Writer's Chapter Thirteen

124 84 0
                                    

HINATID namin si Papa kasama si Doc. Nag-commute lang sina Mama papunta sa airport at nang umuwi ay hinatid kami ni Doc.

Matapos niya 'kong iwan sa sala kanina ay hindi na namin pinag-usapan ang tungkol sa mga nangyari. Ayoko na ring maalala. Ayoko na ring ipaalala sa kanya dahil baka masaktan uli siya dahil sa kabaliwan kong 'yon. At baka mamatay ako sa hiya dahil sa kamanyakan ko.

"Doc?"

"Hmm?"

Lumingon ako sa kanya na nakatingin pa rin sa mga bituing pinapaliwanag at pinapaganda ang madilim na kalangitan. Nakahiga kami sa comforter na nilatag niya sa veranda sa second floor ng bahay niya. Nakaunan ako sa braso niya.

"I saw the news kanina."

Lumingon sa'kin si Doc pero hindi nabawasan ang pag-aalalang nararamdaman ko para sa kanya.

"Apat ang nadagdag sa coronavirus cases dito sa Pilipinas. Babalik ka ba talaga sa Manila bukas?"

Doc kissed me on my forehead at mahigpit akong niyakap kaya sumubsob ako sa dibdib niya.

"I have to, sweetheart. I have 2 scheduled operations tomorrow."

Huminga ako ng malalim bago sininghot ang mabango niyang amoy. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay kumalma ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kinakabahan talaga 'ko.

Doc's work is in the hospital at sa hospital din dinadala ang mga nagpositive sa virus. Kinakabahan ako. Hindi para sa sarili ko kundi para sa kanya. What if mahawa siya? What if may mangyaring masama? Wala pang gamot sa virus na iyon kaya mahirap kapag nahawa. Pero ayoko siyang pigilan dahil dalawang buhay ang nakasalalay sa mga kamay niya. Hindi ako pwedeng magpaimportante ngayon dahil baka mamatayan na naman siya ng pasyente dahil sa'kin.

"Pwede ba 'kong sumama sa'yo next week? 3 days naman akong walang pasok."

Naramdaman ko ang pag-iling niya kaya tiningala ko siya. Malayo ang tingin niya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"It's not safe for you. At hindi natin masasabi kung dadami pa ba ang mga kaso next week o hindi na."

Ngumuso ako at muling sumiksik sa dibdib niya.

Delikado para sa akin pero sa kanya hindi? Samantalang sa hospital siya nagtatrabaho.

"Walang mangyayari sa'kin, baby. I'm a doctor, I know how to deal with this kind of situation."

Kinabukasan ay maaga niya 'kong hinatid sa school kaya konti pa lang ang nadatnan ko sa room pero lahat sila nakatutok sa cellphone. Naririnig ko pa silang nag-uusap tungkol sa nCoV.

Ilang minuto na ang lumipas pero nakatulala pa rin ako dito sa upuan ko. Bumuntong hininga ako at nilabas ang phone ko. I composed a message and sent it to Doc. Alam ko nagdadrive pa siya sa mga oras na 'to kaya baka hindi niya mabasa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa sobrang pag-aalalang nararamdaman ko.

Kung last week ay hindi namin ramdam ang banta ng novel coronavirus dito sa bansa kahit may mga case na, iba ngayon. Lalo pa't patuloy na dumarami ang mga nagpopositibo sa ibang bansa. Buong mundo na nga yata ang apektado eh. Kaya lahat ng balita ay tungkol na sa nCoV. Maging ang topic ng mga estudyante dito sa school ay tungkol sa virus.


To: Doc ♥
Take care please. I love you and I miss you already.


Gusto kong sabihin na lumayo siya sa mga may sakit pero naalala ko, doktor nga pala siya.

"Wow! IPhone 11 Pro Max!"

Kumunot ang noo ko nang marinig si Chelsea. Wala pa siya nung dumating ako at hindi ko pa siya nakitang pumasok. But when I looked at the front door, nakita ko siya. Nakatingin siya sa direksyon ko.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now