Writer's Chapter Twenty-One

97 63 13
                                    

NAGISING ako sa ibabaw ng napakabangong kama. Ngumiti ako at tinignan ang katabi ko na himbing na himbing pa rin. Nakayakap sa'kin ang isang braso niya at dalawang pulgada lang ang layo ng mga labi niya sa akin.

"I love you, Doc."

Naramdaman ko ang pag-uga ng kama dahil sa paggalaw niya. Dahan-dahang bumukas ang mga mata niya and when they found mine ay pumungay ang mga ito.

"Baby..."

Ngumiti ako at pinatakan siya ng isang magaang halik sa labi. I hugged him tightly at sumiksik sa dibdib niya.

"We need to talk."

Pumikit ako at umiling. "Inaantok pa 'ko."

I heard him heaved a sigh at pagkatapos ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko.

Sa ikalawang beses na pagmulat ng mga mata ko ay wala na siya sa tabi ko. Umupo ako at sumandal sa headboard.

"Baby..."

Lumingon ako sa direksyon ng banyo. Nando'n siya, hawak ang doorknob at mukhang kakabukas niya pa lang sa pinto. Nakatapis siya ng towel at basa ang buhok.

Naglakad siya palapit at bawat hakbang niya ay nababasa ang sahig. Ngumiti ako at bumaba sa kama. Hinintay ko siya sa gilid at nang makalapit siya ng tuluyan ay mabilis kong inabot ang isang kamay niya.

"Let's talk."

Umiling ako ng hindi naaalis ang ngiti.

"Magbihis ka muna."

"Stay here."

Tumango ako at sinundan siya ng tingin. Lumapit siya sa closet niya at kumuha ng isusuot tsaka siya bumalik sa harapan ko.

"Wait for me."

Tumango akong muli. Nang makapasok siya sa banyo ay tumingin muna siya sa'kin bago sinara ang pinto.

Huminga ako ng malalim bago naglakad palabas ng kwarto niya. I opened the door of his house pero napatalon ako nang makita si Mama.

"Nasa'n ang asawa mo?"

"Boyfriend, Ma."

Tinaasan niya 'ko ng kilay. Bigla tuloy akong nagsisi sa pagsasalita ko.

"Bakit? Hindi mo ba siya pakakasalan?"

Nagkibit-balikat ako kaya lalong tumaas ang isang kilay niya.

"Umamin ka nga sa'kin." Napalunok ako. "May plano ka bang umatras sa kasal niyo?"

"Wala, Ma," mahina kong sabi tsaka nag-iwas ng tingin. "Magluluto ka, Ma?" pag-iiba ko na lang sa usapan.

"'Di ba ikaw ang magluluto ngayon? Bakit ako ang tinatanong mo?"

"Baby?"

Napasinghap ako nang marinig ang pagsara ng pinto sa taas. Sinundan ito ng mga yabag.

"Jonathan, may problema ba kayo ng batang 'to?"

Hindi ko napigilang umirap dahil sa tinawag ni Mama sa'kin. 18 na kaya ako. I'm not a bata anymore.

Naramdaman ko ang presensiya ni Doc sa tabi ko kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagpapalpitate na naman dahil sa pagtabi ni Doc sa'kin.

"I'll fix this, Mama."

Tumango si Mama. "Ayusin niyo 'yan," sabi niya bago bumalik sa bahay.

Huminga ako ng malalim bago hinarap si Doc. Hindi dapat ako tumakbo.

Inabot ko ang kamay niya. "Turuan mo 'kong magluto."

"I will but we have to talk first."

Ngumuso ako. "Pero gutom na 'ko."

A Writer's Diary [COMPLETE]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum