Writer's Chapter Forty-Two

85 56 0
                                    

9PM nang matapos lahat ng dessert na ginagawa namin. Sinabihan ako ni Mama na matulog na muna at sila na ang bahala sa pag-aayos sa mga iyon. Pumayag na 'ko dahil inaantok na rin naman ako.

Pumasok ako sa kwartong tinutuluyan ko at binagsak ang buong bigat sa kama. Ngayon ko naramdaman ang pagod sa lahat ng ginawa ko ngayong araw.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot kong pajama. Nakapagpalit na 'ko kanina ng pantulog bago ako nag-bake. I set up an alarm at 11:45 PM. Sasalubungin namin ang birthday ni Doc and of course kasama siya. Kung hindi namin siya madadaan sa simpleng pakiusapan, idadaan namin siya sa dahas. Ipapakidnap namin siya sa ayaw at gusto niya.

"Thea, wake up."

Isang mahinang boses ang narinig ko sa kaliwang tainga ko. Pero masyado pa 'kong inaantok kaya binalewala ko na lang.

Isang kamay ang humawak sa balikat ko at nagsimula sa pagyugyog sa'kin. Naiinis kong hinawakan ang kamay na 'yon tsaka ko inalis mula sa pagkakahawak sa'kin. Nang masigurong wala ng istorbo ay dumapa ako sa kama.

"I'll rape you if you don't wake up."

Napamulat ako dahil sa muling pagsasalita ng boses na gumising sa'kin. Ngayon ko lang nakuha kung kanino iyon boses. Kay Kuya James!

Mabilis akong umupo at binalot ang katawan sa kumot. Mahirap na. Mukhang may lihim pa naman siyang pagtingin sa'kin. Lihim pa bang masasabi kung mukhang pinapahalata niya? O baka naman naghahallucinate lang ako or nag-aasume na may gusto siya sa'kin? But why would I assume? May Jonathan na 'ko. I no longer need another J in my life. Siguro naghahallucinate lang ako.

"Any minute from now, Jonathan will be here."

Pagkasabi niyan ni Kuya James ay lumabas na siya sa kwarto ko. He locked the door from the inside before closing it. Maybe ganito lang siya sa lahat ng babae. Hindi pwedeng may gusto siya sa'kin dahil hindi kami close at kakakilala ko lang sa kanya.

Kinuha ko ang phone ko sa side table para tignan ang oras. 11:50PM na! Pero hindi ko narinig mag-alarm ang phone ko! Mukhang masyadong napasarap ang tulog ko.

Bumuntong hininga ako at ni-off ang alarm.

Pumasok ako sa banyo at naghilamos. Nagpabango din ako gamit ang pabango ni Doc na dala ko tsaka ako nag-ayos ng buhok. Syempre nagtoothbrush din ako para maging handa sa kissing scene.

Paglabas ko ay naglakad pa 'ko ng isang minuto papunta sa may pool area kung saan namin isusurprise si Doc. Maliwanag sa nilalakaran ko dahil sa mga colorful lantern na nakasabit sa taas ng pathway. May mga fairylights din sa mga puno.

Pagdating sa pool area ay nandoon na lahat. Lumapit sa'kin si Kuya Gi tsaka ako sinamahan sa paglalakad palapit sa pamilya namin. Nang tuluyang makalapit ay hindi sinasadyang mapatingin ako kay Kuya James. Nakatingin siya sa'kin pero wala akong makitang ni isang emosyon o ekspresyon sa kanya. He's just staring blankly at me.

"He's here, everyone," mahinang sabi ni Ate Cheska.

Kumakabog ang dibdib ko nang tumingin sa direksyong tinitignan ng lahat. And I saw my doctor there. Inaalalayan siya ng dalawang kaibigan niya na silang kumidnap sa kanya. May nakatakip na itim na bagay sa buong ulo niya.

"Here's the cake, T," narinig kong sabi ni Kuya Gi tsaka niya inabot ang cake na binake ko.

Kinuha ko ito. Nakasindi na ang dalawang kandila na bumubuo sa edad ni Doc.

Huminto sa paglalakad si Doc sa mismong harapan ko. Kuya Ryeco smiled at me while Kuya Ground winked.

Hawak ko ang cake at nakatingin lang ako kay Doc. Kinakabahan ako pero hindi ko mapigilang maexcite.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now