Writer's Chapter Eleven

141 93 0
                                    

I'M his fiancée but a patient needs him at this moment more than I do. And I won't ever stop him in doing his job. I don't have the right to do that. Wala akong karapatang ipagdamot ang oras niya. Wala akong karapatang hingin lahat ng oras niya. Wala akong karapatang makipagkumpitensya sa mga pasyente niya. At times like this, wala akong karapatan sa kanya. At times like this, wala akong halaga. What matters most right now is his patient. Ako? Extra muna 'ko ngayon. Iba muna ang leading lady niya ngayon.

Between me and his patients, they will always be his priority. Sila ang una niyang pipiliin. Sila ang lagi niyang pipiliin.

While on our way to the hospital ay marami siyang tinatawagan. Mga nurse at ilang doctor. He keeps on asking the nurse about a certain patient. Hindi ko naman maintindihan dahil sa mga medical terms na sinasabi nila ng kausap at dahil na rin sa pag-iisip ko sa nangyari kanina. How he let go of my hand. How he forgot me just because of a call. How he was so ready to leave without me.

"Tito, are you in PHC right now?"

Napalingon ako sa cellphone na nasa phone stand. It was Tito Fifth on the other line.

"No, no. I'm out of the country. Why?"

"Nothing, Tito. Thanks."

He ended the call and start calling someone again. Dra. Alonzo ang nakarehistrong pangalan ng tinatawagan niya. Wala itong picture kaya hindi ko alam ang itsura nito.

Nagsalita ang nasa kabilang linya and in that moment, napaiwas ako ng tingin. It was an angelic voice I heard. Kahit sinong makakarinig, siguradong mahuhulog.

They talked habang ako ay sinubukan na lang matulog. I don't know what's going on at ayoko ring istorbohin siya para lang magtanong. Wala rin naman akong maitutulong kaya mas mabuting matulog na lang ako.

Nagising ako dahil sa malakas na pagsara ng pinto. Doc left without me. Tumingin ako sa paligid para tignan kung nasa'n kami.

I saw the name of the hospital. Philippine Heart Center. Nasa harapan kami ng building at hindi pa maayos ang pagkakapark niya. Halatang nagmamadali.

Lumabas ako ng sasakyan at nakita kung gaano katirik ang araw. It's already lunch time nang tumingin ako sa relo. I removed my jacket and gloves, maging ang scarf ko dahil sa biglang pagsalakay ng init sa katawan ko. Pinagpawisan agad ako. Kinuha ko ang isang plastic ng strawberries before I put my things on my bag at iniwan ito sa kotse bago sinara ang pinto.

Bitbit ang plastic bag, I walked towards the entrance door. Pero hindi ko na nakita si Doc nang makapasok ako. The health workers on the nurse's station greeted me when they saw me. Ngumiti ako at binati sila pabalik.

Itinaas ko ang plastic bag para ipakita sa kanila. "Strawberries for you."

"Naku, Ma'am, nakakahiya naman," nahihiyang sabi ng isang nurse.

I looked at her nameplate para malaman ang pangalan niya. Jenny..

"Thea na lang, Ate."

I smiled at her. Tinanggap niya ang binibigay ko at nagpasalamat.

"Saan nga pala kayo galing ni Doc, Thea?" biglang tanong ng kakilala kong nurse.

"Sa Baguio lang, Ate Ellen."

"Sinong Doc?" singit ng isa pang babaeng nurse na hindi ko kilala. Vella naman ang nasa nameplate nito.

"Si Dr. Del Lozano."

"Magkapatid kayo?" Ate Jenny asked.

I smiled bitterly. Lagi na lang akong napagkakamalang kamag-anak niya.

A Writer's Diary [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon