Writer's Chapter Seven

161 127 1
                                    

"OH MY!" Naitakip ko ang kamay sa bibig. "PAPA!" Niyakap ko siya ng mahigpit at naiyak pa 'ko dahil sa sobrang tuwa. Ang rosas na dala niya ay hindi ko na pinansin.
 
My father is here, at siya ang first dance ko! Kaya pala Mr. Im, kasi Mr. Iñigo Martin. Sobrang saya ko. Sa sobrang saya nakalimutan ko lahat ng negatibong iniisip ko kanina.

Nakayakap ako sa kanya habang nagsasayaw. I missed him so much at dahil nandito siya, napunan na ang kulang na nararamdaman ko kanina. Sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko dahil kay Papa. After 2 years, nandito na uli siya.

"Dalaga na ang prinsesa namin."

"Papa naman eh."

"Happy birthday, anak." 

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Nakangiti siya nang tignan ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

"Thank you for being here, Papa. Thank you sa pag-uwi mo."

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Dapat kasi next year pa ang uwi niya dahil 3 years ang kontrata niya sa Singapore. He's one of the engineers sa twin towers na ginagawa nila kaya hindi siya dapat mawala doon.

"This is the best gift ever, Pa."

Tumawa ng mahina si Papa. Napakamanly. Ang edad niya ay 50 pero mukha lang siyang nasa late thirties. Matipuno, matangkad at talaga namang magandang lalaki.

"Flower for you, prinsesa."

Nakangiti kong tinanggap ang pulang rosas na inabot niya.

I was smiling from ear to ear habang isinasayaw ako ng mga kabilang sa 18 roses ko. Hindi nawala ang ngiting iyon not until matawag na ang pang labing walong taong magbibigay sa'kin ng rose. Akala ko siya na. Akala ko mangyayari ang inaasahan ko pero nagkamali ako. Hindi siya ang huling sayaw ko. Bakit?

"Bakit malungkot ang birthday celebrant? Hindi ka ba masaya na nandito ako?"

Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Gi na siyang nagsasayaw sa'kin. Nakangiti siya pero hindi ko kayang suklian iyon ng totoong ngiti.

Kuya Gi leaned forward. Ang bibig niya ay nasa tapat na ng tainga ko kaya naramdaman ko ang mainit niyang hininga. "Nandito na siya."

Hindi ko mapigilan ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ang tuwang nararamdaman ko kanina ay bumalik na at ang ngiti kong peke ay napalitan na ng totoo.

Binitawan niya 'ko pero hindi siya umalis sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa mga bisitang nakatayo at unti-unting nahahati sa gitna ang crowd hanggang sa tuluyan ng naging visible sa paningin ko ang double doors entrance na unti-unti ring bumubukas.

Pigil ang hininga ko habang sabay-sabay naming hinihintay ang taong nasa likuran ng dalawang pinto. At tuluyan ko na ngang nahigit ang hininga ko nang makita siya. Siya na may kasamang isang napakagandang babae at nasa baywang nito ang kamay niya. Pareho pa silang nakangiti ng matamis. Bagay na bagay. Parang itinadhana talaga para sa isa't-isa.

Nanghina ang mga tuhod ko at muntik pa 'kong bumagsak sa sahig kung hindi ako nahawakan sa baywang ni Kuya Gi.

Nang tuluyan silang makapasok ay sabay-sabay na pumalakpak ang mga tao.

"Congratulations!" sabay-sabay na sigaw ng mga bisita na lalong nakapagpalambot sa mga tuhod ko.

Ngiting-ngiti sila habang naglalakad sa red carpet na patungo sa kinaroroonan ko. Ang palakpakan ng mga tao ay hindi natigil pero hindi ko na iyon naririnig. Ang naririnig ko na lang ay ang malalalim kong paghinga at ang tunog ng puso kong unti-unting nababasag.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now