Writer's Chapter Twenty-Four

85 51 0
                                    

SUNDAY morning, rain is fa--- It should be tears dahil aalis na siya ngayon. He'll be back in Metro Manila kung saan nakaconfine halos lahat ng COVID patients.

Manila used to be a place with overflowing opportunities but it's different now. Nakakatakot ng pumunta dahil baka kung saan-saan nakakapit ang virus.

12NN, the total of confirmed cases are 380 in the Philippines according to DOH. 73 ang nadagdag at siguradong mas tataas pa ang bilang na madadagdag sa mga susunod pang mga araw. Konti pa lang kumpara sa ibang bansa pero ang konting bilang na 'yan, marami na 'yang nakasalamuha na maaaring nahawahan nila and soon, baka makuha pa ng Pilipinas ang titulo sa pagkakaroon ng pinakamaraming kaso ng confirmed cases sa Southeast Asia. Pero sana hindi 'yon mangyari.

"Aalis ka na ba talaga?"

Pinapanood ko siyang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin. Pinapasok niya sa dala niyang maleta na nasa kama pero kapag tumatalikod siya at lumalayo para kumuha ng ibang damit ay inaalis ko ang mga nilagay niya. Gusto ko na ngang sunugin ang maleta niya eh.

Lumapit siya sa kama pero napahinto sa akmang paglalagay ng panibagong damit sa maleta nang makita niya ang ilang gamit na nilabas ko. Kunot-noo siyang tumingin sa'kin pero nang makita ang mga luha ko ay lumambot ang ekspresyon niya. But he didn't say anything. Inabot niya lang ang mga gamit niyang nilabas ko sa maleta niya.

"Hindi ba pwedeng pahupain mo muna 'to?"

"I'm a doctor. My job is to save people not to watch them suffer and die."

Tinignan ko siya ng masama pero bumalik lang siya sa harapan ng closet niya.

Hindi ko naman sinabing panoorin niya eh. Pwede naman siyang pumikit.

"But I'm your fiancée."

"You're not ill."

"I'm dying."

Lumingon siya pero sandali lang. Ni hindi umabot ng limang segundo. Mas importante ba ang mga damit niya kaysa sa'kin?

"Paano kung sumakit ang puso ko habang wala ka? Paano kung mamatay ako dahil do'n?"

"It won't, trust me."

"Kapag namiss ka ng husto nito.." Hinawakan ko ang parte kung saan ang puso ko. "..mahihirapan 'to."

"I'll call you every night."

Anong gagawin ko? Paano ko siya mapipigilan?

Dumapa ako sa kama niya at doon umiyak. Iyak na sobrang sakit. Masakit sa puso. How can I make him stay? Paano ako makakasiguro na walang dalang virus ang mga pasyente niya? Sa mga pasyente sa PHC pwede pang hindi carrier but how about the ones in St. Lukes? Maraming COVID patients doon. Hindi lang mga pasyente ang pwedeng carrier, posible ring mga staff o ibang healthworkers. Pero hindi lang tao ang pwedeng maging carrier. Pwede ring malagyan ng virus ang mga gamit doon. Paano kung mahawakan niya? Mahahawa siya!

I can't breathe.

"Baby, calm down. Please calm down."

Malabong mukha. Malabong kapaligiran. Malabo lahat sa paningin ko.

"Come on, baby. Calm down."

"James! Anong nangyari, Jonathan?"

I heard my Mom's voice pero hindi ko siya makita. I blinked many times para luminaw ang mga nakikita ko but it didn't. Kinabahan ako. Anong nangyayari sa'kin? Bakit hindi ko sila makita?

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko. Sobrang lakas at sobrang bilis. At ang paghinga ko, nahihirapan ako. Pakiramdam ko may nakabara sa daluyan ng hangin ng katawan ko. Ginagamit ko na ang bibig ko pero mahirap pa rin. Hinahabol ko na ang bawat hininga ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mahahabol.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now