa'kin na isuot ko ng maayos ang PPE ko. He keeps on telling me na mag-ingat ako at kung pwede ay 'wag masyadong lumayo sa kanya. He told me na baka itakwil siya ni Doc kapag may nangyaring masama sa'kin. Lagi ko ding sinasabi sa kanya na wala siyang kasalanan kapag may nangyaring masama sa'kin dahil ako 'yung nagpumilit pumunta dito kaso lalo lang siyang naiistress.

At mukhang stress na naman siya ngayon habang sinasabi ko ang plano ko bukas. Tomorrow's Sunday at walang pasok si Doc. Kinumpirma iyon ni Doc sa'kin kaninang madaling araw when I called him.

"Baka seryosohin 'yan ni Kuya J, T. Baka may mangyaring masama sa kanya do'n dahil diyan."

Napanguso ako. Hindi naman siguro siya gano'n kacareless, 'di ba?

"Doc will never be careless and wreckless, Kuya Gi. Maingat iyon sa pagdadrive."

Kahit na hindi gusto ni Kuya Gi ang plano ko ay tinulungan niya pa rin ako sa pag-aayos ng backyard nila. We set up a table for two para sa candle lit dinner na naisip ko para sa'min ni Doc. Naglagay din kami ng mga lantern at fairy lights. Sa bandang gilid naman ay nagset up kami ng white cloth at projector tsaka kami naglabas ng isang kutson at mga unan na nasa damuhan. Malinis naman kaya okay lang doon. Plano ko rin kasong mag-movie marathon kasama si Doc.

Dumating ang linggo at kabadong-kabado ako. Nakausap ko na kaninang umaga si Doc at sabi niya'y sa tent lang daw siya buong araw para kapag kinailangan siya sa hospital ay mabilis siyang makakapunta.

Hawak ang phone ko ay huminga ako ng malalim. Kanina pa 'ko palakad-lakad dito sa sala. Mag-isa ako dahil si Tito ay nagpunta sa farm niya. Si Kuya Gi ay nagkukulong sa kwarto niya at ang mga kasambahay naman ay abala sa pag-aasikaso sa mga pinapaluto ko.

Huminto ako sa paglalakad at umupo sa pang-isahang sofa. Inangat ko ang phone ko at hinanap ang number ni Doc. Isang hingang malalim pa ang ginawa ko bago ko tuluyang tinawagan si Doc.

Sa unang try ko ay busy ang kanyang linya kaya hindi ako makaconnect. Sinong kausap niya? Tinignan ko ang phone ko, wala namang tawag mula sa kanya. Ibig sabihin, iba ang katawagan niya ngayon. Pero sino?

Huminga uli ako ng malalim. Second try pa lang pero parang gusto ko ng sumigaw ng 'yes' dahil sa mabilis niyang pagsagot. Ni hindi ko man lang narinig magring amg kabilang linya. Is that even possible? O baka nabingi lang talaga 'ko?

"I'm sorry about that, baby. Dad called, aski--"

Hindi ko na siya pinatapos. Isasagawa ko na ang unang parte ng plano.

"Jonathan, maghiwalay na tayo," pinilit ko ang boses ko para maging seryoso.

"What, baby? I think I misheard you."

Huminga uli ako ng malalim. Pang ilan na ba 'to? May sapat na oxygen pa kaya para sa'kin?

"I'm sorry, Doc, pero ayoko na sa'yo. You were always busy. Dalawang beses lang kita nakakausap sa isang araw. Sabi mo noon ibibigay mo lahat ng atensiyon mo sa'kin? Anong nangyari ngayon? Bakit kulang na lang ay hindi mo na 'ko pansinin?" I hope he'll get what I mean kahit puro nonsense ang mga sinasabi ko. "Ayoko na talaga, Doc. Hindi ko kaya ng ganito. Gusto kitang makita pero nasa malayo ka at hindi mo 'ko mapagbigyan kapag sinasabi kong umuwi ka sa'min. Nakakainis ka. Hindi mo 'ko inaalala. Lagi na lang ibang tao."

A Writer's Diary [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ