Writer's Chapter Twenty-Eight

102 63 0
                                    

SUNDAY morning, nagising ako dahil sa malalakas na katok mula sa labas. Sa bahay ako ni Doc natutulog para hindi ko siya gaanong mamiss.

"Ma, hindi naman 'yan nakalock." Inaantok akong bumaba sa kama.

"Turn on your goddamn phone, James Alethea!"

Nawala ang nararamdaman kong antok dahil sa pagsigaw ni Mama. This isn't the first time na sinigawan niya 'ko but this is the first time na sinigawan niya 'ko dahil sa phone ko.

Mabilis akong naglakad towards the door. Binuksan ko ito at nagtatakang tinignan si Mama.

"What's wrong, Ma? Madaling araw pa lang ah? Tsaka lowbat ang phone ko."

Sumama ang tingin nito sa'kin. Ano na namang nagawa ko?

"Jonathan wants to talk to you."

At doon ako kinabahan. Napatakbo ako pabalik sa kama. Umupo ako sa gilid at kinuha ang laptop sa side table. I opened it and my skype as fast as I could.

"Doc!" Malakas kong tawag nang sagutin niya ang tawag ko.

Nasa loob na siya ng sasakyan niya at diretso ang tingin niya sa harap. He's already wearing scrubs.

Tinignan ko ang oras.

4:24 AM pa lang.

"Napakaaga mo naman, Doc?"

Tumingin siya saglit sa'kin.

"I need to tell you something but please, don't get mad at me."

Unti-unting tumaas ang isang kilay ko. What is that something na maaari kong ikagalit?

"Someone confessed to me yesterday."

"And you didn't tell me."

"I'm sorry. I just missed you so much that's why I forgot to tell you."

Hindi ko napigilang mapngiti ko. This doctor is so cute! Gusto ko pa sana siyang pagtripan pero nakakakonsensiya naman.

Ang buong akala ko ay pakikiligin niya lang ako all throughout our conversation kaya hindi ko napaghandaan ang biglang pagbagsak niya sa isang granada.

Napahawak ako sa dibdib ko as his words kept replaying on my mind.

"Ground is in the ICU. He got infected with the virus."

Gusto kong tumakbo palabas ng bahay niya at puntahan ang kapatid ko para mayakap ito. Jane is strong but I don't think she can manage it alone and I'm such a stupid sister para sabihin sa kanya kahapon na she can handle the pain. I want to take back my words and tell her that I'm just here.

"Ground doesn't want Jane to know."

Gusto kong matuwa dahil parang may pagtingin din si Ground sa kapatid ko pero hindi ko magawa.

"She deserve to know, Doc." Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. My tears are already on the edge of a cliff, ready to fall. "Alam mo naman na gusto siya ng kapatid ko, 'di ba? Do you think matutuwa si Jane kapag inilihim natin sa kanya? She deserve to care and wish Ground to get better."

"But, baby.. that's what Ground wants."

Umirap ako.

"When something bad happened to you, you'll keep it a secret too?"

"Not anymore."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Not anymore?! Ibig sabihin may balak ka talagang magsikreto sa'kin?"

Tumawa siya na lalo kong ikinagalit.

"Tell me, are you hiding something from me?"

Tumikhim siya at tumingin saglit sa akin.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now