Writer's Chapter Twenty-Seven

92 61 0
                                    

TUMAYO ako at lumapit sa closet ni Doc. Kumuha ako ng kulay pink na long sleeves. Paborito ko 'to sa lahat ng long sleeves niya pero minsan pa lang niya 'to sinuot, sa bahay pa. Ayaw kasi niyan sa pink eh. Gusto niya 'yung lalaking-lalaki ang dating.

Hinubad ko ang pajama top ko at pinalit ang damit niya na halos umabot hanggang tuhod ko. Tangkad kasi eh.

Bumalik ako sa kama and I tapped the video call. Pero hindi siya sumagot. Ano kayang ginagawa niya?

Malapit na 'kong dalawin ng antok nang magvideo call siya. Tinatamad na 'kong gumalaw pero dahil miss na miss ko na ang tumatawag, dapat maging masipag ako. Nilagay ko na lang sa gilid ko ang laptop habang nakahiga ako ng patagilid paharap dito.

Halos hindi ko na maimulat ang mga mata ko sa sobrang antok.

"Baby.."

Kahit gaano kalambing ang pagtawag niya sa'kin ay hindi nawala ang antok ko. Gusto kong kiligin but I'm too sleepy. Pakiramdam ko buong taon akong gising at ngayon lang makakatulog.

"Tok na," wala sa sarili kong sabi.

"Ba--"

Everything went black.

Nagising ako dahil sa walang humpay na pag-iingay ng phone ko. Madilim pa sa labas. Madaling araw pa lang siguro.

Kinuha ko ang phone ko at mabilis na sinagot.

"You're so unfair."

Nawala ang antok ko dahil sa bumungad sa'kin. Dilat na dilat na ang mga mata ko at gising na gising na rin ang diwa ko. Pakiramdam ko dumadaloy na ngayon ang adrenaline sa buong katawan ko. Parang makakatakbo ako from here to Manila kahit kakagising ko lang. Sino ba namang hindi kung ang bumungad sa'yo ay isang malalim at napakagandang boses? Makalaglag puso. Napakasarap pakinggan tuwing bagong gising. Nakakawala ng bad vibes at nakakarelieve ng stress.

"Sorry."

"I want to see you before I go to the hospital."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Madilim pa ah? Tinignan ko ang oras sa phone ko. 5:28AM pa lang.

"Ang aga mo?"

"I have to. We're short on people, and the number of our patients keep on growing. We need to work hard, baby. For the people."

Tumulo ang isang butil ng luha sa kaliwang mata ko. Kaya ayokong maging doktor. Lahat ng sakripisyo gagawin niyo para sa mga pasyente.

Kinalma ko ang sarili para hindi niya mahalata na kasalukuyan akong umiiyak.

"Anong oras kang uuwi?"

"I don't know, baby. But I'll try at 5:30 in the afternoon."

"5:30?! You'll stay there for 12 hours?! With the Covid positive patients?!"

"Hey... baby. Calm down. I'll be fine. Promise."

Huminga ako ng malalim at umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama niya tsaka pumikit. Sana panaginip na lang ang lahat.

"Why did you choose to be a doctor?"

"Baby.."

"Answer me, Yves Jonathan."

I heard him chuckle. Hindi ko alam kung paano niya pa nagagawang tumawa sa sitwasyong kinaroroonan niya. How can he laugh when he's a doctor in a hospital that admits Covid positive patients? Samantalang ako, kahit nasa lugar ako na wala pang naitalang kaso, hindi ko magawang tumawa because I'm worried sick!

"You find this funny, huh?" naiinis kong tanong.

Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya.

"I'm sorry. I just want to know how it feels to laugh after a long time."

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now