Writer's Chapter Forty-Eight

92 65 0
                                    

THE moment I opened the box, ang araw kung kailan namatay si Lolo ay bumalik sa ala-ala ko. Lahat ng nangyari nung araw na 'yon ay parang kahapon lang. Sumariwa lahat ng ala-ala maging ang sakit at disappointment.

Masigla at masaya si Lolo nang pumasok siya sa operating room pero wala na siyang buhay nang ilabas siya. The success rate of the operation was 70% but because of a greedy doctor, bumaligtad ang sitwasyon. The cause of Lolo's death was malpractice. Masyadong nagmagaling ang doctor sa operasyon, masyado siyang nagpasikat dahil pinapanood siya ng mga head ng hospital, masyado siyang nagpakampante sa bawat galaw niya kaya hindi na niya napansin na mali na pala ang mga ginagawa niya. He ruptured my Lolo's heart, he killed him!

I was 12 years old when I hated doctors. Sa murang edad ay namuhi ako sa kanila at ni ayaw kong makakita ng kahit isang doctor man lang. At dahil sa sakit ko, tiniis ko ang sakit sa bawat pagpunta ko sa hospital. Sa bawat doctor na nakikita ko ay naaalala ko ang sakit ng pagkawala ni Lolo. He was my favorite grandparent, he was the one who raised me dahil lagi ako sa bahay nila noon, lagi niyang binibigay lahat ng gusto ko pati 'yung mga bagay na pinagbabawal ng parents ko dahil sa sakit ko ay pinapayagan niya 'ko and he was always on my side. Lagi niya 'kong pinagtatanggol at kinakampihan kapag pinapagalitan ako ng parents ko. Pero dahil sa pagkawala niya, pakiramdam ko malaking bahagi ng puso ko ang nawala din.

Sa loob ng box ay isang laruang pink stethoscope ang una kong nakita. Sa ilalim nito ay may pink na notebook.

Hinawakan ko ang notebook pero sa pag-angat ko dito ay may isang nakatuping papel ang nahulog sa hita ko. Ibinalik ko ang notebook sa box para kunin ang nahulog na papel.

Dahan-dahan kong inalis ang pagkakatupi nito at hindi ko napigilang matawa nang bumungad sa'kin ang sulat kamay na mahahalatang pagmamay-ari ng isang bata. Krayola at lapis ang gamit na pansulat at may mga cute na drawings pa ng stethoscope, first-aid kit at dalawang doctor (babae at lalaki) na nakasuot ng facemask at lab coat.

Dear James Alethea of the future,

Hi, Ate from 10 years from now! How are you doing there? I'm sure you're doing fine and I know you already found your dream husband. He's a doctor, right? Of course he is. Doctor lang naman ang pangarap nating pakasalan, 'di ba?

Alam mo ba? Pinagawan kami ng timeline ng teacher namin kanina. Sabi niya isulat namin doon ang nakikita naming magiging achievements namin in the future and guess what? I wrote in the 10 years from now is I already married my dream husband while I'm still in med school. Yep, magdodoctor din ako. Syempre dapat doctor din ako kung doctor ang pakakasalan ko, 'di ba? And I also want to save lives. I want to give them hope. I want everyone who's sick to realize that there's still a chance. I want them to see a better tomorrow like the way I want myself to see that.

Sabi nila mahirap daw sa med school pero kakayanin naman siguro natin, 'di ba? Kakayanin naman siguro ng puso natin, 'di ba? Kaya mo pa ba diyan, Ate? Tama ba na doctor ang pinangarap kong maging? Masaya ka ba diyan? Kasi ako? Sobrang saya ko sa pangarap kong 'yon.


Mabilis kong pinunasan ang isang butil ng luha na tumulo mula sa kaliwang mata ko. Hindi ko na nagawang tapusin ang sulat.

I'm sorry, James Alethea from the past. I'm sorry because I'm so miserable right now. Ni hindi ko alam kung anong gusto ko. I'm sorry for forgetting our dream. I'm sorry for being so sad right now.

Siguro kaya ako malungkot ngayon at pakiramdam ko hindi ako kumpleto kasi malaking bahagi ng pagkatao ko ang naiwan sa nakaraan. Nahanap ko nga ang dream husband natin pero nakalimutan ko naman ang pangarap nating maging doctor. I'm sorry for stopping. I'm sorry for disappointing you. Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat, 'di ba? I can still make our greatest dream come true. I can still be a doctor and save lives. Don't worry, James Alethea, tutuparin ko ang mga pangarap natin. I'll do my best at hinding-hindi ako susuko hangga't hindi ako nakakatanggap ng white coat. Hinding-hindi ako gagaya sa doctor na pumatay kay Lolo. I'll be a good doctor.

A Writer's Diary [COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz