Writer's Chapter Twenty-Two

92 57 0
                                    

"'NAK, gising na. Aalis kayo ni Doc ngayon."

Nagtalukbong ako ng kumot at umikot papunta sa kaliwang side. Inaantok pa 'ko and I can't even open my eyes.

"5 minutes."

Umuga ang kama kaya napabalikwas ako ng bangon. Muntik pa 'kong magpanic dahil akala ko ay lumilindol. Si Doc lang pala na umupo sa tabi ko.

"Let's eat."

"Antok pa 'ko."

"You have to eat, baby."

Tumango na lang ako para hindi na magsalita pa. Tinatamad akong magsalita.

Naligo muna ako bago pumunta sa bahay ni Doc. Ako lang mag-isa sa bahay namin. Sina Mama at Jane ay siguradong nasa kabilang bahay.

Lumabas ako ng kwarto ko wearing a summer dress na tinernohan ko ng sandals. Sabi kasi ni Doc ay magsuot daw ako ng damit pang-alis. Nang tanungin ko naman siya kung saan kami pupunta, hindi niya sinabi. Palalabasin kaya ako? Wala akong quarantine pass eh. Buti pa siya meron. Tsaka si Mama meron din. Isa lang kasi ang mabibigyan every household.

Nang makalabas ako ng bahay ay nadaanan ko pa ang mga kahon sa sala. Hindi pa nakabukas pero sinabi na ni Mama kung ano ang laman ng mga 'yan. Mga de lata, instant noodles, cup noodles, kape, gatas, sabon, shampoo at marami pa. May plano yata siyang magpatayo ng sari-sari store habang may ECQ. Mas mabuti kung ipamimigay ang mga 'to sa ibang tao.

"Nandito na 'ko," akayuko kong sabi pagkabukas ng pinto.

"Kumain ka na." Si Mama.

Nag-angat ako ng tingin para makita sila. Nasa kusina silang tatlo. Si Doc at Mama ay nakaharap sa kalan, si Jane naman ay busy sa paglalagay ng kanin sa mga tupperware na nasa ibabaw ng mesa. Meron din sa lapag pero nakasara na ang mga ito at patong-patong na. May mga kahon din sa sahig. Ano bang meron?

"Para saan ang mga 'to?"

Lumingon si Doc sa'kin at may sinabi kay Mama pero hindi ko narinig dahil malayo ako sa kanila. Nasa sala pa kasi ako.

Naglakad si Doc papunta sa'kin. May dala siyang isang plato na may lamang kanin at dalawang klase ng ulam. 2 slices of fried chicken at adobong baboy.

"Let's eat outside."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Hindi ka pa kumain?"

Umiling siya tsaka hinawakan ang baywang ko. Giniya niya 'ko sa labas at kahit parehong occupied ang mga kamay niya, nagawa niya pa ring buksan ang screen door but using his foot. Napailing na lang ako at hinawakan ang hawakan ng pinto tsaka binuksan ito ng malaki. Bakit kasi gustong-gusto niya ng siya lahat? Mahirap bang humingi ng tulong?

We went to his terrace at umupo sa mga upuang gawa sa bakal na nakapalibot sa glass table. Pero this time ay pinanghila ko siya ng upuan. Kunot noo pa siyang tumingin sa'kin pagkatapos kong gawin 'yon pero nginitian ko na lang siya.

"Bakit hindi ka pa kumain? Alas dies na ah?"

"I want to eat with you."

Ano ba? Ang aga naman niyang magpakilig. Hindi ba pwedeng kumain na lang kami?

"Akin na 'yan," sabi ko habang nakatingin sa kutsara't tinidor na hawak niya. "Susubuan na lang kita."

I heard him cough kaya napatingin ako sa kanya. Nag-iwas naman siya ng tingin pero may napansin ako. 'Yung tainga at pisngi niya namumula.

Inusog ko ang upuan ko palapit sa kanya tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Lalo naman siyang namula.

"May masakit ba sa'yo, Doc? Pulang-pula ka."

A Writer's Diary [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora