Writer's Chapter Thirty-Six

81 48 0
                                    

ALAS kuwatro ng madaling araw ay gising na 'ko pero nakahiga pa rin ako sa kama. Ang phone ko ay nasa tainga ko habang nakapikit na kausap si Doc.

"Doc, anong gusto mong kainin bukas? Ipapadeliver ko diyan sa hospital," pero syempre ako mismo ang magbibigay sa kanya.

"You don't have to, James. Nakakakain naman ako ng maayos dito."

Ngumuso ako at dumapa sa kama.

"Pero gusto kong pagsilbihan ang fiancé ko," paglalambing ko.

Doc chuckled on the other line at napakasarap lang talaga niyang pakinggan kapag tumatawa. Pero mas masarap siyang panoorin.

"Doc, video call tayo."

Kinuha ko ang laptop sa side table pagkatapos kong buksan ang ilaw. Nakabukas na kanina ang laptop kaya nakatawag agad si Doc sa Skype ko. Pero bago ko ito sinagot ay inayos ko muna ang sarili ko. Ayokong magmukha akong bagong gising. I want to always look fresh in his eyes para hindi niya 'ko maisipang ipagpalit. I know he won't because he loves me so much pero hindi maiiwasang may umaligid sa kanya at siguradong ilan sa mga iyon ay gumagawa ng hakbang para mapansin niya.

Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Doc at pakiramdam ko nahulog ako uli sa kanya. 'Yung hukay na kinaroroonan ko ay mas lalo pang lumalim. At ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok, parang hindi depektibo.

"Massimo..." mahina kong sabi when I saw his stubbles.

Sumimangot si Doc pero as expected sa isang gwapong katulad niya, hindi siya pumangit.

'Yung ibang mga lalaki ay gumagwapo kapag may balbas, paano pa kaya si Doc? Baka ipagbawal na ang mukha niya kapag humaba ang balbas niya.

"Do I look like him, baby?"

Ayan na naman ang baby niya. Napapakagat labi tuloy ako dahil sa pagpipigil ng tili. Nakakainis. Kahit ilang taon na kami ay hindi ko pa rin mapigilang kiligin. Siya kaya kinikilig pa rin sa'kin?

"Naku, Doc! Balbas mo lang siya."

"I should shave often so you wouldn't see Massimo in me."

Natawa ako sa sinabi ni Doc pero mabilis din siyang inilingan.

"Doc, 'wag."

"Why?" nagsusuplado na naman ang doctor.

"Kasi naman never pa kitang nakitang may balbas. Gusto ko 'yang hawakan, Doc. I want to feel your stubbles brushing my skin. I want to be tickled by them."

"Not because I look like Massimo?"

Umiling ako at tumawa uli.

Sumandal ako sa headboard ng kama at ipinatong sa mga nakataas kong tuhod ang laptop.

"Doc, may maisasuggest ka bang course sa'kin sa college?"

"Baby, ikaw dapat ang pumili. Don't ask for other people's opinion."

Ngumuso ako. "Bakit naman?"

"Kapag hinayaan mong magdecide ang ibang tao para sa'yo, hindi ka magiging masaya. You should be the one choosing what you like para kapag nando'n ka na ay hindi ka maiinip at mawawalan ng gana because the one you'll choose is surely the one you really like and you'll love it."

"Pero wala talaga 'kong gusto kaya hindi ko alam kung anong pipiliin ko."

"Baby, pwede ka namang hindi na kumuha ng degree. I can provide for you. I can give you everything you'll ask. And I don't want you to work when we're married. Gusto ko nasa bahay ka lang, naghihintay sa pagdating ko and if you like, I can bring you with me."

A Writer's Diary [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ