Writer's Chapter Twenty

106 70 10
                                    

DALAWANG araw ang lumipas, dalawang araw ng nakikitulog ang dalawang kaibigan ni Doc. Dalawang araw na ring nagbabangayan ng parang aso't pusa ang kapatid ko at si Kuya Ground. At dalawang araw na ring pabalik-balik dito si Ate Nashia para maghatid ng sako-sakong bigas at kahon-kahong hindi ko alam kung anong laman. Napuno na ang kusina sa bahay at 'yung sala ay doon naman nilagay ang mga bagong dating ngayon. Sa labas na kami kumakain dahil hindi na kami kasya sa kusina namin at nagluluto naman sa bahay ni Doc. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung para saan ang mga kahon at bigas.

We were having our breakfast sa tabi ng mga punong mangga dahil presko dito at nasisilungan pa ng mga branches ng trees. Katatapos lang nilang maghakot and Ate Nashia is not alone this time. Kasama niya ang boyfriend niyang si Kuya Edward na isang piloto ding katulad niya at katulad ng mga kaibigan ni Doc. Napapalibutan na tuloy kami ng mga professional. Kaming dalawa na lang ni Jane ang wala pang degree dahil maging si Mama ay isa ring professional. She's a Chemical Engineer pero she's no longer working. Pero may business siyang perfume na siya mismo ang nagformulate na talagang pumatok sa mga Pilipino. It's the Alena Scent. At mukhang susundan ni Jane ang yakap ni Mama.

Buti pa siya alam na kung anong itetake sa college. Samantalang ako na college na next school year ay wala pang plano. Hindi ko kasi alam kung anong course ang gusto ko. Magtatambay na lang yata ako sa bahay.

"Try this, baby."

Tinignan ko ang sinasabi ni Doc pero hawak na pala niya ang platong pinaglagyan nito at nilalagyan na niya ang plato ko. Ngumiti na lang ako at nagpasalamat kahit ang totoo ay gusto ko ng ngumiwi. Hindi kasi ako kumakain ng talong at habang tinitignan ang tortang talong na nilagay niya sa plate ko ay parang gusto ko itong pitikin paalis sa plato. Kung hindi lang ako nahihiya kay Ate Nashia na siyang nagluto nito ay kanina ko pa sana inalis.

"Try it, baby," bulong niya sa mismong tainga ko.

Kumabog ang dibdib ko hindi dahil sa mainit niyang hininga na napakabango kundi dahil sa sinabi niya. Nginitian ko siya pero pakiramdam ko ay nagmukha itong ngiwi.

"Hindi ako kumakain ng talong," sobrang hina kong sabi.

He smiled at me at siya mismo ang nanghiwa ng maliit na piraso sa tortang talong na nasa plate ko. Tinusok niya ito gamit ang tinidor niya at inilapit sa bibig ko.

Pasimple akong umiling pero nginitian niya uli ako na parang sinasabi niya na masarap 'to kaya dapat ay tikman ko. Sino ako para tanggihan ang gwapong doktor na 'to?

Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang kumagat ng napakaliit dito. Mabilis ko itong nilunok at mabilis na uminom ng tubig sa baso ni Doc. Wala kasing laman ang nasa tapat ko kaya 'yung sa kanya ang kinuha ko.

Natawa naman siya nang bahagya at nang tignan ko siya ay nginunguya na niya ang kinagatan ko.

"Did you like it, T?"

Humarap ako kay Ate Nashia na nasa tapat ng katabi kong si Jane. Nakangiti ito at ayokong mawala iyon pero I have to be honest. Ayokong magsinungaling sa pinsan ni Doc.

"Ate, actually I don't eat eggplant. At napakaliit ng kinagat ko kaya hindi ko nalasahan. Pasensya na."

"No worries, T. Sinabi na 'yan ni J sa'kin. And I'm a bit surprised because even if you don't like eggplant you still tried it."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mababad shot ako sa pinsan ni Doc. I felt Doc's hand caressed my back kaya napangiti ako. Parang binigyan ako nito ng lakas at panibagong dahilan para ngumiti.

Ate Nashia bid her goodbye to us nang magtanghali. Kailangan na kasi nilang bumalik sa Maynila.

I can say na mahal na mahal siya ng boyfriend niya kasi lagi itong nasa tabi niya at napakabait din nito. He's an Irish at nagkakilala daw sila ni Ate sa isang airport sa Ireland. They met each other dahil sa pabango ni Ate Nashia. Para daw kasing naakit si Kuya Edward kaya sinundan niya ang amoy and destiny helped them to find each other.

A Writer's Diary [COMPLETE]Where stories live. Discover now